Holy Cross Chapel - Brgy. 351 and 352

Holy Cross Chapel - Brgy. 351 and 352 New and Official page of Holy Cross Chapel

24/01/2026
Happy New Year!Mamayang alas-8 ng gabi po ang ating misa.
31/12/2025

Happy New Year!
Mamayang alas-8 ng gabi po ang ating misa.

๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ผ: Batang HesusInialay ang Batang Hesus sa ating Belen ng Calip Family na pinangungunahan ni Kapitana Almira...
25/12/2025

๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ผ: Batang Hesus

Inialay ang Batang Hesus sa ating Belen ng Calip Family na pinangungunahan ni Kapitana Almira M. Calip at ng kanyang asawa na si (dating Kagawad) G. Jonjon Calip. Sa pagsilang ng Iyong Anak, O Diyos Ama, inihayag Mo ang Iyong pag-ibig sa sangkatauhan sa anyo ng isang munting bata. Sa Kanyang kapanganakan, dinala Niya ang pag-asa, kapayapaan, at bagong buhay sa mundo.

Panginoon, nawaโ€™y tanggapin namin ang Batang Hesus sa aming mga puso at hayaang Siya ang maging liwanag at pag-asa ng aming buhay.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: Birheng MariaDay 8 of 9Inialay ang Birheng Maria sa ating Belen ng Gonzales Family. Si Maria ay ...
23/12/2025

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: Birheng Maria

Day 8 of 9

Inialay ang Birheng Maria sa ating Belen ng Gonzales Family. Si Maria ay huwaran ng ganap na pagtitiwala at bukas na pagtanggap sa kalooban ng Diyos sa ating buhay. Tinanggap niya si Hesus nang buong puso at ipinakita ang kanyang pananampalataya at kababaang-loob.

Nawaโ€™y sa pagninilay kay Maria, matutunan nating maging bukas at tapat sa kalooban ng Diyos sa ating buhay, tulad ng kanyang halimbawa.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™…๐™ค๐™จ๐™šDay 7 of 9Inialay si San Jose sa ating Belen ng Cuenco Family. Si San Jose ay huwaran ng...
22/12/2025

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™…๐™ค๐™จ๐™š

Day 7 of 9

Inialay si San Jose sa ating Belen ng Cuenco Family. Si San Jose ay huwaran ng tahimik na pananampalataya, ganap na pagsunod, at tapat na pag-aaruga sa Sanggol na Hesus at sa Birheng Maria. Sa kanyang katahimikan, isinabuhay niya ang lubos na pagtitiwala sa Diyos.

Nawaโ€™y sa pagninilay kay San Jose, matutunan nating tumugon sa tawag ng Diyos nang may tapang, pananampalataya, at mapagkalingang puso.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ๐™๐™š๐™กDay 6 of 9Inialay ang Anghel sa ating Belen ng Sacdalan Family. Ang mga anghel ay tagapag...
20/12/2025

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ๐™๐™š๐™ก

Day 6 of 9

Inialay ang Anghel sa ating Belen ng Sacdalan Family. Ang mga anghel ay tagapagdala ng Mabuting Balita at tagapaghayag ng kalooban ng Diyos. Sa gabi ng kapanganakan ni Hesus, sila ang nagbalita ng kagalakan at kapayapaan sa sanlibutan.

Nawaโ€™y sa pagninilay sa Anghel, matutunan nating makinig sa tinig ng Diyos at maging daluyan ng Kanyang mensahe ng pag-asa, kapayapaan, at pagmamahal sa kapwa.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฑ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ: ๐๐š๐ -๐ข๐›๐ข๐ Ang ikaapat na kandila sa ating Advent Wreath ay sinindihan ng Abaya Family.Ang l...
20/12/2025

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฑ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ: ๐๐š๐ -๐ข๐›๐ข๐ 

Ang ikaapat na kandila sa ating Advent Wreath ay sinindihan ng Abaya Family.

