15/03/2026
Pahayag 2:7
"Ang may pakinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya."
God says 😇😇
Naipadala na ang pitong Espiritu sa harapan ng Aking luklukan sa lahat ng sulok ng daigdig at ipadadala Ko ang Aking Sugo upang magsalita sa mga iglesia. Matuwid Ako at tapat; Ako ang Diyos na sumisiyasat sa pinakamalalalim na bahagi ng puso ng tao. Nagsasalita ang Banal na Espiritu sa mga iglesia, at mga salita Ko ang lumalabas mula sa kalooban ng Aking Anak; lahat ng may pandinig ay dapat makinig! Lahat ng nabubuhay ay dapat tumanggap! Kainin at inumin lamang ang mga ito, at huwag magduda. Tatanggap ng malalaking pagpapala ang lahat ng nagpapasakop at tumatalima sa Aking mga salita! Tiyak na magkakaroon ng bagong liwanag, bagong kaliwanagan, at mga bagong kabatiran ang lahat ng taimtim na naghahanap sa Aking mukha; magiging sariwa at bago ang lahat. Lilitaw ang Aking mga salita sa iyo anumang oras, at bubuksan ng mga ito ang mga mata ng iyong espiritu para makita mo ang lahat ng hiwaga ng espirituwal na mundo. Ang kaharian ay nasa gitna ng tao. Pumasok sa kanlungan, at mapapasaiyo ang lahat ng biyaya at pagpapala; hindi ka malalapitan ng taggutom at salot, at hindi ka masasaktan ng mga lobo, ahas, tigre at leopardo. Sasama ka sa Akin, lalakad kang kasama Ko, at papasok tayo sa kaluwalhatian!
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume I
click & join 👇to seek kingdom of God👑🏠
https://m.me/j/Abb68owlkV1I6Eep/?send_source=gc%3Acopy_invite_link_c