Hijos Del Nazareno - Central

Call Directions

Hijos Del Nazareno - Central The Official Page of Hijos Del Nazareno - CENTRAL
Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno Headed by HDN Central President: Bro. John the Baptist.

ARNEL IRASGA

The Black Nazarene, known to devotees as (Spanish: Nuestro Padré Jesús Nazareno) ("Our Father Jesus Nazarene") in English, is a life-sized, dark-coloured, wooden sculpture of Jesus Christ, believed to be miraculous by many Filipino devotees. The Black Nazarene is currently enshrined in the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, Manila, Philippines. The Feast of the Black Nazarene is celebrated every January 9, with the weekly Friday Novena Masses held in its honour beginning on the first Friday of the year. The statue's original carver is an anonymous Mexican carpenter, and the image arrived in the Islands via galleon from Acapulco, Mexico. Folk tradition attributes the colour of the Black Nazarene to a fire on the ship carrying it, charring the image from its original fair tone into its present dark complexion. The image was brought to the Philippines by the Augustinian Recollect Missionaries on May 31, 1606. It was initially enshrined in the first Recollect church in Bagumbayan (now part of Rizal Park). On September 10, 1606, the church was inaugurated and placed under the patronage of St. In 1608, the image was transferred to the second bigger Recollect church of San Nicolas de Tolentino built in Intramuros. Between 1767 and 1790, the Archbishop of Manila, Basilio Sancho de Santas Justa y Rufina, ordered the transfer of the Black Nazarene to its present location within the Quiapo church. Today, the image borne in procession consists of the original body of the Black Nazarene connected to a replica of the head, while the original head portion of the statue remains on a replica of the body enshrined within the high altar of the basilica. An exception to this setup was during the 2007 feast, where both the original head and the body were combined in celebration of the Black Nazarene's 400 year history.

24/09/2026

Inaanyayahan po Tayo!

Tara na, NatCon na!

Isang mapagpalang Biyernes ng Debosyon at Pagninilay sa ating lahat!Sa ating patuloy na paglalakbay sa buhay, madalas ta...
24/09/2026

Isang mapagpalang Biyernes ng Debosyon at Pagninilay sa ating lahat!

Sa ating patuloy na paglalakbay sa buhay, madalas tayong makaramdam ng pagod, panggigipit, at panghihina sa gitna ng mga pagsubok. Ngunit sa Banal na Misa ngayong araw, muli tayong ipinaaalala ng Poong Hesus Nazareno: "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagod at nabibigatan, at kayo'y pagpapahingalin ko." (Mateo 11:28)

Bilang mga misyonerong disipulo at mga anak ng Jesus Nazareno, ang Banal na Eukaristiya ang siyang tunay na puso ng ating debosyon at ang bukal ng ating lakas upang magpatuloy. Sa pamamagitan ng Kanyang salita at pag-ibig, tinatawag tayo hindi lamang upang tumanggap ng biyaya, kundi upang maging liwanag din sa ating pamilya, komunidad, at lipunan.

Magpasalamat sa Poong Nazareno sa patuloy na paggabay, pagpapatawad, at pagbibigay sa atin ng panibagong pag-asa. Nawa'y baunin natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ang Kanyang aral at manatili tayong matatag sa pananampalataya.

Mga Pagninilay at Paanyaya:

Debosyon: Patuloy na lumapit sa Poong Nazareno sa araw-araw na panalangin at pagsamba.

Traslacion: Alalahanin at makiisa sa paghihirap ng Poong Nazareno bilang simbolo ng ating pananampalataya at pagtitiis.

Misyon: Maging saksi ni Cristo sa ating pamilya, komunidad, at buong lipunan.

📢 PARISH-WIDE MONTHLY FORMATIONMuli po tayong magsama-sama sa ating Buwanang Paghuhubog ngayong darating na Martes, Sety...
20/09/2026

📢 PARISH-WIDE MONTHLY FORMATION

Muli po tayong magsama-sama sa ating Buwanang Paghuhubog ngayong darating na Martes, Setyembre 22, 2026!

Samahan po natin ang ating invited speaker na si Ms. April Baybayon (Catechist, Diocese of Cubao) para sa isang makabuluhang talakayan sa temang:

✨ "Bawat Deboto, Katekista" ✨

Inaanyayahan ang lahat ng mga pamunuan, miyembro ng iba't ibang ministri, at mga deboto na makibahagi at patuloy na lumago sa ating pananampalataya.

🗓 Kailan: Martes, Setyembre 22, 2026
⏰ Oras: 7:00 PM
📍 Saan: Quiapo Church

Kita-kits po tayo!

