08/12/2021
An iglesia Ni Cristo member made an article opposing the celebration of the Immaculate Conception. He said,
"Nais lamang naming linawin na hindi kami laban kay Maria, ang Ina ng Panginoong Jesucristo. Ito ay hindi pag-atake kay Maria, sa halip, layunin lamang namin na protektahan siya mula sa kasinungalingan na itinuturo ng Relihiyong Katoliko. Walang kahit na anong katibayan mula sa Banal na Kasulatan ang sumusporta sa Dogma ng Immaculada Conception."
First of All, dapat nating malaman kung saan nagsimula ang PAGKAKASALA NG TAO at kung paano naging Immaculada Conception si Maria o walang bahid ng KASALANAN.
Ang KASALANAN ay nagsimula sa panahon nina Adan at Eba. Si Eba, ang BABAE na nag-udyok kay Adan upang lumabag sa KAUTUSAN NG DIYOS na naging sanhi ng kanilang PAGKAKASALA,
โBakit mo ginawa ang bagay na iyon?โ tanong ng Panginoong Yahweh sa BABAE. โMangyari po'y NILINLANG AKO NG AHAS, kaya ako natuksong kumain,โ sagot naman nito."-[Genesis 3:13]
Dahil sa pangyayaring iyon ang lahat ng TAO ay nagkasala na tinatawag na Original Sin" o kasalanang Minana mula kina Adan At Eba. Pinatotohanan ito ni Haring David,
"Ako'y masama na buhat nang isilang, MAKASALANAN NA nang ako'y ILUWAL."-[Salmo 51:5]
Ang lahat ng tao ay idineklarang MAKASALANAN O MARUMI sa MATA NG DIYOS dahil sa kagagawan ng ating mga ninuno na naging sanhi ng ating KAMATAYAN,
"Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang KAMATAYAN ay pumasok sa pamamagitan ng KASALANAN. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa LAHAT NG TAO, sapagkat ang LAHAT AY NAGKASALA."-[Roma 5:12]
Gayun pa man ang PROPESIYA ng KALIGTASAN ay magmumula sa isang "BAGONG EBA" na siyang dudurog sa AHAS, sa pamamagitan ng kaniyang BINHI- ang Panginoong Jesucristo,,
"Kayo ng BABAE ay aking pag-aawayin, binhi mo't BINHI niya'y lagi kong paglalabanin. Ang BINHI NIYA ANG DUDUROG SA IYONG ULO, at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.โ-[Genesis 3:15]
Ang BAGONG EBA na si Maria ay siya ring Arko ng BAGONG TIPAN o ang Tipan ng pakikipagkasundo sa Diyos. Ayon sa mga Early Records ng Church Fathers, si Maria ay Anak ni San Joaquin at Santa Anna, isang babaeng BAOG o walang kakayahan na magsilang ng sanggol.
Ang mag-asawa ay nanalangin sa Diyos na magkaroon ng isang Anak na siya ngang nangyari, sapagkat si Santa Anna ay naglihi ng SANGGOL NA BABAE na MULA SA DIYOS at walang bahid-dungis ng KASALANAN na kanilang INIALAY SA DIYOS.
Ang paglilihi kay MARIA bilang IMMACULATE CONCEPTION ay bilang paghahanda sa kanya bilang ARKO NG BAGONG TIPAN na siyang MAGDADALA ng SALITA NG DIYOS, TINAPAY NA NAGBIBIGAY BUHAY AT NG DAKILANG PUNONG PARI sa kanyang SINAPUPUNAN- na walang iba kundi ang PANGINOONG JESUCRISTO.
Kaya nga ang bati ng Anghel kay Maria ay "FULL OF GRACE" dahil siya ay walang bahid ng Kasalanan,
"Hail, FULL OF GRACE the Lord is with thee, blessed art thou among women."-[Luke 1:28]
Sa wikang Greek ang "FULL OF GRACE" ay tinatawag na "KEKARITOMENE" na ang ibig sabihin ay "NAPUPUNO NG GRASYA. Ito ay upang matupad na ang DIVINE REDEMPTION na matagal ng plano ng Diyos,
"Sinabi sa kanya ng anghel, โHuwag kang matakot, Maria, sapagkat naging KALUGOD-LUGOD KA SA DIYOS. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang SANGGOL NA LALAKI, at siya'y papangalanan mong Jesus."-[Lucas 1:30-31]
"Sumagot si Maria, โAko'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.โ Pagkatapos, umalis na ang anghel."-[Lucas 1:38]
________________________________________________
"For BY GRACE ARE YOU SAVED through the faith; and that not of yourselves: IT IS THE GIFT OF GOD."-[Ephesians 2:8]