24/08/2026
𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 | 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔
Ang ating mga puso ay buong-galak na nagpupuri sa Mahal na Inang Maria, ang huwaran ng pananampalataya, pagpapakumbaba, at walang-kapantay na pagmamahal. Sa pamamagitan ng kanyang matatag na pagtalima at dalisay na pag-ibig sa Diyos, patuloy siyang nagsisilbing liwanag at gabay sa ating paglalakbay patungo sa tunay na kabanalan.
Inaanyayahan namin ang lahat para na makiisa sa ating Marian Festival 2026!
Narito ang talaan ng ating mga gawain:
𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗛𝗔𝗟 (𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔𝗡 𝗘𝗫𝗛𝗜𝗕𝗜𝗧)
Pagpapasinaya: Linggo, Agosto 30, 2026 | 8:30 N.U.
Ang ating Marian Exhibit ay bukas tuwing Sabado at Linggo mula Agosto 30 hanggang Setyembre 27, 2026.
𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗬𝗔𝗠 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗠𝗜𝗦𝗔
Isasagawa ang Pagrorosaryo sa ganap na ika- 5:00 N.H. at susundan ng Nobena Misa sa ganap na ika-6:00 N.G.
Agosto 30 (Linggo) – Unang Araw ng Nobena Misa
Maria: Huwaran ng Pag-ibig
Agosto 31 (Lunes) – Ikalawang Araw ng Nobena Misa
Maria: Huwaran ng Kapakumbabaan
Setyembre 1 (Martes) – Ikatlong Araw ng Nobena Misa
Maria: Huwaran ng Pananampalataya
Setyembre 2 (Miyerkules) – Ikaapat na Araw ng Nobena Misa
Maria: Huwaran ng Pagtalima
Setyembre 3 (Huwebes) – Ikalimang Araw ng Nobena Misa
Maria: Huwaran ng Karunungan
Setyembre 4 (Biyernes) – Ikaanim na Araw ng Nobena Misa
Maria: Huwaran ng Katapatan
Setyembre 5 (Sabado) – Ikapitong Araw ng Nobena Misa
Maria: Huwaran ng Payak na Pamumuhay
Agad itong susundan ng ating Mañanita sa ganap na ika-7:00 N.G.
Setyembre 6 (Linggo) – Ikawalong Araw ng Nobena Misa
Maria: Huwaran ng Pagkamahabagin
Ang ating Banal na Misa sa araw na ito ay sa ganap na ika-5:00 N.H. na agad susundan ng Maringal na Prusisyon sa ganap na ika-6:00 N.G.
Setyembre 7 (Lunes) – Ikasiyam na Araw ng Nobena Misa
Maria: Huwaran ng Kadalisayan
𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔
Setyembre 8, 2026 (Martes)
• 5:00 N.H. – Banal na Rosaryo
• 6:00 N.G. – Banal na Misa Alay sa Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria
Sama-sama nating ihanda ang ating mga sarili sa patuloy na pagbibigay-pugay sa ating Mahal na Ina
Viva La Virgen!