Cofradía de la Nuestra Señora de la Consolación y Correa

Cofradía de la Nuestra Señora de la Consolación y Correa Our Lady of Consolation and Cincture is the title given to the Blessed Virgin Mary that sprung from different sources. One is the founding of the Order of St.

Augustine in the 16th century, the building of the San Agustin Church in Intramuros, Manila The devotion to to Our Lady of Consolation happened when St. Monica in a vision received a black leather belt from the Blessed Virgin, who assured the holy widow that she would take under her special protection all those who wore it in her honor. In return, Monica gave it to her son, Augustine who later changed his ways and eventually became one of the saints in the Roman Catholic Church. There were two separate confraternities founded in the 15th century, the Confraternity of Our Lady of Consolation and the Confraternity of the Cincture of St. Augustine which later united into one by the power of the papal bull and formed an arch-confraternity which has affiliations all over the world. In March, 1575, it was ordained that all confraternities of the black leather belt should be aggregated to the arch-confraternity at Bologna, Italy. Manila became the seat of this devotion in Asia. The devotion later spread to the provinces. Many chapters were formed in order to share its privileges and indulgences. The confraternity gives spiritual monetary assistance to people especially the poor who wishes to pursue a religious vocations. The asylum of Our Lady of Consolation was built to aid the victims of the cholera outbreak of 1882. It was situated at the site where Don Bosco University in Mandaluyong now lies. The confraternity was consecrated at the San Agustin Church where its members are obliged to wear a correa. The icon depicts the Blessed Virgin Mary, holding her child, Jesus Christ. She's wearing a cord which is a representation of a belt that she supposedly gave to St. Monica, mother of St. Augustine. According to Rev. Fr. Pedro Galende, Director of the San Agustin Museum, the belt is a "symbol of chastity" that represents Mary's Immaculate Conception delivery of Jesus into the world. Our Lady of Consolation is venerated all over the country. Every Saturday, masses were held in her honor. Her feast day is celebrated every September 4. The Clausura Procession is held every last Saturday of the month after the mid-morning Mass. The image is passed on from one shoulder to another shoulder by devotees as the procession goes around the convent in tradition of the early monastic period.

26/08/2026

IKA-SIYAM NA ARAW NG NOBENARYO KAY SAN AGUSTIN

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Panginoon, Diyos ng walang hanggang karunungan, hinirang mo ang tagapagtangkilik naming si San Agustin upang gamitin sa pagpapahayag ng mga katotohanan ng aming pananampalataya. Sa kanyang mga isinulat ay nahahayag ang mga katotohanan tungkol sa Iyo, kung ano ang patutunguhan namin at kung ano ang dapat naming maging tugon sa Iyo. Itinanghal namin siyang Pantas ng Simbahan sapagkat ang kanyang mga aral ay magpapatatag sa pananampalatayang Kristiyano at nagpapalinaw sa buhay namin bilang iyong mga nilikha at anak. Itinuturo niya na kami ay nauukol lamang sa Iyo at sa Iyo dapat na isuko at italaga ang aming sarili sapagkat hindi mapapanatag ang aming mga kalooban kung hindi kami sasandig sa Iyo.

Kaya Ama, sa aming pagpaparangal kay San Agustin, kami ay lumalapit sa Iyo upang humingi ng kapatawarn sa mga pagkakataong kami ay nagkasala, lumihis ng landas ng kabanalan, namuhay sa kalayawan at pinawalang-halaga ang mga itinuturo ng aming pananampalataya. Tulad ng ginawa mo kay San Agustin, patuloy mo nawa kaming tawagin tungo sa pagbabagong-buhay at mag-alab nawa ang aming puso sa pag-ibig sa Iyo at sa paglilingkod sa Iyong Sambayanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.

PANALANGIN PARA SA IKA-SIYAM NA ARAW
O Panginoon naming Diyos, sumasampalataya ako sa Iyo, Ama, Anak, at Espiritu Santo. Sa abot ng aking makakaya at sa pagkakaloob mo sa akin ng kapagyarihan ay hinanap kita. Nagpagal ako at nagsumikap. O Panginoon kong Diyos, tangi kong pag-asa, tulungan mo akong sumampalataya at huwag tumigil sa paghahanap sa iyo. Loobin mong lagi na masigasig kong hanapin ang iyong mukha. Dulutan mo ako ng lakas upang hangarin ka, sapagkat tinutulungan mo akong matagpuan ka at pinagkalooban mo ako ng malaking pag-asa upang ikaw ay matagpuan.
Narito ako sa iyong harapan, taglay ang aking katatagan at ang aking kahinaan. Pagingatan mo ang una at paghilumin ang pangalawa. Narito ako sa iyong harapan, taglay ang aking lakas at kamangmangan. Kung saan mo binuksan ang pinto para sa akin, papasukin mo ako kung saan mo ipininid, buksan mo ang aking pagmamakaawa, loobin mong alalahanin kita, maunawaan, at mahalin. Siya nawa.

