FaithSnaps

FaithSnaps Quick truths. Real reflections. Daily devotionals that move the heart for Christ. Devotionals by PsMV — sharing hope , one word at a time.

FaithSnaps  #28"Ministry is Not About You."Verse: Philippians 2:4 (NIV)Minsan kahit nasa loob na tayo ng ministry, ang p...
13/06/2025

FaithSnaps #28
"Ministry is Not About You."
Verse: Philippians 2:4 (NIV)

Minsan kahit nasa loob na tayo ng ministry, ang puso natin hindi pa rin converted. Ginagawa ang tama, pero ang motibo para mapansin, mapuri, maprotektahan ang sariling pangalan. Kapag may feedback, nasasaktan. Kapag hindi napansin, nadidiscourage. Kapag hindi nasunod ang gusto, nagtatampo.

Pero ang totoo, It’s not about us. Hindi tayo ang bida. Hindi tayo ang agenda. Si Jesus dapat ang sentro, hindi ang ego natin.

Sa tuwing pinapaalala sa’yo ni Lord na hindi tungkol sa’yo ang lahat ng ito, wag kang magtampo. Magpasalamat ka. Dahil sa tuwing binabasag Niya ang self-centeredness natin, pinoprotektahan Niya tayo sa kasikatang walang ugat, at tagumpay na wala namang kabanalan.

-PsMV

FaithSnaps  #27"Di Mo Sure..."Verse: Jeremiah 17:9 (NIV)Marami sa atin dito guilty. Yung konting comment lang sa iyo, fe...
12/06/2025

FaithSnaps #27
"Di Mo Sure..."
Verse: Jeremiah 17:9 (NIV)

Marami sa atin dito guilty.
Yung konting comment lang sa iyo, feeling attacked ka na. Yung may nagpaalala lang, feeling mo najudged ka na agad. Yung may correction na dumating, akala mo sinisiraan ka na. Pero ang tanong: Sure ka ba talaga?

Di mo sure.
Kasi minsan, hindi naman sila ang may problema.
Ang Puso mo.

Ang puso natin, kahit nasa ministry ka na, pwedeng maging marupok, proud, at easily offended. Kaya wag basta feelings agad ang paniwalaan. Dahil hindi lahat ng nararamdaman mo ay totoo.

Just because you feel it doesn’t mean it’s truth. Salita pa din ng Diyos ang hayaan natin sa fact-checking

Kung emotions lang ang pinanghawakan mo pwedeng masira ang relasyon, mawala ang tamang discernment at ang mabigat papasok ang pride na hindi mo na napapansin.

Kaya bago tayo mag-react, mag-post, o mag-walk out...
Isipin mo muna, Baka hindi sila ang dapat itama, baka puso mo.

-PsMV

FaithSnaps  #26"Correction is Not Rejection." Psalm 141:5a (KJV)Bilang mga leader, madaling mahulog sa trap ng defensive...
11/06/2025

FaithSnaps #26
"Correction is Not Rejection."
Psalm 141:5a (KJV)

Bilang mga leader, madaling mahulog sa trap ng defensiveness. Konting puna, konting rebuke, kahit maayos naman at puno ng pag-ibig ang pag deliver, feeling natin parang personal attack na sa atin.
Ang mangyayari dedepensa na tayo agad.
“Alam mo ba kung gaano na karami ang nagawa ko sa ministry?” “Hindi niyo alam yung buong kwento” “Hindi niyo lang ako naiintindihan.”

Pero minsan, ang totoong problema… ayaw nating itama.

Nakakatakot kasi ang pride. Pwedeng mukha tayong Spiritual pero puno ng inner resistance pag tinatama na tayo.
Huwag nating kalimutan, na kahit gaano pa tayo kagaling bilang leader, ka-anointed, o ka-successful makasalanan pa rin tayo na kailangan ng grace at rebuke.

Minsan ang pagtatama ay hindi insulto. Ito ay imbitasyon na lumapit muli sa paanan ni Kristo.

