28/05/2026
From: Lolo Uweng Shrine, Landayan, San Pedro City, Laguna
_____
π·ππππππππ πΊπππππ πΊππππ
Narito ang pamistang Sabana Santa o banal na kumot ng ating Mahal na SeΓ±or, Lolo Uweng ng Landayan, na hindi lamang bumabalot sa Panginoong nakahimlay, kundi sumasalamin din sa hiwaga ng Kanyang pag-ibig at pagliligtas.
Makikita sa Sabana Santa ang Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, ang pusong nag-aalab sa walang hanggang pag-ibig para sa sangkatauhan. Ito ang Pusong nasugatan dahil sa ating mga kasalanan ngunit nananatiling bukas upang tayo ay tanggapin at iligtas. Bilang Kordero ng Diyos, inialay ni Kristo ang Kanyang sarili upang tubusin ang sanlibutan, at ang Kanyang puso ay naging bukal ng awa, habag, at buhay na walang hanggan.
Ang mga disenyong bulaklak naman ay halaw sa Sampaguita, ang ipinagmamalaking bulaklak ng San Pedro, Laguna, at sagisag ng dalisay na pag-aalay ng pananampalataya ng mga deboto kay Lolo Uweng.
Makikita rin sa disenyo ang sisidlan, isang sagisag na may malalim na kahulugan sa pananampalatayang Kristiyano. Ang sisidlan ay sumisimbolo kay Kristo bilang bukal at tagapagdala ng biyaya ng Diyos. Tulad ng isang banal na lalagyan, si Hesus ang sisidlan ng awa, pag-ibig, at kaligtasan na ibinuhos para sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakasakit, kamatayan at mulig pagkabuhay.
Sa bawat burda at detalye ay mababanaag ang pananampalataya, sining, at debosyong iniaalay ng sambayanan sa ating Mahal na SeΓ±or, Lolo Uweng. Ito ay hinabi sa Pila, Laguna.
TEMA | βSa Ilalim ng Kampanang 1836: Lumusong at Sumulong sa Panibagong Hamon"
SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro, Laguna
Commission on Social Communications