JHS (Holy Name Of Jesus Choir)

JHS (Holy Name Of Jesus Choir) a group of youth who praise God by means of singing.

PRAYER FOR ENLIGHTENMENT OF OUR LEADERSGod our loving Father, you have given us the precious gift of family in our socie...
22/05/2024

PRAYER FOR ENLIGHTENMENT OF OUR LEADERS

God our loving Father,
you have given us the precious gift of family in our society.
Bless our family with your protection,
guidance and strength in these challenging times.

We come before you seeking the enlightenment of our leaders
as they make decisions that impact the lives of many.
Touch their hearts and minds to recognize the importance of upholding
the sanctity of marriage and family.
Grant them wisdom and understanding to make choices
that promote healing, reconciliation and love
in every family in the society.

Jesus, Mary and Joseph graciously hear our prayer
for the enlightenment of our leaders.
Guide their hearts and minds
so that they may make decisions
that align with the will of God in our lives. Amen.

30/03/2024
NGAYON PO ANG KAPISTAHAN NG KABANAL-BANALANG NGALAN NI HESUS.  21 "Pagsapit ng ikawalong araw, tinuli ang bata at pinang...
03/01/2024

NGAYON PO ANG KAPISTAHAN NG KABANAL-BANALANG NGALAN NI HESUS.

21 "Pagsapit ng ikawalong araw, tinuli ang bata at pinangalanang Jesus. Ito ang pangalang sinabi ng anghel bago pa siya ipaglihi."

Lucas 2:21
CCC;

2664 There is no other way of Christian prayer than Christ. Whether our prayer is communal or personal, vocal or interior, it has access to the Father only if we pray "in the name" of Jesus. The sacred humanity of Jesus is therefore the way by which the Holy Spirit teaches us to pray to God our Father.
2666 But the one name that contains everything is the one that the Son of God received in his incarnation: JESUS. The divine name may not be spoken by human lips, but by assuming our humanity The Word of God hands it over to us and we can invoke it: "Jesus," "YHWH saves."16 The name "Jesus" contains all: God and man and the whole economy of creation and salvation. To pray "Jesus" is to invoke him and to call him within us. His name is the only one that contains the presence it signifies. Jesus is the Risen One, and whoever invokes the name of Jesus is welcoming the Son of God who loved him and who gave himself up for him.

2668 The invocation of the holy name of Jesus is the simplest way of praying always. When the holy name is repeated often by a humbly attentive heart, the prayer is not lost by heaping up empty phrases,19 but holds fast to the word and "brings forth fruit with patience."20 This prayer is possible "at all times" because it is not one occupation among others but the only occupation: that of loving God, which animates and transfigures every action in Christ Jesus.

17/10/2022

40 Days For Life Prayer
Day 4:

INTENSIYON:
Nawa ang misteryo ng Pagkakatawang-tao ay magpalago sa ating sigasig para sa pagtatanggol sa buhay.

PANALANGIN PARA SA PAMILYA:

Ama naming makapangyarihan,
Loobin Mong matularan namin/
ang katangian ng Banal na Pamilya na sina Jesus, Maria, at Jose. /
Ipinapanalangin namin bilang Iyong isang sambayanan/
na ang bawat pamilya ay magkaroon ng pagkakaisa, / pasensya, / pag-iibigan, / pag-uunawaan, /at kagandahang loob/
katulad ng tahanan ng Banal na Pamilya sa Nazaret. /
Sa pamamagitan ng panalangin ng Mahal na Ina/
ipinapanalangin rin namin/
na ang lahat ng mga magulang/
ay magampanan ang kanilang mga tungkulin
na gawing pugad ng kapayapaan ang kanilang tahanan
at alagaan ang mga anak na ipinagkaloob ng Diyos sa kanila/
at ipakita sa mga ito ang pamumuhay ng pagiging tunay na Kristiyano/
upang maiwasan ang pagkakawatak – watak ng pamilya
at mamuhay ayon sa iyong kalooban. /
Palakihin nawa at arugain/ ng mga magulang ang kanilang mga anak/
na may takot sa Iyo. //
Tulungan mo, / Panginoon/ na paunlarin ang kanilang buhay sa pamumuhay ng tunay na Iyo. / Hinihiling namin ito/ sa pamamagitan ni Hesukristo/ kasama ng Espiritu Santo/ magpasawalang hanggan. /
Amen//

PAGBASA :

Sinabi sa kanya ng anghel,
“Huwag kang matakot, Maria,
sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos.
Makinig ka!
Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki,
at siya'y papangalanan mong JESUS.
Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos.
Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David
upang maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman.
Ang kanyang paghahari ay pangwalang hanggan.”