(3) Ama Namin
(3) Aba Ginoong Maria
(3) Luwalhati

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Ama naming mapagmahal, pinupuri ka namin at ipinagdarangal sa iyong walang hanggang karunungan na laganap at nababanaag sa buong sanlibutan. Sa bawat bagay at buhay na nilikha nakikita ang mga tanda ng karunungan at panukala ng kanilang Manlilikha. Ito, Panginoon, ang katotohanang sinasaliksik at natagpuan ni San Agustin. Hindi mo pinatigil ang kanyang puso at isisp sa paghahanap ng kanyang pinagmulan. Gayundin ang ginagawa mo ay ipinadarama sa bawat tao, ang hindi manatili sa mga bagay ng iyong nilikha upang hanapin namin ang higit at tunay na bukal ng kaligayahan, na kami ay hindi nauukol para sa daigdig na ito, sa mga lumilipas na bagay rito, sapagkat nilikha mo kami para sa iyo at ang puso namin ay walang kapanatagan hanggang hindi tumatahan sa Iyo.

Kaya Panginoon, lubos kaming nagpapasalamat sa iyo sa biyayang ipinunla mo sa puso ng aming tagapagtangkilik na si San Agustin at sa karunungang ibinigay Mo sa kanya. Katulad niya, sa Iyo nawa namin matagpuan ang katiwasayan ng aming puso. Itulot mong huwag mapayapa ang aming sarili kung kami ay mapawalay sa iyo. Kaisa ni San Agustin, sama-sama nawa kaming maghanap tuwina sa iyo, makamit ang mga biyayang kailangan namin at mabatid ang iyong kalooban para sa bawat isa sa amin at sa aming bayan. Alang-alang kay Hesukristo na tangi naming Tagapamagitan sa Iyo, kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

San Agustin, ipanalangin mo kami!

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.





LIKE, FOLLOW and SHARE our PPC and PYM page:
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishPastoralCouncil
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishYouthMinistry

26/08/2026

PRAYER TO SAINT MONICA

Dear St. Monica, troubled wife and mother, many sorrows pierced your heart during your lifetime. Yet, you never despaired or lost faith. With confidence, persistence, and profound faith, you prayed daily for the conversion of your beloved husband, Patricius, and your beloved son, Augustine; your prayers were answered.
Grant me that same fortitude, patience, and trust in the Lord. Intercede for me, dear St. Monica, that God may favorably hear my plea for (Mention your intention here) and grant me the grace to accept His Will in all things, through Jesus Christ, our Lord, in the unity of the Holy Spirit, one God, forever and ever. Amen.

Saint Monica, pray for us!





LIKE, FOLLOW and SHARE our PPC and PYM page:
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishPastoralCouncil
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishYouthMinistry

24/08/2026

IKA-ANIM NA ARAW NG NOBENARYO KAY SAN AGUSTIN

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Panginoon, Diyos ng walang hanggang karunungan, hinirang mo ang tagapagtangkilik naming si San Agustin upang gamitin sa pagpapahayag ng mga katotohanan ng aming pananampalataya. Sa kanyang mga isinulat ay nahahayag ang mga katotohanan tungkol sa Iyo, kung ano ang patutunguhan namin at kung ano ang dapat naming maging tugon sa Iyo. Itinanghal namin siyang Pantas ng Simbahan sapagkat ang kanyang mga aral ay magpapatatag sa pananampalatayang Kristiyano at nagpapalinaw sa buhay namin bilang iyong mga nilikha at anak. Itinuturo niya na kami ay nauukol lamang sa Iyo at sa Iyo dapat na isuko at italaga ang aming sarili sapagkat hindi mapapanatag ang aming mga kalooban kung hindi kami sasandig sa Iyo.

