29/05/2026
𝐀𝐖𝐀 𝐀𝐓 𝐆𝐀𝐖𝐀: 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐈𝐍
Bilang bahagi ng Social Services and Outreach Ministry ng HNS Tondo, nakipag-ugnayan ang cofradia sa 𝗨𝗣-𝗣𝗚𝗛 𝗖𝗵𝗮𝗽𝗲𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗵𝗮𝗽𝗹𝗮𝗶𝗻𝗰𝘆 upang maghatid ng pag-asa, kalinga, at pagmamahal sa ating mga kapatid na may karamdaman.
Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa ating 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗶𝗻 sa darating na 𝟯𝟬 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲, kung saan bibisitahin natin ang mga pasyente at maghahandog ng 200 snacks para sa kanilang mga watcher sa 𝗨𝗣–𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹.
Sama-sama nating ipadama na walang nag-iisa sa panahon ng pagsubok. Sa bawat ngiti, dasal, at munting handog, nagiging buhay ang ating pananampalataya.
🍞 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙠𝙖𝙞𝙣.
🤝 𝙈𝙖𝙜𝙡𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙.
❤️ 𝙈𝙖𝙜𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡.
Sapagkat ang bawat hain ay alay sa Ngalan ni Hesus.
𝐌𝐞𝐬𝐬𝐚𝐠𝐞 𝐮𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐢𝐧-𝐤𝐢𝐧𝐝 (𝐟𝐨𝐨𝐝) 𝐝𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐥𝐞𝐝𝐠𝐞𝐬.