- Lucas 1: 30-33

PAGNINILAY:
"Inako ng Diyos ang Sangkatauhan, sinasamahan ito ng Pagka-Diyos, at nagningning sa mga puso ng mga tao, ang bagong pag-ibig sa akin."
Ang mga salitang ito ay isinulat ng isang makatang Romano sa Ika-apat na Siglo.
Ginugol niya ang kanyang buhay sa paghahanap ng mga paraan upang ipahayag ang pinakadakilang misteryo ng mundo: ang pagkakatawang-tao,
kung saan ang Diyos ay naging tao.
Ang sinapupunan ay tinukoy bilang "unang tahanan ng buong sangkatauhan."
Ito ang lugar kung saan nagsisimula ang buhay,
kung saan nagsisimula ang ating mga kuwento.
Sa bahay-bata ang mga dakilang tao- lalaki at babae ng kasaysayan ay nagsimula ng kanilang kahanga-hangang martsa sa buhay. Sa sinapupunan ang Diyos ay nagkatagpo ang sangkatauhan, at ang Diyos na Anak ay ipinanganak sa mundo.

Bilang isa sa mga Ama ng sinaunang simbahan, si St. Leo the Great, ay nagpahayag, "Sa loob ng kanyang walang bahid na bahay-bata ang Karunungan ay nagtayo ng isang bahay at ang Salita ay nagkatawang-tao."
Kamakailan ay nasa ospital ako para sa kapanganakan ng ikaapat na apo ko. Naghahanap sa bintana ng nursery sa mga hanay ng mga bagong ipinanganak na mga sanggol, sinimulan kong isipin ang mga magagandang kuwento na maisusulat tungkol sa mga maliliit na buhay na ito. Sa kanyang pagdalaw sa Birhen Maria, ang anghel ay nagpahayag kay Maria tungkol sa buhay ng kanyang anak. Dito sa ospital na ito, pinag-isipan ko, ano ang sasabihin niya tungkol sa bawat isa sa mga ito? Sasabihin ba nila ang isa na nagmula pa rin sa sinapupunan ng kanyang ina upang tubusin ang mundo at papagsabayan ang ating mga puso para sa Diyos? Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa bawat sanggol na buhay at nanalangin para sa bawat kuwentong isusulat pa.

“Ang buhay sa tao ay ang kaluwalhatian ng Diyos; ang buhay ng tao ay ang pananaw ng Diyos. Kung sa pagpapahayag ng Diyos sa pamamagitan ng pagikha ay nagbigay buhay sa lahat ng mga nilalang sa daigdig, mas higit pa ang pagpapakita ng Ama sa pamamagitan ng Salitang nagbibigay –buhay para sa mga nakakita sa Diyos.” (Adversus Haereses, Bk IV, 20, 5-7).Hindi lamang tayo nilalang ng Diyos. Tayo ay kanyang imago et similitudo…Kanyang kalarawan at kawangis. At higit sa lahat tayo ay mga “tagapakinig ng Salita”, na Kanyang kinausap hindi ng kaisipan, hindi ng idea, kundi ang sarili niya mismo ang Walang-hanggang Salita, ang Panginoong Hesus - Addiction, freedom and disciples , CBCP Pastoral Letter on Drug Trafficking and Drug Addiction.
Ang bawat tao ay tinubos ng dugo ni Kristo.Ito ang dahilan kung bakit ang paninindigan sa buhay, ang kultura ng buhay, ay taliwas sa abortion, euthanasia, human trafficking, mutilation, at karahasan laban sa mga mahihina at inosenteng tao. (Cardinal Tagle’s Statement(Invitation)on Death Penalty)
PANALANGIN: Ama sa Langit, ginawa mo ang sinapupunan ng bawat babae na isang espesyal na lugar. Tulungan kaming mahahawakan ang kabanalan ng unang tahanan ng sangkatauhan, alalahanin ang kamangha-manghang misteryo, na tinatahanan ng Diyos ang sinapupunan ng isang dalagang babae at lumabas bilang tagapagligtas at tagapagadya ng mundo. Hinihiling namin ito sa Pangalan ng isang nanaog para amin, si HesuKristo na aming Panginoon. Amen.