Kaya Ama, sa aming pagpaparangal kay San Agustin, kami ay lumalapit sa Iyo upang humingi ng kapatawarn sa mga pagkakataong kami ay nagkasala, lumihis ng landas ng kabanalan, namuhay sa kalayawan at pinawalang-halaga ang mga itinuturo ng aming pananampalataya. Tulad ng ginawa mo kay San Agustin, patuloy mo nawa kaming tawagin tungo sa pagbabagong-buhay at mag-alab nawa ang aming puso sa pag-ibig sa Iyo at sa paglilingkod sa Iyong Sambayanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.

PANALANGIN PARA SA IKA-ANIM NA ARAW
Panginoon, nagsusumamo ako sa iyo, sumilang nawa ang katotohanan sa daigdig, at manaog ang katarungan mula sa kalangitan. Ibahagi nawa namin ang aming pagkain sa mga nagugutom at patuluyin ang mga nangangailangan at walang masilungan sa aming tahanan. Damitan nawa namin ang mga hubad, at huwag lapastanganin ang aming kapwa. Sa sandaling mangyari ang ganitong gawain sa daigdig, anong buti nito. Itulot mong magningas ang ilaw namin na panandalian lamang. At sa pagdaan namin sa ganitong uri ng pagkilos tungo sa kaligayahan ng pagninilay sa iyo, at makamit ang salita ng buhay mula sa langit, magsilbi nawa kaming mga tanglaw sa daigdig na humahawak sa katotohanan ng iyong salita. Siya nawa.

(3) Ama Namin
(3) Aba Ginoong Maria
(3) Luwalhati

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Ama naming mapagmahal, pinupuri ka namin at ipinagdarangal sa iyong walang hanggang karunungan na laganap at nababanaag sa buong sanlibutan. Sa bawat bagay at buhay na nilikha nakikita ang mga tanda ng karunungan at panukala ng kanilang Manlilikha. Ito, Panginoon, ang katotohanang sinasaliksik at natagpuan ni San Agustin. Hindi mo pinatigil ang kanyang puso at isisp sa paghahanap ng kanyang pinagmulan. Gayundin ang ginagawa mo ay ipinadarama sa bawat tao, ang hindi manatili sa mga bagay ng iyong nilikha upang hanapin namin ang higit at tunay na bukal ng kaligayahan, na kami ay hindi nauukol para sa daigdig na ito, sa mga lumilipas na bagay rito, sapagkat nilikha mo kami para sa iyo at ang puso namin ay walang kapanatagan hanggang hindi tumatahan sa Iyo.

Kaya Panginoon, lubos kaming nagpapasalamat sa iyo sa biyayang ipinunla mo sa puso ng aming tagapagtangkilik na si San Agustin at sa karunungang ibinigay Mo sa kanya. Katulad niya, sa Iyo nawa namin matagpuan ang katiwasayan ng aming puso. Itulot mong huwag mapayapa ang aming sarili kung kami ay mapawalay sa iyo. Kaisa ni San Agustin, sama-sama nawa kaming maghanap tuwina sa iyo, makamit ang mga biyayang kailangan namin at mabatid ang iyong kalooban para sa bawat isa sa amin at sa aming bayan. Alang-alang kay Hesukristo na tangi naming Tagapamagitan sa Iyo, kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

San Agustin, ipanalangin mo kami!

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.





LIKE, FOLLOW and SHARE our PPC and PYM page:
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishPastoralCouncil
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishYouthMinistry

24/08/2026

IKAPITONG ARAW NG NOBENARYO KAY SANTA MONICA

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN PARA SA IKAPITONG ARAW
O maluwalhating Santa Monica, sa pag-aalaala ng kanyang mga hakbang sa pagbabalik-loob, si Agustin na anak mo ay hindi malimot ang iyong luha’t mga panalangin. Nasaksihan niya ang pagdarasal mo gabi-gabi na hipuin ng Diyos ang puso niya at talikdan ang kanyang mga kasalanan. Ang kanyang pagbabagong buhay ay iyong kagagawan sapagkat kahit ang Diyos ay hindi kayang tiisin ang iyong katapatan at katatagan sa pananalangin para sa kanya. Ngayong ikaw ay nasa Langit, batid naming pinakikinggan ka ni Hesus at hindi niya kayang talikdan ang iyong mga panalangin. Mamagitan ka sa amin at dinggin ang aming mga pagluhog. Nawa’y magbagong buhay din kami at palitan ang aming mga mali ng tamang gawa. Amen.

