Most Holy Trinity Parish

Directions Website Contact the place of worship

Most Holy Trinity Parish The official page of the Most Holy Trinity Parish located at Calabash Road, Balic-Balic Sam

30/01/2023

WOW (Gospel Insight Today) 1/30/23
Mk 5: 1 - 20
‘Umuwi ka na at sabihin mo sa iyong mga kamag-anak ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paano siya nahabag sa iyo.”
Konteksto: Para sa mga Hudyo walang kredibilidad ang isang maliit na kabilang ng lipunan tulad ng isang maysakit o inalihan ng masamang espiritu. Binasag ni Kristo ang mapanghamak na gawaing ito. Sa halip, matapos mapagaling ang isang inalihan ay binigyan niya ito ng kapangyarihang magpatotoo sa kabutihan ng Diyos.
Paglalapat: Walang tao ang inalisan ng pag asa. Kahit pa ang sa palagay natin ay hindi na maisasalba, salot, pabigat o nagpaka-layo layo, lahat ng iyan ay may pag asang magbago sa kapangyarihan ng Diyos. Walang hindi kayang abutin ang Panginoon.
Paghamon (Isabuhay upang mabuhay):
Huwag pihikan sa pagbibigay ng ikalawang pagkakataon sa mga nagkulang o nagkasala. Umasa sa kapangyarihan ng pag asa.

28/01/2023
WOW (Gospel Insight Today) 1/25/23Mk 16: 15 - 18     ‘Ang Sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong kapangyarihan…’    ...
24/01/2023

WOW (Gospel Insight Today) 1/25/23
Mk 16: 15 - 18
‘Ang Sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong kapangyarihan…’
Konteksto: Kapistahan ng Pagbabagong-loob ni San Pablo. Ipinagdiriwang natin ito sapagkat ang pagbabagong-loob ni San Pablo ay huwaran at may magandang katangian: agaran at ganap. Kaagad (immediate) ang conversion ni San Pablo matapos ang enkwentro nya kay Hesus. Ganap sapagkat buo ang pagbibigay niya ng sarili kay Hesus na nagbunga ng maraming gawa bilang testimonya ng kabutihan ng Diyos.
Paglalapat: Ang ating conversion ay dahan-dahang proseso. Hindi kagyat na nagbabago ang isang tao. Mayroong mga naghangad. Mayroong nangarap. Mayroong mga nagsikap subalit bumabalik pa rin sa dating ugali. Mayroong mga nahirapan. Mayroong nagtagumpay subalit hindi naging madali. Sa gitna ng lahat ng ito, mananatiling mahabagin ang Diyos. Huwag mapagod na magsikap. Manalig sa kapangyarihan ng Diyos.
Paghamon (Isabuhay upang mabuhay):
Magpunyagi upang magtagumpay.

Address

Calabash Road, Balic-Balic, Sampaloc
Manila
1008

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 5am - 8pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Most Holy Trinity Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Most Holy Trinity Parish:

Shortcuts

Share

Category