Paghubog sa Kabataang Lingkod: Hijos del Nazareno Central - Kabataan, Nagtipon para sa Isang Makabuluhang General Meetin...
20/09/2026

Paghubog sa Kabataang Lingkod: Hijos del Nazareno Central - Kabataan, Nagtipon para sa Isang Makabuluhang General Meeting

QUIAPO, MANILA — "Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan" (Kawikaan 22:6).
Ang verses na ito ang naging gabay at puso ng ginanap na General Meeting ng Hijos del Nazareno Central - Kabataan.

Isang mahalagang hapon ito ng kwentuhan, pagkatuto, at pagpapalalim ng pananampalataya. Para sa mga kabataang lingkod, ipinaalala sa amin na ang pagsamba at paglilingkod sa Dambana ni Jesus Nazareno ay hindi lang basta tungkulin o pagpunta sa simbahan—isa itong buhay na halimbawa. Habang bata pa, mahalagang matutunan natin ang tama para maging inspirasyon din tayo ng kabutihan sa iba.

Puso ng Pagsamba: Mula sa Dasal Hanggang sa Kilos

Naging pangunahing paksa sa pagpupulong ang wastong daloy ng pagsamba, ang tamang gawi sa pananalangin, at ang mga dapat at hindi dapat gawin (Do's and Don'ts) kapag tayo ay naglilingkod.

Ang Tamang Pakikipag-usap sa Diyos (Worship & Prayer)

Bilang bahagi ng Worship, trabaho natin ang magbahagi ng kaalaman kung ano ang tama pagdating sa ating pananampalataya. Ang panalangin ay hindi lang pagsasaulo ng mga dasal, kundi isang tapat na pakikipag-usap sa Ama.

Paghahanda ng Puso: Bago magsimula ang anuman sa Simbahan, mahalagang malinis at nakatuon ang ating isip at puso sa Panginoon.

Maging Ehemplo: Ang bawat galaw ng isang Hijos o kabataang lingkod sa loob ng simbahan ay pinagmamasdan ng mga deboto. Kaya naman mahalagang kitang-kita sa atin ang paggalang at dedikasyon sa Misa at mga gawain.

Isang Taus-pusong Pasasalamat

Hindi magiging matagumpay at makabuluhan ang tipon na ito kung wala ang patuloy na paggabay at pagmamahal ng ating mga nakatataas na opisyal at namumuno sa kabataan.

Maraming-maraming salamat kina:

Pres Val Samia

Chairman Ronald Lacson

Vice Chair Cyrus Sierda

Kabataan Headlay/Servant Leader:
John Vincent Irasga

Salamat sa inyong oras, tiyaga, at pagbabahagi ng kaalaman upang mas mapagbuti pa ng kabataan ang kanilang paglilingkod sa Dambana.

Sa ating mga kabataan, patuloy nating ipasa ang liwanag at kabutihang natututunan natin. Maglingkod tayo nang may pagmamahal para sa Poong Hesus Nazareno!

Sa Diyos lahat ng Kapurihan!

- Marion Allen Albaladejo
Chairman of Worship HDN Central

VIVA LA VIRGEN! VIVA EL DIVINO ROSTRO! 🌹✨Mga kapatid at kapwa deboto, nakiisa ang buong samahan ng Hijos del Nazareno - ...
19/09/2026

VIVA LA VIRGEN! VIVA EL DIVINO ROSTRO! 🌹✨

Mga kapatid at kapwa deboto, nakiisa ang buong samahan ng Hijos del Nazareno - Central sa pagdiriwang ng Kapistahan ng ating mahal na Ina, ang Our Lady of Peñafrancia!

Sa gitna ng ating mga pagsubok sa buhay, muli tayong pinaaalalahanan ng ating Mahal na Ina na hindi tayo kailanman nag-iisa. Sa Kanyang mapagkalingang mga kamay, inilalapit Niya ang ating mga panalangin at pagsamo sa Ating Panginoong Hesus Nazareno.

Atin pong isapuso ang panalangin para sa araw na ito:

“Ina, Nuestra Señora de Peñafrancia, ipagkalooban Mo po kaming lahat ng Iyong mga deboto ng patuloy na pananampalataya, pagmamahal at gabay sa araw-araw.”

Nawa'y maging inspirasyon natin ang Kanyang halimbawa ng ganap na pagtalima at pagmamahal sa Diyos upang tayo rin ay maging masunuring mga anak at matapat na lingkod ng Nazareno.

Sama-sama tayong manalangin para sa kapayapaan ng ating mga pamilya, kaligtasan ng ating bayan, at pagpapatibay ng ating pananampalataya.

