Nuestra Señora de los Desamparados de Manila

Nuestra Señora de los Desamparados de Manila This page is maintained by the Devotees of our patroness, Nuestra Senora de los Desamparados de Manila.

To spread the devotion to our beloved Our Lady of the Abandoned of Santa Ana, Manila

San Diego de AlcalaIsinilang si Diego noong bandang 1400 sa San Nicolás del Puerto, Sevilla, Espanya, sa isang mahirap n...
01/05/2026

San Diego de Alcala

Isinilang si Diego noong bandang 1400 sa San Nicolás del Puerto, Sevilla, Espanya, sa isang mahirap ngunit debotong pamilya. Noong bata pa, namuhay siya bilang isang ermitanyo bago pumasok sa Orden ng mga Frailes Menores bilang isang lay brother. Bagama't wala siyang pormal na edukasyon at hindi naging pari, kilala siya sa kanyang malalim na karunungang espiritwal at kababaang-loob.

Noong 1450, naglakbay siya sa Roma para sa kanonisasyon ni San Bernardino ng Siena. Noong panahong iyon, tinamaan ng epidemya ang Roma. Sa loob ng tatlong buwan, matiyagang nag-alaga si Diego ng mga maysakit sa kumbento ng Aracoeli. Ayon sa tradisyon, marami ang gumaling sa pamamagitan ng kanyang pagbabasbas.

Sinasabing kinuha niya ang tinapay mula sa kumbento upang ibigay sa mga dukha. Nang harangin siya ng kanyang superior at pilit na ipinakita ang laman ng kanyang abito, ang mga tinapay ay naging mababangong rosas. Pumanaw siya noong Nobyembre 12, 1463.

San Diego de Alcala,
Ipanalangin mo kami!

Ang imahen ni San Diego ay nasa pangangalaga ng Familia Buñag at mga tagapagtaguyod na kaibigan.

Sinisimulan natin ngayon ang buwan ng Mayo, ang buwan ng Inang Birheng Desamparados ng Maynila!Santa Maria, Madre de los...
30/04/2026

Sinisimulan natin ngayon ang buwan ng Mayo, ang buwan ng Inang Birheng Desamparados ng Maynila!

Santa Maria, Madre de los Desamparados,
Ruega por nosotros!

Photo by Mr. Glenn Inocencio/Artwork by JV Jordan

Ika-19 at huling araw ng Dalaw ni Maria Barangay 884Larawang kuha ni MicohMickey Cabauatan Trinidad
30/04/2026

Ika-19 at huling araw ng Dalaw ni Maria
Barangay 884

Larawang kuha ni MicohMickey Cabauatan Trinidad

30/04/2026

[LIVE] Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Magandang gabi sa lahat ng sumusubaybay sa Livestreaming na ito mula sa makasaysayang simbahan ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned.

30 Abril 2026 || Huwebes || 6:30 PM
Like and Follow the Official Parish
page:

https://www.facebook.com/NSOLASAM

Beato Juan Duns EscotoIpinanganak siya noong 1266. Pumasok siya sa orden ng mga Frailes Menores sa murang edad. Noong 12...
29/04/2026

Beato Juan Duns Escoto

Ipinanganak siya noong 1266. Pumasok siya sa orden ng mga Frailes Menores sa murang edad. Noong 1291, siya ay naordinahan bilang pari.

Siya ang isa sa mga unang masigasig na nagtanggol sa doktrinang si Maria Santisima ay ipinaglihing walang sala. Ang kaniyang argumento ang naging pundasyon ng opisyal na dogma ng Simbahang Katolika pagkalipas ng maraming siglo.

Ipinadala siya sa Colonia, Alemaniya noong 1307 upang magturo, ngunit namatay siya rito noong Nobyembre 8, 1308 sa edad na 42 lamang.

Kinilala siya bilang Beato ni Papa San Juan Pablo II noong 1993 dahil sa kaniyang kabanalan at ambag sa teolohiya.

Beato Juan Duns Escoto,
Ipanalangin mo kami!

Ang imahen ni Beato Juan ay nasa pangangalaga ng Familia Torre.

