05/08/2026
Take a moment to read how Love Life Retreat touched the life of Marie ๐งก
โโโโโโโโโโโโโโโ
Before Love Life Retreat, akala ko kailangan kong maging strong all the time. Bilang teacher, gusto kong ibigay ang best ko sa students ko. Bilang anak, gusto kong maging maaasahan. Bilang servant, gusto kong laging present at available. Hanggang sa hindi ko na namalayang ako na pala ang nauubos.
One day, kahit walang nag-aya at wala akong kasamang kakilala, nag-sign up ako sa Love Life Retreat. Looking back, alam kong si Lord ang nagdala sa akin doon.
Sa LLR, hindi lang ako nagpahinga. Doon ko unang naranasan na hindi ko kailangang paghirapan ang pagmamahal ng Diyos. Hindi ko kailangang maging perfect o laging may napapatunayan para maging worthy. Mahal na pala ako ng Diyos, not because of what I do, but because I am His.
Akala ko noon, doon lang nagtatapos ang blessing ng LLR. Pero habang lumilipas ang mga taon, mas lalo kong naintindihan ang retreatโlalo na nang dumating ang ilan sa pinakamabibigat na season ng buhay ko.
Over the years, especially nitong mga nakaraang taon, dumaan ako sa mga panahong akala ko hindi ko kakayanin. There were moments of heartbreak, uncertainty, emotional exhaustion, and battles that tested my faith. May mga araw na pakiramdam ko ang bigat-bigat ng lahat. Pero doon ko nakita na ang mga natutunan ko sa LLR ay hindi lang para sa retreat, dala-dala ko pala sila sa totoong buhay.
Instead of facing everything alone, I learned to lean on God. Hindi ko na hinanap ang halaga ko sa achievements o sa approval ng ibang tao. Paulit-ulit akong pinaalalahanan ng Diyos na mahal Niya ako, kasama ko Siya, at hindi Niya ako iiwan.
Ngayon, nagseserve pa rin sa Singles Missions and Media Ministry. Hindi dahil wala na akong pinagdadaanan, kundi dahil naranasan ko kung gaano katapat ang Diyos sa gitna ng lahat. Every time I serve, itโs simply my response to the love that first found me.
Kung may itinuro sa akin ang Love Life Retreat, ito iyon: life doesnโt suddenly become easier after saying yes to God. But when you encounter His love, you realize you donโt have to carry your burdens alone.
Looking back, saying โyesโ to Love Life Retreat in 2017 became one of the best decisions I ever made. Hindi lang dahil sa nangyari noong weekend na iyon, kundi dahil hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ang pagmamahal na una kong naranasan doon. At sa bawat season ng buhay ko, masaya man o mahirap, God continues to remind me that I am loved, I am never alone, and I will always have a place to come home to.
Register Here before August 8:
https://forms.gle/jBLN241Q7rezauqi7
https://forms.gle/jBLN241Q7rezauqi7
https://forms.gle/jBLN241Q7rezauqi7
๐
August 22โ23, 2026
๐ Don Bosco Retreat House, Batulao, Batangas
๐งก Registration Fee: โฑ4,000