He first loved us.

He first loved us. 2 Timothy 3:15-16
Philippians 4:8

30/01/2023

"Be strong and take heart, all who hope in the Lord." - Psalm 31:24

Today, Filipino Christians celebrate the National Bible Day. 📖✝️

12/07/2022
Why Should I Study the Bible?Gaano kahalaga ang Bibliya para sa iyo?Simula nang ikaw'y maging Cristiano, nagbago ba ang ...
17/05/2022

Why Should I Study the Bible?
Gaano kahalaga ang Bibliya para sa iyo?
Simula nang ikaw'y maging Cristiano, nagbago ba ang iyong pananaw sa Aklat na Banal?
Nasa priority list mo ba ang pag-aaral ng mga aral ni Cristo na nasusulat sa Bibliya?

A. ANO ANG MAPAPAKINABANGAN KO SA PAG-AARAL NG BIBLIYA?
Ang ating pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos ay mapapakinabangan natin
sa ating paglago,
sa ating pagtalima sa kalooban ng Diyos,
sa ating pamumuhay sa katuwiran,
sa pagkakaroon ng maka-Diyos na kaalaman at karunungan,
at sa pagpapatibay ng ating pag-asa bilang mga Cristiano.

✅1. Paglago (Growth).
Upang maging malusog at lumago sa pisikal na pangangatawan, kailangan natin ng tamang pagkain, ehersisyo at pahinga. Gayundin, upang maging malusog at lumago tayo sa espirituwal na aspeto (pamumuhay bilang mga Cristiano), kailangan natin ng espirituwal na pagkain (Bible study), panalangin (prayer) at pakikipagkaisa sa kapatiran (fellowship). Salmo 119:105

✅2. Pagtalima (Obedience).
Ang pagiging masunurin ay hindi automatic, ngunit ito’y natututunan. Maging si Cristo ay natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis (Hebreo 5:8). Ang Bibliya ay nagtuturo sa atin ng kahalagahan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos. Salmo 119:4-5

✅3. Katuwiran (Righteousness).
Sa pamamagitan ng pagsasapuso ng Salita ng Diyos, maaari nating maiwasan ang mali at mga masasamang gawain. Salmo 119:9

✅4. Kaalaman at Karunungan (Knowledge and Wisdom).
Upang lumago sa ating kakayahang gumawa ng matalinong pagpapasya, dapat na tayo’y buong sikap na maghangad ng kaalaman at karunungan, na naglalaan ng panahon sa Salita ng Diyos at sa pagkilala sa katangian at puso ng Diyos. Salmo 119:130

✅5. Pag-asa (Hope).
Ang kaaway natin, si Satanas, ay nagnanais na tayo’y makaramdam ng kawalan ng pag-asa, pagdududa at pagkadismaya sa maraming bagay. Ngunit ang Banal na Bibliya ay nagbibigay ng inspirasyon at kalakasan sa mga bumabasa nito upang huwag mawalan ng pag-asa kundi magkaroon ng sapat na pananalig sa Diyos na tayo’y hindi Niya kailanman pababayaan o kalilimutan. Salmo 119:74

B. ANO ANG MATIBAY NA PANINIWALA NG MGA CRISTIANO TUNGKOL SA BIBLIYA?

✅✅1. Ang Bibliya ay nagpapakilala ng eksakto at kompletong kalooban ng Diyos na inihayag sa sangkatauhan.
Mateo 28:18-20 Hebreo 1:1-3
2 Timoteo 3:16-17 Santiago 1:22

✅✅2. Ang Bibliya ay pagkaing espirituwal na tumutulong sa atin upang lumago sa espirituwal na kalagayan, na kung wala ito ay mamamatay tayo (Hosea 4:6-9).
1 Pedro 2:1-2 Hebreo 5:11-14
Juan 4:31-34 Mateo 5:6

✅✅3. Ang Bibliya ay batayan ng tamang pagkakilala kay Cristo at sa kaniyang evangelio.
Mateo 28:18 Juan 20:30-31
Juan 12:46-48 1 Corinto 14:37-38

✅✅4. Ang Bibliya ay naglalaman ng makapangyarihang Salita ng Diyos.
Hebreo 4:12-13 Roma 1:16
Hebreo 11:3 Juan 8:31-32

✅✅5. Ang Bibliya ay kayang maunawaan ng mga may-tiyaga sa pag-aaral nito.
Colosas 3:16 2 Pedro 3:16
1 Tesalonica 5:27 Pahayag 1:3

C. ANONG URI NG PUSO ANG DAPAT KONG TAGLAYIN SA PAG-AARAL NG BIBLIYA?

❤1. Nagugutom na Puso (Hungry Heart).
Kinasasabikan ng mga sanggol ang gatas. Kung sila’y nagugutom, sila’y humihiyaw hanggang sa maibigay sa kanila ang inuming gatas. Bilang isang anak ng Diyos, ikaw ba’y nakakaramdam ng pagkagutom sa Salita ng Diyos? Nasasabik ka bang basahin at pag-aralan ang Banal na Bibliya? 1 Pedro 2:1-3

❤2. Mapagkumbabang Puso (Humble Heart).
Sa ating pag-aaral ng Bibliya, may pagkakataon na mahihirapan tayong unawain ang ating binabasa. Gaya ng isang eu**ch, aanyayahan mo rin ba ang isang “Felipe” na magpaliwanag sa iyo ng mga bagay tungkol sa Diyos? Gawa 8:30-31

❤3. Masunuring Puso (Obedient Heart).
Hindi sapat na basahin at pag-aralan lang natin ang Bibliya. Tayo’y dapat na tumalima sa aral na ating matututunan. Santiago 1:22
Tapusin ang pagbabasa ng Bibliya sa pagtatanong na gaya nito –
(a) Paano ko maisasabuhay ngayon ang mga talata?
(b) Ano ang mga dapat kong baguhin sa buhay?
(c) Paano ako mas mapapalapit sa Diyos?

❤4. Disiplinadong Puso (Disciplined Heart).
Ang epektibong pag-aaral ng Bibliya ay nagmumula sa buong sikap at disiplinadong pag-aaral sa Banal na Kasulatan. Gawin ito sa tahimik na lugar/kwarto sa itinakdang oras ng pagbabasa ng Bibliya. Maaari mong ipaalam sa iba na ang iyong pagbabasa ng Bibliya ay espesyal at hindi ka dapat istorbuhin o gambalahin maliban kung may emergency. Dapat nilang malaman na pinapahalagahan mo ang iyong oras sa pagbabasa ng Banal na Aklat. Mateo 6:33

❤5. Natuturuang Puso (Teachable Heart).
Ang pusong natuturuan ay bukas
sa tatlong P – Paghamon, Pagpuna, at Pagbabago. Hebreo 3:15

Sa tuwing ika’y magbabasa ng mga talata, tanungin ang sarili ng ganito:

🤔(a) Ano ang hamon (challenge) sa akin ng mga talata?

🤔(b) Ano ang nais punahin ng mga talata sa aking buhay?

🤔(c) Ano ang mga dapat kong baguhin sa buhay?

Sa ating Quiet Time, tayong mga Cristiano ay naglalaan ng oras sa pananalangin at sa pag-aaral ng Bibliya.

Mayroon ka na bang kopya ng Banal na Aklat?
Ito ba'y iyong napakikinabangan? Kung hindi, bakit hindi?

God bless you as you study the Holy Book.

10/05/2022

Not that easy, but God promised to be with you. He will not forsake you!
Heb 13:5

Address

Manila

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when He first loved us. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share