09/06/2026
Lubos na nakikiramay ang buong pamayanan ng Sagrada Familia Mission Station sa pagpanaw ni Sis. Emelita "Emi" Mendoza, isang dakila at tapat na Lingkod ng Diyos at masigasig na pinuno ng Greeters and Collectors Ministry.
Sa kanyang tapat na paglilingkod, naging huwaran siya ng kababaang-loob, pagmamalasakit, at dedikasyon. Sa pamamagitan ng kanyang bukas na puso at walang sawang paglilingkod, siya ang naging inspirasyon ng mga kapwa-lingkod sa pagpapalaganap ng pagmamahal at pagkakaisa sa ating simbahan.
Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa biyaya ng kanyang buhay at sa mga mabubuting alaalang kanyang iniwan sa ating lahat. Nawaโy gantimpalaan siya ng Panginoon ng buhay na walang hanggan at tanggapin siya sa Kanyang mapagmahal na piling.
Inaanyayahan namin ang buong pamayanan na ipagdasal ang kapayapaan ng kanyang kaluluwa, at lakas para sa kanyang naulilang mga mahal sa buhay.
โMapalad ang mga namamatay na nakikipagkaisa sa Panginoon.โ
โ Pahayag 14:13
โ๏ธ ๐บ๐๐. ๐ฌ๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐
๐๐๐
๐ฏ๐๐๐
, ๐ฎ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐
๐บ๐๐๐๐๐
๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐
Mula sa aming mga puso, maraming, maraming salamat po sa inyong paggabay at walang-sawang paglilingkod hanggang sa huling sandali.