PANG ARAW-ARAW NA PANALANGIN
Mapitagang Ina ng dakilang Agustin, pinagsumikapang mong baguhin ang nawawalay mong anak, hindi ng pananakot kundi ng pananalanging puno ng luha. Mamagitan ka para sa lahat ng mga ina ng aming panahon upang maakay nila ang kanilang mga anak sa Diyos.

Turuan mo po sila kung paanong manatiling malapit sa kanilang mga anak, maging ang mga anak na nawalay na ng landas.

Minamahal naming Santa Monica, ina at asawang uliran, maraming pighati ang tumarak sa iyong puso sa tanang iyong buhay. Subalit hindi ka nawalan ng loob at pananampalataya. Nanalangin ka nang may katatagan, pagtitiyaga at malalim na pananampalataya para sa pagbabago ni Patricio ang iyong minamahal na asawa, at ni Agustin ang minamahal mong anak.

Bigyan mo kami ng iyong katatagan, pasensya, at pagtitiwala sa Panginoon. Mamagitan ka para sa amin, minamahal naming Santa Monica upang pakinggan ng Diyos ang aming mga panalangin para kay/sa [banggitin ang hiling dito] , at ipagkaloob sa amin na tanggapin ang Kanyang kalooban sa lahat ng bagay, sa pamamagitan ni Hesukristong Panginoon namin, kaisa ng Espiritu Santo, isang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

(3) Aba, Ginoong Maria
(3) Luwalhati

PANG-HULING PANALANGIN
O minamahal na Santa Monica inang banal, salamat po sa mga panalangin mo. Turuan mo kaming magsikap sa pananalangin tulad ng ginawa mo para kay Agustin. Hingin po ninyo sa Diyos na pagpalain ang aming mga magulang na nagturo sa amin at nanalangin para sa amin, at sa aming mga g**o na aming gabay sa kabataan. Mamagitan ka sa lahat ng mga ina ngayon upang matuto silang ilapit sa Diyos ang kanilang mga anak. Tulungan mo kaming magpasalamat sa Diyos sapagkat kami at nakakalimot. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Santa Monica, Ipanalangin mo kami!

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.





LIKE, FOLLOW and SHARE our PPC and PYM page:
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishPastoralCouncil
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishYouthMinistry

𝟮𝟬 𝗗𝗔𝗬𝗦 𝗧𝗢 𝗚𝗢As the last days of August unfold, we turn towards the ever-historic walls of Intramuros, where faith and d...
24/08/2026

𝟮𝟬 𝗗𝗔𝗬𝗦 𝗧𝗢 𝗚𝗢

As the last days of August unfold, we turn towards the ever-historic walls of Intramuros, where faith and devotion have been cherished through centuries. Twenty days remain before it once again resounds with praises and thanksgiving as we approach the Patronal Solemnity of Nuestra Señora de la Consolación y Correa, Patroness of Intramuros, Queen and Protectress of the Distinguished and Ever-Loyal City.

𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥

We fly to your protection, O Most Holy Mother of Consolation, with you, we glorify the Father of mercies and the God of all consolation, He who deemed you worthy to be the Mother of His Son. Gathering as your children, who laud your powerful intercession, we pledge our filial devotion to you, whose resounding fiat echoed throughout the world and heralded the dawn of solace in this valley of tears. Today, we look up to you, our Most Sweet Mother, as we consecrate to you ourselves, our communities, and our beloved country, the Philippines. Amen.

Photo credits: Kris Gonzales Photography

23/08/2026

IKA-ANIM NA ARAW NG NOBENARYO KAY SANTA MONICA

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN PARA SA IKA-ANIM NA ARAW
O maluwalhating Santa Monica ikaw ay nagpunyagi para sa pagbabalik-loob ng iyong asawa’t anak sapagkat hangad mong makapasok sila sa buhay na walang hanggan. Ang Langit ang lagi mong hinahangad at naglakbay ka ng malalayo upang hanapin ang iyong anak, at nagdasal ng mahahabang oras sapagkat nais mong magkasama-sama ang iyong pamilya sa langit. Hindi ka naakit ng makamundong tagumpay nang si Agustin na anak mo ay maging tanyag sa kanyang pagsasalita at karunungan. Nais mong gugulin sa tanang buhay niya ang paghahanda para sa langit at iyan na nga ang kanyang ginawa. Pakinggan mo ang aming pagluhog upang ang diwa ng Langit ang bumalot sa aming buhay. Huwag nawa kaming mabulag ng makamundong tagumpay. Gabayan mo kami kay Hesus at ihanda mo kami sa aming pagtatagpo. Amen.

PANG ARAW-ARAW NA PANALANGIN
Mapitagang Ina ng dakilang Agustin, pinagsumikapang mong baguhin ang nawawalay mong anak, hindi ng pananakot kundi ng pananalanging puno ng luha. Mamagitan ka para sa lahat ng mga ina ng aming panahon upang maakay nila ang kanilang mga anak sa Diyos.

Turuan mo po sila kung paanong manatiling malapit sa kanilang mga anak, maging ang mga anak na nawalay na ng landas.

Minamahal naming Santa Monica, ina at asawang uliran, maraming pighati ang tumarak sa iyong puso sa tanang iyong buhay. Subalit hindi ka nawalan ng loob at pananampalataya. Nanalangin ka nang may katatagan, pagtitiyaga at malalim na pananampalataya para sa pagbabago ni Patricio ang iyong minamahal na asawa, at ni Agustin ang minamahal mong anak.

Bigyan mo kami ng iyong katatagan, pasensya, at pagtitiwala sa Panginoon. Mamagitan ka para sa amin, minamahal naming Santa Monica upang pakinggan ng Diyos ang aming mga panalangin para kay/sa [banggitin ang hiling dito] , at ipagkaloob sa amin na tanggapin ang Kanyang kalooban sa lahat ng bagay, sa pamamagitan ni Hesukristong Panginoon namin, kaisa ng Espiritu Santo, isang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

(3) Aba, Ginoong Maria
(3) Luwalhati

PANG-HULING PANALANGIN
O minamahal na Santa Monica inang banal, salamat po sa mga panalangin mo. Turuan mo kaming magsikap sa pananalangin tulad ng ginawa mo para kay Agustin. Hingin po ninyo sa Diyos na pagpalain ang aming mga magulang na nagturo sa amin at nanalangin para sa amin, at sa aming mga g**o na aming gabay sa kabataan. Mamagitan ka sa lahat ng mga ina ngayon upang matuto silang ilapit sa Diyos ang kanilang mga anak. Tulungan mo kaming magpasalamat sa Diyos sapagkat kami at nakakalimot. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Santa Monica, Ipanalangin mo kami!

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.





LIKE, FOLLOW and SHARE our PPC and PYM page:
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishPastoralCouncil
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishYouthMinistry

23/08/2026

IKALIMANG ARAW NG NOBENARYO KAY SAN AGUSTIN

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Panginoon, Diyos ng walang hanggang karunungan, hinirang mo ang tagapagtangkilik naming si San Agustin upang gamitin sa pagpapahayag ng mga katotohanan ng aming pananampalataya. Sa kanyang mga isinulat ay nahahayag ang mga katotohanan tungkol sa Iyo, kung ano ang patutunguhan namin at kung ano ang dapat naming maging tugon sa Iyo. Itinanghal namin siyang Pantas ng Simbahan sapagkat ang kanyang mga aral ay magpapatatag sa pananampalatayang Kristiyano at nagpapalinaw sa buhay namin bilang iyong mga nilikha at anak. Itinuturo niya na kami ay nauukol lamang sa Iyo at sa Iyo dapat na isuko at italaga ang aming sarili sapagkat hindi mapapanatag ang aming mga kalooban kung hindi kami sasandig sa Iyo.

Kaya Ama, sa aming pagpaparangal kay San Agustin, kami ay lumalapit sa Iyo upang humingi ng kapatawarn sa mga pagkakataong kami ay nagkasala, lumihis ng landas ng kabanalan, namuhay sa kalayawan at pinawalang-halaga ang mga itinuturo ng aming pananampalataya. Tulad ng ginawa mo kay San Agustin, patuloy mo nawa kaming tawagin tungo sa pagbabagong-buhay at mag-alab nawa ang aming puso sa pag-ibig sa Iyo at sa paglilingkod sa Iyong Sambayanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.