PANALANGIN PARA SA BUHAY:

O Diyos, aming manlilikha,
lahat ng buhay ay nasa inyong mga kamay mula sa paglilihi hanggang kamatayan.
Tulungan Mo po kaming mahalin ang aming mga anak
at maging magalang sa aming kalayaang
makibahagi sa sanilikha.
Nawa’y ang lahat ng tao ay mabuhay at mamatay sa dangal
at pagmamahal.
Pagpalain Mo lahat ng mga nagtatanggol
sa karapatan ng buhay ng nasa sinapupunan,
mga may kapansanan at matatanda.
Liwanagan at kahabagan ang mga nabigo magmahal,
at pagkalooban mo sila ng kapayapaan.
Nawa’y ang aming kalayaan ay pagtibayin ng responsibilidad, integridad, at moralidad.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo,
Iyong Anak, nabubuhay at naghahari
kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos
ngayon at magpasawalang hanggan.
- Amen

Ama Namin..

PANALANGIN SA KOMUNIDAD:

Ama naming makapangyarihan,/
natitipon kaming lahat ngayon upang ika’y pasalamatan at purihin.// Pagkalooban mo kami ng biyaya ng pag-ibig at pagkakaisa/ na maibahagi naming sa pamayanan ng aming parokya.//
Gawin kaming ganap/ at sikaping matularan ang iyong Anak,/
ang Poong Jesus Nazareno. //
Pagbuklurin mo kami bilang iyong isang pamilya/ tularan ang Banal na Pamilya/ na laging maghatid ng iyong pag-ibig sa bawat isa sa amin/ at panatilihin sa amin ang Espiritu ng pagkakaisa sa gawaing maipahayag ang iyong kadakilaan/ sa mga makasalanan,/ mga mahihirap,/ mga may sakit,/ mga watak na pamilya,/ mga tinatanggihan ng lipunan,/ mga bilanggo/ at mga inaapi/ at gawin kaming instrumento ng iyong kapayapaan.//
Kami nawa’y makaisa ng iyong Anak sa paghahatid ng mabuting balita/ sa bawat tahanan kasama ng Mahal na Birheng Maria/
at ni San Juan Bautista, / na aming patron.
Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo/
kasama ng Espiritu Santo/
magpasawalang hanggang./
Amen//












17/10/2022

40 Days For Life Prayer

Day 3.

INTENSIYON:
Manalangin tayo para sa kaloob na lakas ng Diyos habang sinisikap nating ipagtanggol ang buhay ng tao sa loob ng 40 Days for Life.

Panalangin para sa Pamilya:

Ama naming makapangyarihan,
Loobin Mong matularan namin/
ang katangian ng Banal na Pamilya na sina Jesus, Maria, at Jose. /
Ipinapanalangin namin bilang Iyong isang sambayanan/
na ang bawat pamilya ay magkaroon ng pagkakaisa, / pasensya, / pag-iibigan, / pag-uunawaan, /at kagandahang loob/
katulad ng tahanan ng Banal na Pamilya sa Nazaret. /
Sa pamamagitan ng panalangin ng Mahal na Ina/
ipinapanalangin rin namin/
na ang lahat ng mga magulang/
ay magampanan ang kanilang mga tungkulin
na gawing pugad ng kapayapaan ang kanilang tahanan
at alagaan ang mga anak na ipinagkaloob ng Diyos sa kanila/
at ipakita sa mga ito ang pamumuhay ng pagiging tunay na Kristiyano/
upang maiwasan ang pagkakawatak – watak ng pamilya
at mamuhay ayon sa iyong kalooban. /
Palakihin nawa at arugain/ ng mga magulang ang kanilang mga anak/
na may takot sa Iyo. //
Tulungan mo, / Panginoon/ na paunlarin ang kanilang buhay sa pamumuhay ng tunay na Iyo. / Hinihiling namin ito/ sa pamamagitan ni Hesukristo/ kasama ng Espiritu Santo/ magpasawalang hanggan. /
Amen//

