01/08/2026
ππππππππ: Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Our Lady of the Angels, ang Imahen ng Mahal na Birhen ng Loreto mula sa ating Parokya at Pambansang Dambana ay makikiisa sa Grand Marian Procession ng Basilica Minore de San Pedro Bautista, Diyosesis ng Cubao, sa San Francisco del Monte, Quezon City.
Linggo| Agosto 2, 2026| 3:00 N.H.| Banal na Misa, susundan ng Grand Marian Procession| Basilica Minore de San Pedro Bautista, Diyosesis ng Cubao, San Francisco del Monte, Quezon City
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa banal na pagdiriwang. Maaaring magdala ng kandila, magsuot ng puting kasuotan, at taimtim na makibahagi sa panalangin at Karakol bilang pagpapahayag ng ating pagmamahal at debosyon sa Mahal na Birhen.
Halinaβt samahan natin ang ating Patrona sa maringal na paglalakbay ng pananampalataya at panalangin.
Magalak sa Loreto, sa Loreto magalak!