09/11/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ซ๐๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ฐ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐
+ Sa ngalan ng ama, ng anak at ng Espiritu Santo. Amen
Aming mapagmahal at mahabaging Diyos,
sa mga sandaling ito na dumaraan ang bagyong Uwan sa aming bansa, kami ay lumuluhod sa Iyong harapan, humihingi ng awa at kaligtasan. Naririnig namin ang malakas na hangin, ang walang tigil na ulan, at ang pagdaing ng aming bayan โ at sa lahat ng ito, Ikaw lamang ang aming sandigan at pag-asa.
Panginoon, patawarin Mo po kami.
Patawarin Mo kami sa aming pagkukulang sa Inyong likha โ sa pagwasak namin ng kalikasan,
sa pagputol ng mga punong minsang naging tagapagtanggol namin, lalo na sa Sierra Madre na ngayon ay patuloy na nagsasakripisyo upang kamiโy mailigtas.
Patawarin Mo rin kami sa mga kasalanang dulot ng kasakiman โsa katiwaliang sumira sa mga proyektong dapat ay para sa kabutihan ng mamamayan,
sa mga flood control na ginawang pagkakaperahan,
at sa aming katahimikan sa gitna ng kawalang katarungan.
Aming Diyos, ipagkaloob Mo sa amin ang Iyong proteksyon.
Iligtas Mo po ang bawat pamilya sa landslide, sa baha, at sa panganib ng rumaragasang hangin.
Pagpalain Mo ang mga nagsasagawa ng pagtulong,
ang mga rescuer, doktor, sundalo, at mga simpleng mamamayang handang mag-alay ng oras at lakas para sa kapwa. Bigyan Mo sila ng tapang at kaligtasan.
Panginoon, gisingin Mo rin ang puso ng bawat Pilipino.
Nawaโy hindi na kami manatiling tulog sa katotohanan,
bagkus ay magising kami sa panawagan ng malasakit, disiplina, at tunay na pagkakaisa.
Tulungan Mo kaming matutong umaksyon,
hindi lang tuwing may bagyo, kundi sa araw-araw na laban ng aming bansa laban sa kahirapan, katiwalian, at kawalang pakialam.
Sa gitna ng unos, Panginoon, patuloy kaming nagtitiwala sa Iyo.
Pagkatapos ng ulan, hayaang sumikat muli ang liwanag ng pag-asa at pagbabago sa aming bayan.
Sa Iyo ang aming tiwala, sa Iyo ang aming buhay,
sa Iyo ang aming pananalig, ngayon at magpakailanman.
Mahal na Birhen ng Turumba,
Ina at Patrona ng aming Lawa ng Laguna,
sa oras na ito ng panganib at pagdadalamhati, kami ay dumudulog sa Iyo.
Yakapin Mo kaming Iyong mga anak sa Iyong mapagkalingang mga bisig.
Ipanalangin Mo kami sa Iyong Anak na si Hesus,
upang kamiโy iligtas sa hagupit ng bagyong ito,
at patnubayan kami tungo sa kaligtasan at kapayapaan.
Ina ng Hapis ng Turumba,
patnubayan Mo ang aming mga kababayan na nasa panganib, ang mga nawalan ng tahanan, at ang mga naliligaw sa gitna ng unos.
Pagkalooban Mo sila ng pag-asa at lakas ng loob.
Tulungan Mo kaming manampalataya, magtiwala, at magmalasakit sa isaโt isa, tulad ng pagmamahal Mong walang hanggan.
At tulad ng Iyong larawan na nahahapisโna wariโy may luha sa mga mataโ paalalahanan Mo kami, Mahal na Ina, na sa kabila ng aming kalungkutan at mga paghihirap,ay naroon pa rin ang Turumba, ang sayaw ng pananampalataya at pag-asa.
Nawaโy matutunan naming maging masaya kahit sa gitna ng pagsubok, dahil alam naming ang tunay na kagalakan ay nagmumula sa pagtitiwala sa Diyos at sa pagyakap sa Kanyang kalooban.
Ipanalangin Mo ang aming Bansang Pilipinas
Ipanalangin Mo ang aming Lalawigan ng Laguna
ipanalangin Mo ang aming Bayan
at ipanalangin Mo kaming lahat na nananalig sa Iyo,
upang sa dulo ng bagyo, ang aming mga puso ay sumayaw muli sa Turumba ng pasasalamat at pag-ibig.
Amen.
+ Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen