Soledad Parish Youth Ministry

Soledad Parish Youth Ministry Ad Majorem Dei Gloriam 🙏🏽

👋✨ JUNE is waving, Kabataan! ✨👋Curious ka ba kung ano ang SPYM? Gusto mo bang magkaroon ng bagong kaibigan, makaranas ng...
01/06/2026

👋✨ JUNE is waving, Kabataan! ✨👋

Curious ka ba kung ano ang SPYM? Gusto mo bang magkaroon ng bagong kaibigan, makaranas ng mga makabuluhang gawain, at mas mapalapit kay Lord at kay Inay?

💙 Open ito sa lahat ng kabataang edad 13–39!
💙 Kahit hindi ka pa miyembro
💙 Kahit first time mong sumali

Tara at sama-sama nating gawing makabuluhan ang buwan ng June sa pagkakaisa, pananampalataya, at saya!

📅 June 20, 2026
🕕 6:00 PM
📍 Soledad Parish

Hindi ka napadpad dito nang nagkataon lang. Baka ito na ang pagkakataong hinihintay mo para maging bahagi ng isang pamilyang maglalapit sa'yo kay Lord at Inay. 🙏✨

See you there! 💙💛





Presenting the prettiest and cutest representatives of the Parish Youth Ministry for Flores de Maria 2026 – Sagala! 🌹👑✨M...
01/06/2026

Presenting the prettiest and cutest representatives of the Parish Youth Ministry for Flores de Maria 2026 – Sagala! 🌹👑✨

Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa aming fundraising activitiey sa mga nagpaabot ng kanilang mga donasyon para sa tagumpay ng aming kandidata at kandidato. Hindi po magiging posible ang lahat ng ito kung wala ang inyong pagmamahal, tiwala, at walang sawang suporta.

Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa aming ministry. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa aming kandidata at kandidato, kundi para sa buong Parish Youth Ministry at sa lahat ng naging bahagi ng paglalakbay na ito. 💙

Muli, maraming salamat po. Nawa’y pagpalain kayo ng Diyos at patuloy na gabayan ng Mahal na Birheng Maria sa inyong buhay. 🙏🏻🌹

📸 Photo Credits: Soledad Media Group






Sa pagdiriwang kahapon ng Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo, muli nating naranasan ang pagmamahal ng Diyos na nag...
01/06/2026

Sa pagdiriwang kahapon ng Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo, muli nating naranasan ang pagmamahal ng Diyos na nagbubuklod sa atin bilang isang komunidad ng pananampalataya.

Kasabay nito, patuloy rin nating isinasabuhay ang pagmamahal na ito sa pamamagitan ng ating Panawagan ng Tulong, kung saan tayo ay patuloy na nagpapaabot ng tulong at nagkakaisa para sa ating mga kapatid na nasalanta ng sunog.

Maraming salamat sa lahat ng nagbahagi ng suporta at biyaya. Nawa’y patuloy nating makita ang presensya ng Diyos sa bawat gawa ng kabutihan at malasakit sa ating kapwa.

“Kung paanong iniibig tayo ng Diyos, gayundin tayo magmahalan sa isa’t isa.”

Para po sa mga nais pang tumulong, maaari po kayong mag-message dito sa aming page o sa official page ng aming parokya, Nuestra Señora de la Soledad de Manila Parish.

Ang Birhen ng Soledad na po ang magbalik sa inyong kabutihang-loob at walang sawang pagmamalasakit sa kapwa. 😇






Lubos pong nagpapasalamat ang Nuestra Señora de la Soledad de Manila Parish sa lahat ng nagbahagi ng kanilang oras, pagm...
31/05/2026

Lubos pong nagpapasalamat ang Nuestra Señora de la Soledad de Manila Parish sa lahat ng nagbahagi ng kanilang oras, pagmamahal, pagkain, at bulaklak para sa mga bata sa ating araw-araw na Rosaryo sa buong buwan ng Mayo– Flores de Maria 2026. 🌸🙏🏻

Ang inyong kabutihang-loob ay naging daan upang mas maging makabuluhan, masaya, at puno ng biyaya ang pagdiriwang ng debosyon sa ating Mahal na Ina. Sa bawat handog at suporta ninyo, tunay pong nadama ng ating mga kabataan ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal ng ating pamayanan.

Maraming maraming salamat po kina:
• Abby Rosales and Family
• Kristina Bayson Matibag
• Analyn Aquino
• LECOM
• Music Ministry
• MGC
• MBG
• BEC
• PYM
• Norma Villanueva
• Franciscan
• MBG
• Brgy. 276 – Ch. Lovely
• Brgy. 274 – Ch. Nad Decena
• Brgy. 272 – Ch. Malen Bautista
• Dra. Felisa Casamayor
• Manalad Family
• Rolida Berbosidad
• EMHC and Anak ng Soledad
• Elba Flor
• Marivic Roque
• Cofradia
• KOA
• Kristin and Katrin Lascano
• Justine Berbosidad & Nicole Casamayor
• Legion of Mary
• Malakas and Bedia Family / PSSDM
• Enrico and Janina Macaranas
• Roda Jabido
• Jovie Flor
• Benilda Oronse
• Jonalyn Arcilla
• Kim and Perla Lascano
• Melda Orquiola
• AJ Ami
• Mael
• Yvette Fadri

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at ng Mahal na Birhen ng Soledad sa inyong walang sawang suporta at malasakit sa simbahan at sa ating mga kabataan. 😇🤍





Flores de Maria 2026 Culmination 🌸🤍Sa bawat bulaklak na inialay, sa bawat rosaryong taimtim na dinasal, at sa bawat bata...
30/05/2026

Flores de Maria 2026 Culmination 🌸🤍

Sa bawat bulaklak na inialay, sa bawat rosaryong taimtim na dinasal, at sa bawat batang lumapit kay Inay — tunay na nakita ang kagandahan ng isang pusong may pananampalataya. 🙏🏻

Nakakataba ng puso na makita ang ating mga munting deboto na araw-araw na naglaan ng oras upang magdasal at magparangal kay Inay. Sa murang edad nila, naipakita nila na ang pagmamahal sa Diyos at kay Inay na nagsimula sa simpleng pananampalataya at taos-pusong pananalangin. 🌹

Nawa’y manatili sa kanilang puso ang mga aral, debosyon, at pagmamahal na kanilang natutunan sa buong buwan ng Flores de Maria.

Viva la Virgen! 😇

Nuestra Señora de la Soledad de Manila Parish






Mas marami pa po tayong naabutan dahil sa inyong walang sawang pagtulong, pagmamalasakit, at kabutihang-loob. 💛“Sa bawat...
29/05/2026

Mas marami pa po tayong naabutan dahil sa inyong walang sawang pagtulong, pagmamalasakit, at kabutihang-loob. 💛

“Sa bawat munting tulong na inyong ibinabahagi, may pusong muling nabibigyan ng pag-asa.”

Maraming maraming salamat po sa lahat ng nag-abot ng tulong, nagdasal, at nakiisa sa ating panawagan ng tulong para sa ating mga kapatid na nasunugan. Tunay pong napakalaking bagay ng inyong suporta.

Para po sa mga nais pang tumulong, maaari lamang po kayong mag-message dito sa aming page o sa official page ng aming parokya, Nuestra Señora de la Soledad de Manila Parish.

Ang Birhen ng Soledad na po ang magbalik sa inyong kabutihang-loob at walang sawang pagmamalasakit sa kapwa. 😇🙏🏻






Congratulations sa baby ng SPYM – Prinsesito 2026, Cloud! 🤗🥰Gayundin sa aming napakagandang Prinsesa, Ma Mikaela 👸🏻✨Mula...
28/05/2026

Congratulations sa baby ng SPYM – Prinsesito 2026, Cloud! 🤗🥰

Gayundin sa aming napakagandang Prinsesa, Ma Mikaela 👸🏻✨

Mula po sa aming mga puso, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong, suporta, oras, at pagmamahal para sa aming kandidata at kandidato. Hindi man po sapat ang mga salita upang maipahayag ang aming pasasalamat, lubos po naming pinahahalagahan ang bawat donasyon at pakikiisa ninyo na naging malaking bahagi ng tagumpay na ito at malaking tulong sa aming simbahan.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagmamahal at suporta sa SPYM. Nawa’y pagpalain pa kayo ng Panginoon at ni Inay sa inyong kabutihan. 💙✨

God bless po sa inyong lahat! 😇

Our kind of holiday. 🤍Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na nag-aabot ng tulong kahapon. Sa maliit man o malaki, ma...
28/05/2026

Our kind of holiday. 🤍

Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na nag-aabot ng tulong kahapon. Sa maliit man o malaki, malaki ang naitutulong nito sa ating mga kapatid na nasunugan. Naipapasa po agad ang mga donasyon para sa kanilang agarang pangangailangan.

“Kaunting tulong, malaking pag-asa.”

“Bawat pagbibigay, may dalang pagbangon.”

Para po sa mga nais pang tumulong, maaari lamang po kayong mag-message dito sa aming page o sa official page ng aming parokya, Nuestra Señora de la Soledad de Manila Parish.

Ang Birhen ng Soledad na po ang magbalik sa inyong kabutihang-loob at walang sawang pagmamalasakit sa kapwa. 😇






Patuloy po ang ating pag-abot ng tulong sa mga kapatid nating nasunugan. Maraming salamat po sa inyong walang sawang sup...
26/05/2026

Patuloy po ang ating pag-abot ng tulong sa mga kapatid nating nasunugan. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta, pakikiisa, at pagmamalasakit sa ating Panawagan ng Tulong. 🙏🏽

“Sa bawat munting tulong na iniaalay nang may pagmamahal, nagiging liwanag tayo sa gitna ng dilim ng ating kapwa.”

Para po sa mga nais pang tumulong, maaari lamang po kayong mag-message dito sa aming page o sa official page ng aming parokya Nuestra Señora de la Soledad de Manila Parish.

Ang Birhen ng Soledad na po ang magbalik sa inyong kabutihang-loob at walang sawang pagmamalasakit sa kapwa. 😇






Mas marami po tayong natulungan dahil sa sama-samang pagpaabot ng tulong at malasakit ng bawat isa. Maraming salamat po ...
26/05/2026

Mas marami po tayong natulungan dahil sa sama-samang pagpaabot ng tulong at malasakit ng bawat isa. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at pagsuporta sa ating Panawagan ng Tulong para sa ating mga kapatid na nasalanta ng sunog.

Tunay nga pong kapag ang maliit na tulong ay pinagsama-sama, ito ay nagiging malaking biyaya na mas marami ang makikinabang. ❤️😇

Para po sa mga nais pang tumulong, maaari lamang po kayong mag-message dito sa aming page o sa official page ng aming parokya, Nuestra Señora de la Soledad de Manila Parish.

Ang Birhen ng Soledad na po ang magbalik sa inyong kabutihang-loob at walang sawang pagmamalasakit sa kapwa. 😇






Address

33 Camba, Corner Alonzo, A. Velasquez, San Nicolas, Metro
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Soledad Parish Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share