25/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ข ๐๐๐ฉ๐ ๐๐๐ง ๐๐ฎ๐๐ง ๐๐๐๐ฅ๐จ ๐๐
(๐๐๐ฃ๐๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐ ๐-42 ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ฝ๐ค๐ ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ, ๐ฟ๐๐๐๐จ๐๐ก๐๐ฃ ๐ฉ๐ช๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ช๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐ฉ๐ค๐ก)
Hesus, Anak ng Diyos, sa Iyo nananahan ang
kaganapan ng pagka-Diyos.
Inaanyayahan Mo ang lahat ng mga binyagan
na โpumalaotโ at tahakin ang landas
patungo sa kabanalan.
Pukawin mo sa puso ng mga Kabataan ang pagnanais na maging saksi sa kapangyarihan ng Iyong Pag-ibig sa aming mundo ngayon.
Puspusin Mo sila ng Iyong Espiritu ng katatagan
at mabuting pagpapasya upang matuklasan nila ang kaganapan ng katotohanan tungkol sa kanilang sarili at tawag sa bรบhay.
Aming Tagapagligtas,
sinugo ka ng Ama upang ipahayag
ang Kanyang maawaing Pag-ibig,
biyayaan Mo ang Iyong Simbahan
ng mga kabataan na handang pumalaot at maging tanda sa iba ng Iyong presensyang nakapagpapanibago at nakapagliligtas.
Mahal na Birhen, Ina ng aming Manunubos,
tiyak na gabay sa landas patungo sa Diyos at kapwa, ikaw na nagnilay sa Kanyang salita sa kaibuturan ng iyong puso, patatagin mo sa pamamagitan ng iyong matiyagang panalangin at pagkalinga ang aming mga pamilya at mga pamayanang Kristyano
upang matulungan nila ang mga kabataan sa pagtugon nang lubos sa tawag ng Panginoon.
Amen.