Gracias Al Señor

Gracias Al Señor "Gracias al señor" means "Thank you to the Lord" or "Thanks to the Lord". This is a religious expression of gratitude.
(3)

Hijos Del Nazareno
Kundiman Palengke Chapter
Since 1993

30/04/2026
30/04/2026
𝙪𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙮𝙚𝙧𝙣𝙚𝙨 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮𝙤“Ang timing ng Diyos ay hindi mabagal—ito ay eksakto” Matutong maghintay nang may pananamp...
30/04/2026

𝙪𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙮𝙚𝙧𝙣𝙚𝙨 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮𝙤

“Ang timing ng Diyos ay hindi mabagal—ito ay eksakto”

Matutong maghintay nang may pananampalataya. Hindi sukatan ng tagumpay ang bilis, kundi ang pagiging handa at tamang panahon.

Ang paghihintay ay hindi parusa—ito ay proseso ng paghahanda. Sa bawat delay, may purpose; sa bawat paghinto, may direksyon.

Huwag kang mawalan ng pag-asa kung tila mabagal ang takbo ng buhay mo.

Tandaan mo, hindi ka nale-late—nasa tamang oras ka. Ang Diyos ay hindi nagmamadali, pero hindi rin Siya nahuhuli.

Kapag dumating ang para sa’yo, mauunawaan mo kung bakit.

Araw ng BIYERNES; Araw ng DEBOSYON; Araw ng mga DEBOTO; Araw ng QUIAPO.

Walang hanggang pasasalamat, Mahal na Poong Jesus Nazareno!


30/04/2026

𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬 𝐍𝐚𝐳𝐚𝐫𝐞𝐧𝐨 (tuwing biyernes)

Mahal na Poong Jesus Nazareno, banal ang iyong pangalan, dinadakila at pinapasalamatan Ka namin, nagpapakababa Ka at sumunod sa kalooban ng Ama, pinasan Mo ang krus at nag-alay ng buhay para sa aming kaligtasan.

Tanggapin Mo ang aming dasal at sakripisyo itulot Mo na kaming sumasamo at tumulad sa Iyo, na sumunod ng buong katapatan at pagmamahal, magbahagi ng mabuting balita, magsisi at itakwil ang kasalanan at masama, at maghatid ng awa at kapayapaan sa aming kapwa.

Ipinagkakatiwala namin sa Iyo ang lahat-lahat sa amin, ipinapanalangin namin ang mga nangangailangan ng Iyong tulong, ipinapaubaya namin sa Iyo ang aming mga kahilingan. (Banggitin ang kahilingan)

Itong aming pagdedebosyon at panata ay lalo nawang magpalapit sa amin sa Iyo at aming kapwa. Upang nagmamahal at nagkakaisa kaming magtaguyod ng Iyong kaharian dito sa lupa hanggang sa langit, na aming tunay na tahanan, kung saan naghahari Ka sa kaluwalhatian magpasawalang hanggan. Amen.

Araw ng BIYERNES; Araw ng DEBOSYON; Araw ng mga DEBOTO; Araw ng QUIAPO.

Walang hanggang pasasalamat, Mahal na Poong Jesus Nazareno!

Ang DAMBANA ni JESUS NAZARENO ay TAHANAN ng bawat
PILIPINO at BUKAL ng PAG-ASA.

30/04/2026
SA MGA MAKIKILAHOK SA PAGDALAW NG INA SA ANAK                      (PENITENTIAL WALK)                            (ALAY L...
30/04/2026

SA MGA MAKIKILAHOK SA PAGDALAW NG INA SA ANAK

(PENITENTIAL WALK)
(ALAY LAKAD)

"WALK FOR PEACE"

Paglalakbay, Pag aakay, Pag aalay

-APRIL 30, 2026

6:00PM MASS at Quiapo Church
7:00PM Start ng ALAY LAKAD
QUIAPO CHURCH to ANTIPOLO CATHEDRAL

(KAROSA po ang gamit ng Mahal na Birhen)
(Walang Pasanan na magaganap)

PAALALA mula sa Quiapo church at Hijos Del Nazareno Central / Balangay Central

1. Siguraduhing handa ang inyong katawan, pisikal at espiritwal para sa mahabang paglalakad.

2. Magdala ng tubig, kandila o flashlight, panyo o face towel, extra damit at iba pang personal na pangangailangan.

3. Magkaroon ng “buddy system” upang may makasama sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.

4. Ihanda ang sarili at makilahok sa pagdarasal habang naglalakbay.
Iwasan ang pag-iingay.

5. Pakinggan at sumunod ng may kababaang-loob sa mga itinalagang pinuno ng Alay-Lakad.

6. Huwag magkalat at panatilihin ang kalinisan ng daan at sa lahat ng ruta ng prusisyon.

7. Para sa mga may dalang imahen, sumunod sa itinalagang pwesto para sa inyo upang hindi makasagabal sa prusisyon.

8. Sa mga may motorsiklo, iwasang makipag-unahan sa Mahal na Ina.

9. Kung sakaling magkaroon ng problemang medikal, lumapit lamang sa medical teams na makikita sa mga daraanan.

10. Huwag na po magdala ng mga Bandera o standarte.

11. Kung kayo po ay may mga kasamang bata ày kung maari ay lagyan ng ID o pagkakilanlan at kung maari ay bantayan maigi upang di mawala.

12. Kung tayo ay makikilahok sa Alay lakad ay p**i ayus po ang ating kasuotan bilang pag respeto sa ating Banal na Procession.

13. Iwasan na po natin ang p**ikipagtalo sa kapwa natin Deboto habang tayo ay na sa Procession.

14. Panatilihin po natin ang pagiging isang mabuting deboto at tiga sunod ni kristo at ni Maria.

Maraming salamat po!


24/04/2026

𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐭𝐢𝐩𝐨𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐏𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬 𝐍𝐚𝐳𝐚𝐫𝐞𝐧𝐨 𝐧𝐠 𝐐𝐮𝐢𝐚𝐩𝐨

Halina at makiisa sa banal na paglalakbay ng imahen ng Birhen ng Antipolo, ang Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje, patungo sa kanyang Anak, ang Poong Jesús Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Gaganapin ang pagbisita ng Mahal na Ina mula ika-28 hanggang ika-30 ng Abril 2026, na magtatapos sa isang Farewell Mass na susundan ng Alay Lakad mula Quiapo hanggang Antipolo. Mangyaring tingnan ang pubmat sa ibaba para sa karagdagang detalye.

Sa bawat kilometro ng paglalakbay at sa bawat hakbang na ating tinatahak, iniaalay natin ang ating mga panalangin para sa kapayapaan ng buong mundo—lalo na sa Gitnang Silangan, sa ating bansang Pilipinas, at higit sa lahat, sa kapayapaan ng ating mga puso't isipan. Tayo na’t samahan ang Birhen ng Antipolo!

¡Viva Nuestro Padre Jesús Nazareno!
¡Viva Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje!

16/04/2026

Palaging magtiwala 🙌🏻🙏🏻

Address

Kundiman Palengke G. Tuazon, Sampaloc
Manila
1008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gracias Al Señor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Gracias Al Señor:

Share