Sa church leadership, ang rebuke ay hindi dapat ituring na rejection. Ang correction ay hindi kaaway ng calling natin. Ito ang katuwang ng ating paglago.

Kaya kapag may kapatid na may lakas ng loob na magtama sa atin nang may pag-ibig, huwag nating barahin. Yakapin natin ang biyaya sa likod ng discomfort.

-PsMV

FaithSnaps  #25 "Makinig Para Makaunawa, Hindi Para Sumagot."Verse: James 1:19 (NIV)Minsan akala natin mahusay tayong ka...
10/06/2025

FaithSnaps #25
"Makinig Para Makaunawa, Hindi Para Sumagot."
Verse: James 1:19 (NIV)

Minsan akala natin mahusay tayong kausap, marunong magsalita, magbigay ng opinyon. Kaso..., hindi naman marunong makinig.

Nakikinig tayo pero sabay compose na rin ng sagot sa utak. Nakikinig tayo pero hindi para umunawa, kundi para kontrahin, i-correct, o ipanalo ang punto natin.

Ang problema? Ang taong gusto lang magsalita pero ayaw makinig, hindi nakakabuo ng koneksyon, kundi nakakabasag ng loob.

Si Jesus, kahit marami siyang pwedeng isagot, marunong Siyang makinig. Kay Zacchaeus. Kay Martha. Kay Bartimaeus. Kay Samaritan woman. Hindi Siya palaging sermon agad. Nakikinig muna Siya.

Bakit? Dahil minsan,
Hindi naman lahat, kailangan ng sagot—minsan, sapat na ang pakikinig na may kasamang puso."

Gusto nating maunawaan, pero ayaw nating pakinggan ang kwento ng iba. Gusto nating marinig ang boses natin, pero hindi natin binibigyang halaga ang boses nila.

Kung gusto mong maging kagaya ni Jesus, magsimula tayo sa tahimik na puso na handang makinig, hindi lang bibig na laging handang magsalita.

-PsMV

FaithSnaps  #24"Unawain mo din"Verse: Matthew 7:12Minsan gusto natin tayo lang ang nauunawaan. Gusto natin na pinapalawa...
09/06/2025

FaithSnaps #24
"Unawain mo din"
Verse: Matthew 7:12

Minsan gusto natin tayo lang ang nauunawaan. Gusto natin na pinapalawak ng iba ang pang-unawa sa atin.
Gusto natin maintindihan nila 'yung pagod natin, 'yung delay natin magresponse, 'yung attitude natin dahil sa stress. Pero kapag ibang tao na ang may pinagdadaanan, ang bilis nating mag-judge.
Minsan ang ikli ng pasensya natin, at ang liit ng pang-unawa natin.
Nakalimutan natin na lahat tayo may laban.

Ang tunay na pagmamahal ay hindi lang "intindihin mo ako." Kasama rin dito ang "iintindihin kita."

Sa tuwing parang hirap kang umunawa ng iba, alalahanin mo lang si Jesus. Siya ang lubos na nakaunawa sa’yo. Sa lahat ng kasalanan mo, kahinaan mo, at pagiging makasarili kung minsan, minahal ka pa rin Niya.

Kaya kapatid kung gusto mo na inuunawa, aralin mo din umunawa ng iba.

-PsMV

FaithSnaps  #23"Habambuhay Siyang Tapat."Verse: Isaiah 46:4Madalas, pag iniwan, natututo tayong magtakip ng emosyon.Pag ...
06/06/2025

FaithSnaps #23
"Habambuhay Siyang Tapat."
Verse: Isaiah 46:4

Madalas, pag iniwan, natututo tayong magtakip ng emosyon.
Pag nasaktan, natututo tayong ngumiti kahit wasak.
Pag napagod, natututo tayong magkunwaring kaya pa.

Sanay tayong bitawan.
Sanay tayong sabihang “hindi ka na sapat.”
Sanay tayong mag-adjust kapag tayo ang naiiwan.

Pero may isang hindi kailanman aalis.
Hindi titigil. Hindi susuko.
Hindi mo kailangang ipakita na malakas ka — dahil kahit sa pinakamarupok mong sandali, alagang-alaga ka pa rin Niya.

