10/05/2026
Regalo at Ilaw ng Tahanan
by SRGCI Youth
Ngayong araw na ito,
kami’y nagtitipon,
upang parangalan ang mga ilaw ng tahanan.
Aming mga nanay.
Sino ang unang yumakap sa atin?
Sino ang unang nag-alaga?
Sino ang unang nanalangin para sa atin?
Si Nanay.
Sino?
Si Nanay.
Mula pagkabata,
lagi mo kaming inaalalayan.
Kapag kami’y nasasaktan,
ikaw ang nagpapalakas.
Kapag kami’y nagkakamali,
ikaw ang nagtutuwid.
At kapag kami’y nanghihina,
ikaw ang unang umaalalay.
Hindi man madali ang pagiging ina,
hindi ka– sumuko.
Sa pagod at puyat…
Sa tahimik na sakripisyo…
Sa mga panahong inuuna mo kami bago ang sarili mo…
Patuloy kang nagmamahal.
Nanay…
maraming pagkakataon na hindi namin nasasabi ang “salamat.”
Maraming beses din na hindi namin napapansin ang iyong sakripisyo.
Pero ngayon,
nais naming iparating...
Mahal ka namin, Nay.
Salamat sa pag-aaruga.
Salamat sa pagtitiis.
Salamat sa walang sawang pag-unawa.
At higit sa lahat,
salamat dahil naging daan kayo upang makilala namin ang Panginoon.
Tunay ngang ang isang ina ay regalo mula sa Diyos.
Kaya sa araw na ito,
aming panalangin...
patuloy kayong palakasin ng Panginoon,
ingatan araw-araw,
at punuin ng kagalakan ang inyong puso.
Mahal namin kayo!
At nagpapasalamat kami sa Diyos
dahil ibinigay Niya kayo sa amin!
Sa lahat ng ina, nanay, mama, mommy
At sa mga tumatayong ina...
Happy Mother's day!