Ika-18 na araw ng Dalaw ni Maria Barangay 883Larawang kuha ni MicohMickey Cabauatan Trinidad
29/04/2026

Ika-18 na araw ng Dalaw ni Maria
Barangay 883

Larawang kuha ni MicohMickey Cabauatan Trinidad

Ika-17 na araw ng Dalaw ni Maria Barangay 882Larawang kuha ni MicohMickey Cabauatan Trinidad
29/04/2026

Ika-17 na araw ng Dalaw ni Maria
Barangay 882

Larawang kuha ni MicohMickey Cabauatan Trinidad

29/04/2026

Magandang gabi sa lahat ng sumusubaybay sa Livestreaming na ito mula sa makasaysayang simbahan ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned.
29 Abril 2026 || Martes|| 6:30 PM
Like and Follow the Official Parish
page:
https://www.facebook.com/NSOLASAM

San Pascual BailonIsinilang si San Pascual noong Mayo 16, 1540, sa Torrehermosa, Aragon, Espanya. Nagmula siya sa isang ...
28/04/2026

San Pascual Bailon

Isinilang si San Pascual noong Mayo 16, 1540, sa Torrehermosa, Aragon, Espanya. Nagmula siya sa isang mahirap na pamilya ng mga magsasaka. Dahil sa kahirapan, hindi siya nakapag-aral, ngunit habang nagbabantay ng mga tupa bilang pastol, tinuruan niya ang kanyang sarili na magbasa at magsulat sa pamamagitan ng pagkopya ng mga titik mula sa mga aklat ng panalangin.
Sinasabing kahit noong bata pa siya, madalas siyang tumitigil sa pastulan upang lumuhod at manalangin tuwing naririnig niya ang kampana ng simbahan, na tanda ng pagtataas ng ostiya sa Misa.

Noong siya ay nasa edad 24, pumasok siya sa orden ng mga Franciscanong Alcantarino, isang sangay ng mga Pransiskano na namumuhay sa matinding penitensya. Tumanggi siyang maging pari dahil sa kanyang kababaang-loob at piniling manatili bilang isang payak na lay brother.

Ang kanyang naging tungkulin ay maging porter at kusinero. Sa kabila ng kanyang simpleng trabaho, naging kilala siya sa kanyang matinding debosyon sa Banal na Sakramento. Madalas siyang matagpuan na nakaluhod sa harap ng altar nang maraming oras, kahit pagod sa trabaho.

Pumanaw siya noong Mayo 17, 1592, sa Villa Real, Espanya. idineklara siya ni Papa Leo XIII bilang patron ng lahat ng mga Kongreso at Samahang Eukaristiko sa buong mundo.

San Pascual Bailon,
Ipanalangin mo kami!

Ang Imahen ni San Pascual Bailon ay nasa pangangalaga ng Familia dela Merced-Sia.

28/04/2026

[LIVE] Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (II)

Magandang gabi sa lahat ng sumusubaybay sa Livestreaming na ito mula sa makasaysayang simbahan ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned.
28 Abril 2026 || Martes|| 6:30 PM

Like and Follow the Official Parish
page:
https://www.facebook.com/NSOLASAM

Santa Catalina de BolognaIsinilang siya noong 1413 sa Bologna, Italya, sa isang marangal na pamilya. Dahil ang kanyang a...
27/04/2026

Santa Catalina de Bologna

Isinilang siya noong 1413 sa Bologna, Italya, sa isang marangal na pamilya. Dahil ang kanyang ama ay isang diplomat, lumaki si Catalina sa korte ni Niccolò Ikatlo d'Este sa Ferrara. Doon siya nakatanggap ng mataas na uri ng edukasyon sa panitikan, sining, musika, at Latin.

Sa kabila ng marangyang buhay sa palasyo, pinili ni Catalina na iwanan ang mundo sa edad na 14. Noong una ay sumapi siya sa isang komunidad ng mga debotong kababaihan na kinalaunan ay naging bahagi ng Madres Clarisas.

Kilala si Catalina bilang patrona ng mga artista. Ang kanyang paglilingkod sa Diyos ay ipinahayag niya sa pamamagitan ng mga Sining.

Noong 1456, bumalik siya sa kanyang bayang sinilangan upang itatag ang kumbento ng Corpus Domini sa Bologna, kung saan siya nagsilbi bilang unang abadesa hanggang sa kanyang kamatayan noong Marso 9, 1463.

Santa Catalina de Bologna,
Ipanalangin mo kami.

Ang imahen ni Santa Catalina de Bologna at nasa pangangalaga ng Familia San Pedro-Baretto.

Ika-16 na araw ng Dalaw ni Maria Barangay 881Larawang kuha ni MicohMickey Cabauatan Trinidad
27/04/2026

Ika-16 na araw ng Dalaw ni Maria
Barangay 881

Larawang kuha ni MicohMickey Cabauatan Trinidad

Address

Pedro Gil Street
Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora de los Desamparados de Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share