Sabi ng Diyos sa Isaiah 46:4 (NLT):
"I will be your God throughout your lifetime—until your hair is white with age. I made you, and I will care for you. I will carry you along and save you."

Hindi lang habang malakas ka.
Hindi lang habang may silbi ka.
Kundi habang buhay ka.

Sa bawat season ng buhay mo —
Bata ka pa o may edad na,
Baguhan o leader na,
Wala kang kailangang patunayan para mahalin Niya.

Dahil hindi ka Niya minahal dahil magaling ka.
Minahal ka Niya kasi Kanya ka.

-PsMV

FaithSnaps  #22"Kung Nagising Ka, May Plano Pa Siya."Verse : Lamentations 3:22–23Mapagpalang araw!Hindi aksidente na nag...
05/06/2025

FaithSnaps #22
"Kung Nagising Ka, May Plano Pa Siya."
Verse : Lamentations 3:22–23

Mapagpalang araw!
Hindi aksidente na nagising ka ulit ngayon.
Hindi dahil sa alarm clock.
Hindi dahil automatic na gumising ang katawan mo.

Nagising ka kasi may dahilan.
Kapatid, May plano pa ang Diyos sa buhay mo.

Oo, kahit pagod ka na.
Kahit feeling mo wala kang magagawa.
o tipong paulit-ulit ka nang nadadapa.

Mananatili ang Pangako ng Diyos
Lamentations 3:22–23:
“ Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay.
Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila.”

Bawat gising, bagong chance.
Bawat umaga, bagong pag-asa.
At kung binigyan ka Niya ulit ng hininga,
ibig sabihin:
Hindi pa tapos ang kwento mo sa Kanya.

Kaya kahit hindi mo pa alam ang buong plano ni LORD,
kumapit ka lang sa Diyos na may hawak ng buhay mo.
Dahil habang may buhay at Habang may gising,
may ginagawa si Lord na mga bagong blessing

Blessed Morning!

-PsMV

FaithSnaps  #21"May Biyaya Para Muling Makapagsimula."Verse: Romans 6:14Oo, ang kasalanan ay mabigat.Pero ang biyaya ng ...
04/06/2025

FaithSnaps #21
"May Biyaya Para Muling Makapagsimula."
Verse: Romans 6:14

Oo, ang kasalanan ay mabigat.
Pero ang biyaya ng Diyos ay mas mabigat.
Mas makapangyarihan at laging sapat.

Kung nahulog ka kapatid,
hindi mo kailangang manatili diyan.
May kapatawaran, May kalayaan.
At may bagong simula sa presensya ng Diyos.

Romans 6:14 (NLT)
“Sin is no longer your master... you live under the freedom of God’s grace.”

Ang biyaya ng Diyos ay hindi lisensya para magkasala—
ito ang lakas para talikuran ang kasalanan.

Hindi ka tinawag para manatiling bihag.
Tinawag ka upang lumaya.
Tinawag ka para bumangon.
At sa lakas na kaloob ni Cristo—makakaya mo.

Hindi mo kailangang manatili sa pagkatalo.
Dahil sa Biyaya, pwede kang magsimulang muli.

-PsMV

FaithSnaps  #20"Kapag Kasalanan ang Namayani."Verse: James 1:15Walang maliit na kasalanan.Walang sikreto na hindi unti-u...
03/06/2025

FaithSnaps #20
"Kapag Kasalanan ang Namayani."
Verse: James 1:15

Walang maliit na kasalanan.
Walang sikreto na hindi unti-unting sumisira.
Ang kasalanan—kapag pinabayaan—kayang sirain ang puso, relasyon, at pananampalataya mo.

Minsan nagsisimula lang sa:
"Okay lang 'to, wala namang nakakaalam."
Hanggang sa mawalan ka na ng kapayapaan.
Mapupuno ka ng guilt.
At mahihirapan kang marinig ang tinig ng Diyos.