IKATLONG LINGGO NG BUWAN | MAGDIWANG NG BANAL NA MISASa Ikatlong Linggo ng Buwan, muli tayong inaanyayahan na magtipon b...
19/09/2026

IKATLONG LINGGO NG BUWAN | MAGDIWANG NG BANAL NA MISA

Sa Ikatlong Linggo ng Buwan, muli tayong inaanyayahan na magtipon bilang isang sambayanan ng mga deboto at mananampalataya upang makiisa sa Banal na Misa.

Sa pamamagitan ng Salita ng Diyos at ng Banal na Eukaristiya, nawa’y patuloy nating matutuhan ang pagtitiwala sa Panginoon, pagkilala sa Kanyang biyaya, at pagiging bukas-palad sa ating kapwa.

Debosyon. Traslacion. Misyon.
Bilang mga Misyonerong Disipulo, patuloy nating isabuhay ang ating pananampalataya hindi lamang sa pananalangin, kundi higit sa lahat sa paglilingkod.

Nazareno Kong Mahal, Ikaw ang Aking Lakas at Kanlungan. 🙏🖤

ARAW NG BIYERNES | ARAW NG DEBOSYON | ARAW NG QUIAPONgayong Biyernes, muli tayong inaanyayahan na ilaan ang ating panaho...
18/09/2026

ARAW NG BIYERNES | ARAW NG DEBOSYON | ARAW NG QUIAPO

Ngayong Biyernes, muli tayong inaanyayahan na ilaan ang ating panahon sa panalangin, pagsamba, at pasasalamat sa Mahal na Poong Jesus Nazareno. 🙏

Sa gitna ng ating mga pagod, pagsubok at pang-araw-araw na buhay, lumapit tayo sa Poong Nazareno at manalig sa Kanyang pag-ibig at habag.

Tayo ay tinawag, tayo ay Kanyang pinagpala.
Debosyon • Traslacion • Misyon
Misyonerong Disipulo

— Hijos del Nazareno Central

Ang Hijos del Nazareno Central ay buong paggalang at taos-pusong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa b...
17/09/2026

Ang Hijos del Nazareno Central ay buong paggalang at taos-pusong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay ng ating kapatid na si Francisco “Boy” Berbano, isang kasapi ng ating kapatiran at deboto ng Poong Jesus Nazareno, na pumanaw na.

Sa kanyang pagyao, nakikiisa ang buong Hijos del Nazareno Central sa pagdadalamhati ng kanyang pamilya. Ang kanyang pagiging bahagi ng ating kapatiran ay mananatiling isang mahalagang alaala sa ating lahat.

Sa pagkakataong ito ng pagluluksa, buong pagpapakumbaba nating itinataas sa panalangin ang kanyang kaluluwa. Nawa’y sa pamamagitan ng walang hanggang awa ng Poong Jesus Nazareno ay ipagkaloob sa kanya ang kapahingahan at buhay na walang hanggan.

Poong Jesus Nazareno, tanggapin Mo po ang kaluluwa ng aming kapatid na si Francisco “Boy” Berbano sa Iyong mapagmahal na piling.

Sa pamilya at mga naiwan niya, nawa’y pagkalooban kayo ng Panginoon ng lakas, kapanatagan, at pag-asa sa gitna ng inyong pagdadalamhati.

Mula sa buong pamunuan at kasapian ng Hijos del Nazareno Central, kami ay taos-pusong nakikiramay.

Requiescat in Pace. 🕯️🙏

HIJOS DEL NAZARENO CENTRAL
Debosyon • Traslacion • Misyon

15/09/2026

Sa katatapos lamang na 11th Year Anniversary ng Central Collectors, ipinagdiwang nila ang kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng isang

Outreach Program at Food Feeding Activity bilang pagpapakita ng kanilang pasasalamat at pagbabahagi sa mga nangangailangan.

Isang simpleng paraan ng pagdiriwang na may kasamang pagmamahal, pagtutulungan, at paglilingkod sa kapwa. 🙏❤️

Sa naganap na 11th Year Anniversary ng Central Collectors kamakailan,  kinilala at pinarangalan ang mga official ng CCS ...
15/09/2026

Sa naganap na 11th Year Anniversary ng Central Collectors kamakailan, kinilala at pinarangalan ang mga official ng CCS na umabot na sa 10 taon ng tapat na paglilingkod sa Simbahan ng Quiapo.

Maraming salamat sa inyong patuloy na dedikasyon, sakripisyo, at paglilingkod. Nawa’y lalo pang patibayin ng Diyos ang inyong pananampalataya at gabayan kayo sa patuloy ninyong paglilingkod sa Simbahan at sa ating kapwa.

Mabuhay ang mga lingkod ng Diyos! 🙏❤️

Address

Manila

Telephone

+639951230665

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hijos Del Nazareno - Central posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share