RCAM - Sta. Elena Chapel Mission Station

RCAM - Sta. Elena Chapel Mission Station Official page of RCAM - Sta. Elena Chapel Mission Station - Nagtahan

02/06/2026
30/05/2026
๐Ÿ™โœจ Renewal of Commitment at Pasasalamat โœจ๐Ÿ™Noong Mayo 24, 2026, matagumpay na ginanap ang Renewal of Commitment ng lahat ...
30/05/2026

๐Ÿ™โœจ Renewal of Commitment at Pasasalamat โœจ๐Ÿ™

Noong Mayo 24, 2026, matagumpay na ginanap ang Renewal of Commitment ng lahat ng mga servers ng Sta. Elena Mission Station, bilang pagpapatibay ng kanilang tapat na paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan.

Kasabay nito, idinaos din ang isang taos-pusong Farewell Celebration para kay Bro. James Denn Portal, bilang pasasalamat sa kanyang dedikasyon, paglilingkod, at pagiging inspirasyon sa ating pamayanan.

Nawa'y patuloy na pagpalain ng Panginoon ang lahat ng mga servers sa kanilang bokasyon ng paglilingkod, at gabayan si Bro. James sa kanyang mga susunod na hakbang sa buhay at misyon.

Maraming salamat sa inyong pagmamahal at paglilingkod sa Simbahan. Ang inyong mga sakripisyo at dedikasyon ay patuloy na nagiging daan upang higit na mapalapit ang marami sa Diyos.

Pagpalain nawa tayong lahat ng Poong Maykapal sa patuloy nating paglilingkod

๐Ÿ™ Paanyaya sa Pagdalaw ng Relic ni St. Francis ๐Ÿ™Isang mapagpalang pagkakataon para sa lahat ng mananampalataya! Ang bana...
27/05/2026

๐Ÿ™ Paanyaya sa Pagdalaw ng Relic ni St. Francis ๐Ÿ™

Isang mapagpalang pagkakataon para sa lahat ng mananampalataya!

Ang banal na Relic ni St. Francis ay dadalhin sa
๐Ÿ“ St. Anthony Shrine, Sampaloc, Manila (katabi ng Loreto Church)
๐Ÿ“… Mula Hunyo 3 hanggang Hunyo 6

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa panalangin at pagninilay habang nagbibigay-pugay sa banal na relic ni St. Francis. Nawaโ€™y maging daan ito upang lalong mapalalim ang ating pananampalataya at debosyon. ๐Ÿ™

Halinaโ€™t sama-sama nating maranasan ang biyaya at pagpapala ng Panginoon sa natatanging pagdalaw na ito.

PAX ET BONUM!

As we commemorate the 8th Centenary of the Transitus of St. Francis of Assisi (1226โ€“2026), our parish is blessed to welcome the Nationwide Pilgrimage of the Relic of St. Francis of Assisi from June 15โ€“18.

This sacred pilgrimage invites us to remember the Transitus of St. Francis, his passage into eternal life and union with God, and to renew our own journey of faith through his witness of humility, peace, and love for Christ.

Join us in this grace-filled encounter of prayer and devotion.

Further details and schedule to follow.

St. Francis of Assisi, pray for us.

Inaanyayahan po ang lahat sa Marian Conference sa โ›ช Loreto Church sa May 23, 2026, 9:00 AM. Isang makabuluhang pagtitipo...
17/05/2026

Inaanyayahan po ang lahat sa Marian Conference sa โ›ช Loreto Church sa May 23, 2026, 9:00 AM. Isang makabuluhang pagtitipon para sa pananampalataya at debosyon kay Maria, at ito po ay LIBRE / NO PAYMENT ๐Ÿ’™

Halinaโ€™t sama-sama nating palalimin ang ating pananampalataya at debosyon kay Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Salita ng Diyos, panalangin, at inspirasyon. ๐Ÿ™

Isang mapagpalang pagdiriwang ng Motherโ€™s Day ang ginanap sa Sta. Elena Chapel Mission Station bilang pagbibigay-pugay a...
11/05/2026

Isang mapagpalang pagdiriwang ng Motherโ€™s Day ang ginanap sa Sta. Elena Chapel Mission Station bilang pagbibigay-pugay at pagbabasbas sa ating mga mahal na Nanay at Lola. ๐Ÿ’๐Ÿ™

Pinangunahan ni Rev. Fr. Sigfred Arellano, assistant parish priest ng Sto. Niรฑo de Pandacan Parish, ang espesyal na pagbabasbas bilang pasasalamat sa walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at gabay ng mga ina at lola sa ating pamilya at komunidad.

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa makabuluhang okasyong ito na ginanap sa Sta. Elena Chapel Mission Station. Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, at masaganang buhay. ๐Ÿ’–


๐ŸŽ‰ Matagumpay na Pagdiriwang ng Kapistahan ni Sta. Elena ๐ŸŽ‰Isang puspusang pasasalamat sa Panginoon sa matagumpay na pagdi...
05/05/2026

๐ŸŽ‰ Matagumpay na Pagdiriwang ng Kapistahan ni Sta. Elena ๐ŸŽ‰

Isang puspusang pasasalamat sa Panginoon sa matagumpay na pagdiriwang ng Kapistahan ni Sta. Elena na ginanap sa Sta. Elena Chapel Mission Station โ€“ Nagtahan, Manila.

Pinangunahan ng kanyang kabunyian, Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, ang banal na misa, kasama ang ating Kura Paroko, Reb. Pd. Rodolfo Abanes, Jr. at kasama ang ilang mga Kaparian na dinaluhan din ng mga deboto at mananampalataya.

Naganap ang pagdiriwang noong Mayo 3, 2026, 6 ng gabi na puno ng pananampalataya, pagkakaisa, at pasasalamat.

Tunay ngang naging makabuluhan at pinagpalang selebrasyon ang kapistahang ito para sa buong pamayanan. Maraming Salamat po sa lahat ng tumulong at sumuporta!

Santa Elena, ipanalangin mo kami! ๐Ÿ™

05/05/2026

Address

Aceite Street Cor. Em's Compound, Nagtahan Sta. Mesa
Manila
1008

Opening Hours

Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 7pm
Saturday 8am - 6pm
Sunday 8am - 8pm

Telephone

+63286421603

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RCAM - Sta. Elena Chapel Mission Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to RCAM - Sta. Elena Chapel Mission Station:

Share