29/08/2026
A K O L O U T H E O
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
"Ngunit kung sabihin kong, 'Lilimutin ko ang Panginoon at di na sasambitin ang kanyang pangalan,' para namang apoy na naglalagablab sa aking puso ang iyong mga salita, apoy na nakakulong sa aking mga buto. Hindi ko na kayang pigilin ito, hirap na hirap na akong magpigil."
- Jeremias 20: 9
"Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya, at talagang ganap."
- Roma 12: 2