PAGBASA:
“Kaya't sinasabi ko sa inyo,
huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan.
Hindi ba't ang BUHAY AY HIGIT NA MAHALAGA kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?
Masdan ninyo ang mga ibon.
Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig,
ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit.
Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? —Mateo 6:25-26

PANALANGIN:
Pagmamahal na Ama sa langit ,
tulungan kaming makita ang kahalagahan ng lahat ng tao
sa pamamagitan ng pamamaraan na iyong inilalaan para sa amin.
Hihilingin namin na ibigay mo din ang pananampalataya, biyaya at lakas ng loob
upang maprotektahan namin ang napakahalaga sa iyo.
Sa pamamagitan ni Kristo na ating Panginoon, Amen.

PANALANGIN PARA SA BUHAY:

O Diyos, aming manlilikha,
lahat ng buhay ay nasa inyong mga kamay mula sa paglilihi hanggang kamatayan.
Tulungan Mo po kaming mahalin ang aming mga anak
at maging magalang sa aming kalayaang
makibahagi sa sanilikha.
Nawa’y ang lahat ng tao ay mabuhay at mamatay sa dangal
at pagmamahal.
Pagpalain Mo lahat ng mga nagtatanggol
sa karapatan ng buhay ng nasa sinapupunan,
mga may kapansanan at matatanda.
Liwanagan at kahabagan ang mga nabigo magmahal,
at pagkalooban mo sila ng kapayapaan.
Nawa’y ang aming kalayaan ay pagtibayin ng responsibilidad, integridad, at moralidad.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo,
Iyong Anak, nabubuhay at naghahari
kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos
ngayon at magpasawalang hanggan.
- Amen

Ama Namin.. .

PANALANGIN SA KOMUNIDAD:

Ama naming makapangyarihan,/
natitipon kaming lahat ngayon upang ika’y pasalamatan at purihin.// Pagkalooban mo kami ng biyaya ng pag-ibig at pagkakaisa/ na maibahagi naming sa pamayanan ng aming parokya.//
Gawin kaming ganap/ at sikaping matularan ang iyong Anak,/
ang Poong Jesus Nazareno. //
Pagbuklurin mo kami bilang iyong isang pamilya/ tularan ang Banal na Pamilya/ na laging maghatid ng iyong pag-ibig sa bawat isa sa amin/ at panatilihin sa amin ang Espiritu ng pagkakaisa sa gawaing maipahayag ang iyong kadakilaan/ sa mga makasalanan,/ mga mahihirap,/ mga may sakit,/ mga watak na pamilya,/ mga tinatanggihan ng lipunan,/ mga bilanggo/ at mga inaapi/ at gawin kaming instrumento ng iyong kapayapaan.//
Kami nawa’y makaisa ng iyong Anak sa paghahatid ng mabuting balita/ sa bawat tahanan kasama ng Mahal na Birheng Maria/
at ni San Juan Bautista, / na aming patron.
Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo/
kasama ng Espiritu Santo/
magpasawalang hanggang./
Amen//












17/10/2022

40 Days For Life Prayer

Day 2:

INTENSIYON: Ipanalangin natin na ang mga Tagapangasiwa ng Simbahan nawa ay hindi magulo mula sa pagbibigay halaga sa pangangalaga sa buhay ng tao; kasama ang mga pamilya ng namatay sa giyera laban sa droga at sa mga nalululong pa dito.