Ang lilang kandila ay sumisimbolo sa pag-ibigโ€”ang pag-ibig ng Diyos na naging tao upang makasama tayo. Ihanda natin ang ating mga puso sa pagsilang ni Emmanuel, ang Diyos na sumasa-atin.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐™‡๐™–๐™ข๐™ฅ๐™–๐™ง๐™–Day 5 of 9Inialay ang Lampara sa ating Belen ng Cristal Family. Ang lampara ay sagisag ng...
20/12/2025

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐™‡๐™–๐™ข๐™ฅ๐™–๐™ง๐™–

Day 5 of 9

Inialay ang Lampara sa ating Belen ng Cristal Family. Ang lampara ay sagisag ng liwanag na gumagabay sa landas sa gitna ng dilim. Sa pamamagitan ng munting liwanag nito, ipinahihiwatig ang pag-asang hatid ni Kristo na siyang ilaw ng sanlibutan.

Nawaโ€™y sa pagninilay sa Lampara, matutunan nating magdala ng liwanag, pag-asa, at pagmamahal sa ating kapwa, lalo na sa mga sandaling pinaghaharian ng dilim.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐™‹๐™–๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™กDay 4 of 9Inialay ang Pastol sa ating Belen ng Ong Family, na binubuo nina Kagawad Eric O...
19/12/2025

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐™‹๐™–๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ก

Day 4 of 9

Inialay ang Pastol sa ating Belen ng Ong Family, na binubuo nina Kagawad Eric Ong, ang kanyang asawa na si Malen Ong, at ang kanilang mga anak na sina Mac Mac, Micki, at Erich. Ang Pastol ay pagsasalarawan ng gampanin ni Hesus bilang Mabuting Pastolโ€”ang gumagabay, nagmamalasakit, at nag-aalaga sa Kanyang kawan.

Nawaโ€™y matutunan nating sumunod sa halimbawa ng Pastol, magmahal at gumabay sa kapwa nang may kabutihan at pagtitiwala sa Diyos.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™๐™ช๐™ฅ๐™–Day 3 of 9Inialay ng Magat Family ang mga tupa sa ating Belen. Ang mga tupa ay sumasagisa...
17/12/2025

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™๐™ช๐™ฅ๐™–

Day 3 of 9

Inialay ng Magat Family ang mga tupa sa ating Belen. Ang mga tupa ay sumasagisag sa kababaang-loob, pagsunod, at ganap na pagtitiwala ng nilalang sa kanilang pastol. Sa kanilang katahimikan at kahinaan, inihahayag ang larawan ng taong umaasa nang lubos sa Diyos.

Pinili ng Sanggol na Hesus na mapaligiran ng mga tupa. Ito ay paalala na Siya ang Mabuting Pastol na kumikilala at nagmamahal sa Kanyang kawan. Nawaโ€™y tulad ng mga tupa, matutunan nating makinig sa Kanyang tinig at sumunod nang may buong pagtitiwala.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐™Ž๐™–๐™—๐™จ๐™–๐™—๐™–๐™ฃDay 2 of 9Inialay ng Gonzales and Cruz Family ang Sabsaban sa ating Belen. Ang sabsaban ...
16/12/2025

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐™Ž๐™–๐™—๐™จ๐™–๐™—๐™–๐™ฃ

Day 2 of 9

Inialay ng Gonzales and Cruz Family ang Sabsaban sa ating Belen. Ang sabsaban ay lagakan ng pagkain ng mga alagang hayop sa bukid. Minarapat ng batang Hesus ang matampok sa isang sabsaban ma siyang pagwawangis ng pag-aalay ni Hesus bilang pagkaing bumubuhay, ang Tinapay ng Buhay.

Bagamaโ€™t bilang Diyos ay may kakayahan Siyang maipanganak sa makaharing pamamaraan, pinili Niya ang kapayakan ng isang sabsaban. Nawaโ€™y tulad ng sabsaban ay maging karapat-dapat tayong tumanggap kay Hesus sa ating mga buhay.

๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ข๐™žDay 1 of 9Nag-umpisa na ang ating novena mass para sa pagdating ng batang Hesus.Kagabi, iniala...
16/12/2025

๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ: ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ข๐™ž

Day 1 of 9

Nag-umpisa na ang ating novena mass para sa pagdating ng batang Hesus.

Kagabi, inialay ng Placente Family ang mga Dayami kung saan pinili ng batang Hesus na maihiga. Nawaโ€™y tulad Niya ay magkaroon tayo ng kababaang-loob at piliin nating maihiga rin sa mga dayami.

Address

Elias Street
Manila
1014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Holy Cross Chapel - Brgy. 351 and 352 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category