Ang kasalanan ay hindi lang pagkakamali—
Ito ay unti-unting paglayo.
At kapag ito ang namayani,
kaya ka nitong lunurin sa takot, kahihiyan, at pagkakawalay sa Diyos.

James 1:15 (GNT)
"Then our evil desires conceive and give birth to sin; and sin, when it is full-grown, gives birth to death."

Kapatid, paalala lang
Ang kasalanan, kapag lumago,
nagbubunga ng pagkawasak.
Kaya ‘wag nating hayaang maghari pa ito sa buhay mo.

- PsMV

FaithSnaps  #19"Baka Ikaw ang Sagot sa Dasal."Verse: Galatians 6:2 (NLT)Hindi lahat ng sugat ay kita sa labas.Hindi laha...
02/06/2025

FaithSnaps #19
"Baka Ikaw ang Sagot sa Dasal."
Verse: Galatians 6:2 (NLT)

Hindi lahat ng sugat ay kita sa labas.
Hindi lahat ng pagod ay halata sa mukha.
Minsan, ‘yung taong akala mong matatag—iyon pala ang unti-unting nauubos na sa loob.

Maaring tahimik lang siya.
Laging online, pero ang totoo wala pala sa sarili.
Nakangiti pero may mabigat pala sa puso.

At ikaw…
Maaaring ikaw ang taong ipinadala ni Lord para maging kalakasan niya.

Huwag mong ipagkait ang simpleng kumusta.
Yung tapik mo sa balikat niya.
at yung dasal na tahimik mong binigkas para sa kanya.
Dahil baka hindi mo alam, iyon pala ang sagot sa panalangin niyang,
“Lord, tulungan Mo ako.”

Ang sabi sa Galatians 6:2 (NLT):
“Share each other’s burdens, and in this way obey the law of Christ.”

Kapag ikaw ang malakas ngayon, huwag mo sayangin.
Gamitin mo ‘yan para damayan ang kapatid mong nanghihina.
Dahil kung pa’no ka pinalakas ng Diyos noon,
Gusto rin Niyang gamitin ka para palakasin ang iba ngayon.

Maging tulay ka ng pag-asa.
Maging tinig ng panalangin.
Maging katibayan ka na may Diyos pa ring handang dumamay sa kanila.

Kapatid, baka ikaw nga ang sagot sa dasal Niya.

- PsMV

FaithSnaps  #18"Pananalig na Hindi Natitinag"Verse: Habakkuk 3:17–18Minsan dumarating talaga ang bagyoNagkakagulo sa bah...
01/06/2025

FaithSnaps #18
"Pananalig na Hindi Natitinag"
Verse: Habakkuk 3:17–18

Minsan dumarating talaga ang bagyo
Nagkakagulo sa bahay.
Nauubos ang ipon.
May nagkakasakit sa pamilya.
O kaya naman… parang tahimik ang langit.

At kapag ganyan, Parang lumiliit ang pananampalataya mo
at parang gusto mong sumuko.

Pero teka lang ka-FaithSnaps,
huwag mong hayaang ang sitwasyon mo ang magdikta ng pananalig mo.
Ang pananampalataya mo dapat ang makaapekto sa sitwasyon mo.

Dahil ang Diyos ay hindi natitinag, kahit anong bagyo ang dumating.
At kung ang pananampalataya mo ay nakakapit sa Kanya,
hindi ka matitinag.

Ang sabi sa Habakkuk 3:17–18

“Kahit hindi namumunga ang puno ng igos,
wala nang ubas sa mga punong ubas,
at wala nang ani sa mga bukirin...
gayon man ay magagalak ako sa Panginoon,
ako'y magagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas!”

Ito ang pananalig na hindi nakabase sa kondisyon,
kundi sa katapatan ng Diyos.

Kaya kahit anong gulo sa labas,
mananatiling buo ang tiwala sa Kanya.
Dahil minsan talaga, hindi binabago agad ni Lord ang sitwasyon mo
una niyang binabago ang puso mo na lumalim sa pananampalataya.

- PsMV

01/06/2025

Address

Sta. Cruz Manila
Manila
1014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FaithSnaps posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share