Panalangin para sa Pamilya:

Ama naming makapangyarihan,
Loobin Mong matularan namin/
ang katangian ng Banal na Pamilya na sina Jesus, Maria, at Jose. /
Ipinapanalangin namin bilang Iyong isang sambayanan/
na ang bawat pamilya ay magkaroon ng pagkakaisa, / pasensya, / pag-iibigan, / pag-uunawaan, /at kagandahang loob/
katulad ng tahanan ng Banal na Pamilya sa Nazaret. /
Sa pamamagitan ng panalangin ng Mahal na Ina/
ipinapanalangin rin namin/
na ang lahat ng mga magulang/
ay magampanan ang kanilang mga tungkulin
na gawing pugad ng kapayapaan ang kanilang tahanan
at alagaan ang mga anak na ipinagkaloob ng Diyos sa kanila/
at ipakita sa mga ito ang pamumuhay ng pagiging tunay na Kristiyano/
upang maiwasan ang pagkakawatak – watak ng pamilya
at mamuhay ayon sa iyong kalooban. /
Palakihin nawa at arugain/ ng mga magulang ang kanilang mga anak/
na may takot sa Iyo. //
Tulungan mo, / Panginoon/ na paunlarin ang kanilang buhay sa pamumuhay ng tunay na Iyo. / Hinihiling namin ito/ sa pamamagitan ni Hesukristo/ kasama ng Espiritu Santo/ magpasawalang hanggan. /
Amen//

PAGBASA : Patuloy ang pagdami ng mga mananampalataya at dumating ang panahong nagreklamo ang mga Helenista laban sa mga Hebreo. Sinabi nilang ang mga biyuda sa pangkat nila ay napapabayaan sa pang-araw-araw na pamamahagi ng ikabubuhay.. — Gawa 6:1

PANALANGIN:
Ama, sa pagnanais ng Simbahan na hikayatin ang aming mga komunidad sa Mabuting Balita ,
huwag ipagkait sa kanila ang mga nangangailangan ng kanilang pangangalaga
at paunlarin ang samahan.
Magkaroon kami ng karunungan mula sa mga nauna sa amin
at pahalagahan ang kanilang mga karanasan at pananaw.
Tulungan kaming mapahalagahan ang bawat kaluluwa, sa katawan ni Kristo
at maayos ang paglilingkod sa lahat. Amen.

PANALANGIN PARA SA BUHAY:

O Diyos, aming manlilikha,
lahat ng buhay ay nasa inyong mga kamay mula sa paglilihi hanggang kamatayan.
Tulungan Mo po kaming mahalin ang aming mga anak
at maging magalang sa aming kalayaang
makibahagi sa sanilikha.
Nawa’y ang lahat ng tao ay mabuhay at mamatay sa dangal
at pagmamahal.
Pagpalain Mo lahat ng mga nagtatanggol
sa karapatan ng buhay ng nasa sinapupunan,
mga may kapansanan at matatanda.
Liwanagan at kahabagan ang mga nabigo magmahal,
at pagkalooban mo sila ng kapayapaan.
Nawa’y ang aming kalayaan ay pagtibayin ng responsibilidad, integridad, at moralidad.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo,
Iyong Anak, nabubuhay at naghahari
kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos
ngayon at magpasawalang hanggan.
- Amen

Ama Namin..

PANALANGIN SA KOMUNIDAD:

Ama naming makapangyarihan,/
natitipon kaming lahat ngayon upang ika’y pasalamatan at purihin.// Pagkalooban mo kami ng biyaya ng pag-ibig at pagkakaisa/ na maibahagi naming sa pamayanan ng aming parokya.//
Gawin kaming ganap/ at sikaping matularan ang iyong Anak,/
ang Poong Jesus Nazareno. //
Pagbuklurin mo kami bilang iyong isang pamilya/ tularan ang Banal na Pamilya/ na laging maghatid ng iyong pag-ibig sa bawat isa sa amin/ at panatilihin sa amin ang Espiritu ng pagkakaisa sa gawaing maipahayag ang iyong kadakilaan/ sa mga makasalanan,/ mga mahihirap,/ mga may sakit,/ mga watak na pamilya,/ mga tinatanggihan ng lipunan,/ mga bilanggo/ at mga inaapi/ at gawin kaming instrumento ng iyong kapayapaan.//
Kami nawa’y makaisa ng iyong Anak sa paghahatid ng mabuting balita/ sa bawat tahanan kasama ng Mahal na Birheng Maria/
at ni San Juan Bautista, / na aming patron.
Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo/
kasama ng Espiritu Santo/
magpasawalang hanggang./
Amen//












Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JHS (Holy Name Of Jesus Choir) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share