30/05/2026
ANG TUNAY NA TAGAPAGBALITA
عن أنس بن مالك رضي الله عنه أن النبي ﷺ قال:
«يَسِّرُوا وَلَا تُعَسِّرُوا، وَبَشِّرُوا وَلَا تُنَفِّرُوا»
“Padaliin ninyo at huwag ninyong pahirapan; magbigay kayo ng magandang balita at huwag kayong magtaboy ng tao.”
— Sahih al-Bukhari at Sahih Muslim
Paalala:
Ang da‘wah ay hindi dapat nakabatay sa galit, pagmamalaki, o panunumbat. Ang tunay na tagapag-anyaya sa landas ni Allah ay nagpapakita ng kabaitan, awa, at mabuting asal.
Kapag tayo ay nagtuturo o nagpapayo, sikapin nating maging dahilan ng paglapit ng tao kay Allah, hindi dahilan ng kanilang paglayo.
Nawa’y gawin tayong lahat ni Allah na mga tagapaghatid ng katotohanan nang may hikmah (karunungan), awa, at sinseridad.