PANALANGIN PARA SA IKALIMANG ARAW
Tumatawag ako sa iyo, aking Diyos, aking pag-ibig, ikaw na lumikha sa akin at hindi lumimit sa akin, bagaman nilimot kita. Tintatawag kita sa aking kaluluwa na inihanda mo upang tanggapin ka sa pamamagitan ng pagnanasang ipinunla mo dito. Huwag mo akong pabayaan ngayong ako ay dumudulog sa iyo, sapagkat bago pa man ako tumawag sa iyo, ako ay inuudyukan sa marami at iba't-ibang salita, upang mula sa kalayaan. Ikaw ay aking marinig at ako ay makapagbagong-loob at manaagan sa iyo gaya ng panawagan mo sa akin. Siya nawa.

(3) Ama Namin
(3) Aba Ginoong Maria
(3) Luwalhati

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Ama naming mapagmahal, pinupuri ka namin at ipinagdarangal sa iyong walang hanggang karunungan na laganap at nababanaag sa buong sanlibutan. Sa bawat bagay at buhay na nilikha nakikita ang mga tanda ng karunungan at panukala ng kanilang Manlilikha. Ito, Panginoon, ang katotohanang sinasaliksik at natagpuan ni San Agustin. Hindi mo pinatigil ang kanyang puso at isisp sa paghahanap ng kanyang pinagmulan. Gayundin ang ginagawa mo ay ipinadarama sa bawat tao, ang hindi manatili sa mga bagay ng iyong nilikha upang hanapin namin ang higit at tunay na bukal ng kaligayahan, na kami ay hindi nauukol para sa daigdig na ito, sa mga lumilipas na bagay rito, sapagkat nilikha mo kami para sa iyo at ang puso namin ay walang kapanatagan hanggang hindi tumatahan sa Iyo.

Kaya Panginoon, lubos kaming nagpapasalamat sa iyo sa biyayang ipinunla mo sa puso ng aming tagapagtangkilik na si San Agustin at sa karunungang ibinigay Mo sa kanya. Katulad niya, sa Iyo nawa namin matagpuan ang katiwasayan ng aming puso. Itulot mong huwag mapayapa ang aming sarili kung kami ay mapawalay sa iyo. Kaisa ni San Agustin, sama-sama nawa kaming maghanap tuwina sa iyo, makamit ang mga biyayang kailangan namin at mabatid ang iyong kalooban para sa bawat isa sa amin at sa aming bayan. Alang-alang kay Hesukristo na tangi naming Tagapamagitan sa Iyo, kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

San Agustin, ipanalangin mo kami!

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.





LIKE, FOLLOW and SHARE our PPC and PYM page:
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishPastoralCouncil
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishYouthMinistry

𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙇𝙖 𝙑𝙞𝙧𝙜𝙚𝙣!
22/08/2026

𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙇𝙖 𝙑𝙞𝙧𝙜𝙚𝙣!

MABUHAY ANG MAHAL NA BIRHENG MARIA, ANG ATING INA AT REYNA!

Ang Dekreto ng Koronasyong Episkopal na iginawad ni Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D., Obispo ng Malolos sa Patronang Pandangal, Ina at Reynang Mapang-aliw ng Bayan ng Paombong, Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.

Viva la Virgen!









22/08/2026

PRESIDER | FIFTH DAY OF THE MISA NOVENARIO FOR SANTA MONICA AND FOURTH DAY OF THE MISA NOVENARIO FOR SAN AGUSTIN — AUGUST 22, 2026

The novena continues as we come together in faith and devotion for the fifth day of the Misa Novenario for Santa Monica and the fourth day of the Misa Novenario for San Agustin, as we draw closer to Pistang Agustin 2026.

Leading us in the celebration of the Holy Eucharist is Very Rev. Fr. Dante Bendoy, OSA, Prior Provincial of the Augustinian Province of the Most Holy Name of Jesus of the Philippines.

📅 August 22, 2026
🕠 5:30 PM
📍 Immaculate Conception Parish – San Agustin Church, Intramuros

As we continue the novena, may we remain united in prayer and fellowship as we look forward to the celebration of Pistang Agustin 2026.

VIVA SAN AGUSTIN!
VIVA SANTA MONICA!
VIVA PISTANG AGUSTIN 2026!



LIKE, FOLLOW and SHARE our PPC and PYM pages:
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishPastoralCouncil
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishYouthMinistry

22/08/2026

IKA-APAT NA ARAW NG NOBENARYO KAY SAN AGUSTIN

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Panginoon, Diyos ng walang hanggang karunungan, hinirang mo ang tagapagtangkilik naming si San Agustin upang gamitin sa pagpapahayag ng mga katotohanan ng aming pananampalataya. Sa kanyang mga isinulat ay nahahayag ang mga katotohanan tungkol sa Iyo, kung ano ang patutunguhan namin at kung ano ang dapat naming maging tugon sa Iyo. Itinanghal namin siyang Pantas ng Simbahan sapagkat ang kanyang mga aral ay magpapatatag sa pananampalatayang Kristiyano at nagpapalinaw sa buhay namin bilang iyong mga nilikha at anak. Itinuturo niya na kami ay nauukol lamang sa Iyo at sa Iyo dapat na isuko at italaga ang aming sarili sapagkat hindi mapapanatag ang aming mga kalooban kung hindi kami sasandig sa Iyo.

Kaya Ama, sa aming pagpaparangal kay San Agustin, kami ay lumalapit sa Iyo upang humingi ng kapatawarn sa mga pagkakataong kami ay nagkasala, lumihis ng landas ng kabanalan, namuhay sa kalayawan at pinawalang-halaga ang mga itinuturo ng aming pananampalataya. Tulad ng ginawa mo kay San Agustin, patuloy mo nawa kaming tawagin tungo sa pagbabagong-buhay at mag-alab nawa ang aming puso sa pag-ibig sa Iyo at sa paglilingkod sa Iyong Sambayanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.

PANALANGIN PARA SA IKA-APAT NA ARAW
Ipagkaloob mo ang iyong sarili sa akin, O Diyos. Ibalik na muli ang iyong sarili sa akin. Iniibig kita, at kung ito ay kulang pa, bayaan mong ibigin kita ng lalo at higit. Hindi ko kayang sukatin na alamin kung gaano ang kulang na pag-ibig upang ang aking buhay ay tumalima sa iyong pagkandili sa halip na lumayo, hanggang maitago sa likod ng iyong mukha. Ito lamang ang aking nababatid, na sa sandaling mawala sa iyo ay magdudulot ng masama sa akin, hindi lamang sa aking kapaligiran kundi gayon din sa loob ng aking pagkatao, at para sa akin ang lahat ng kasaganaan ay kakulangan kung ikaw ay wala. Siya nawa.

(3) Ama Namin
(3) Aba Ginoong Maria
(3) Luwalhati

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Ama naming mapagmahal, pinupuri ka namin at ipinagdarangal sa iyong walang hanggang karunungan na laganap at nababanaag sa buong sanlibutan. Sa bawat bagay at buhay na nilikha nakikita ang mga tanda ng karunungan at panukala ng kanilang Manlilikha. Ito, Panginoon, ang katotohanang sinasaliksik at natagpuan ni San Agustin. Hindi mo pinatigil ang kanyang puso at isisp sa paghahanap ng kanyang pinagmulan. Gayundin ang ginagawa mo ay ipinadarama sa bawat tao, ang hindi manatili sa mga bagay ng iyong nilikha upang hanapin namin ang higit at tunay na bukal ng kaligayahan, na kami ay hindi nauukol para sa daigdig na ito, sa mga lumilipas na bagay rito, sapagkat nilikha mo kami para sa iyo at ang puso namin ay walang kapanatagan hanggang hindi tumatahan sa Iyo.

Kaya Panginoon, lubos kaming nagpapasalamat sa iyo sa biyayang ipinunla mo sa puso ng aming tagapagtangkilik na si San Agustin at sa karunungang ibinigay Mo sa kanya. Katulad niya, sa Iyo nawa namin matagpuan ang katiwasayan ng aming puso. Itulot mong huwag mapayapa ang aming sarili kung kami ay mapawalay sa iyo. Kaisa ni San Agustin, sama-sama nawa kaming maghanap tuwina sa iyo, makamit ang mga biyayang kailangan namin at mabatid ang iyong kalooban para sa bawat isa sa amin at sa aming bayan. Alang-alang kay Hesukristo na tangi naming Tagapamagitan sa Iyo, kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

San Agustin, ipanalangin mo kami!

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.





LIKE, FOLLOW and SHARE our PPC and PYM page:
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishPastoralCouncil
https://www.facebook.com/ICPSAC.ParishYouthMinistry

Address

Intramuros
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cofradía de la Nuestra Señora de la Consolación y Correa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share