29/10/2020
TITLE: STEWARDSHIP PRINCIPLES
Mateo 25:14 "Sapagkat tulad ng isang tao na maglalakbay, tinawag niya ang kanyang sariling mga alipin, at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang mga ari-arian."
MENSAHE:
Pag-aralan natin ang "Talinghaga tungkol sa mga aliping pinagkatiwalaan ng salapi" na mababasa sa Mateo 25:14-30 TALINHAGA TUNGKOL SA TATLONG ALIPIN
14 Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang taong maglalakbay. Kaya’t tinawag niya ang kanyang mga tauhan at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. 15 Binigyan niya ng salaping ginto ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Binigyan niya ang isa ng limanlibong salaping ginto, ang isa namaý dalawang libong salaping ginto, at ang isa ay isanlibong salaping ginto. Pagkatapos nito, siya ay umalis. 16 kumilos agad ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal iyon. Kumita siya ng limanlibong salaping ginto. 17 Gayundin naman, ang tumanggap ng dalawang libong salaping ginto ay kumita pa ng dalawang libong salaping ginto. 18 Ngunit ang tumanggap ng isanlibong salaping ginto ay humukay sa lupa at itinago ang salaping ginto ng kanyang panginoon.
19 Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga tauhang iyon at silaý nag-ulat. 20 Lumapit ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at sinabi, ‘Panginoon, ito po ang limalibong salaping ginto na iniwan ninyo sa akin. Heto naman po ang limanlibong salaping ginto na tinubo nito.’
21 Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Halika, makihati ka sa aking kagalakan. Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t gagawin kitang tagapamahala ng malaking halaga.’
22 Lumapit din ang tumanggap ng dalawang libong salaping ginto at ang sabi, ‘Panginoon, ito po ang iniwan ninyo sa aking dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang dalawang libong salaping ginto na tinubo nito.’
23 “Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita ng malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!’
24 Lumapit naman ang tumanggap ng isanlibong salaping ginto at sinabi, ‘Alam ko pong kayoý mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik. 25 Natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang salaping ginto. Heto po ang salaping iniwan ninyo sa akin.’
26 Masama at tamad na lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko tanim at inaani ko ang hindi ko hinahasik, 27 bakit hindi mo na lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahi’t paanoý may tinubo sana ito! 28 Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong salaping ginto at ibigay sa may sampung libong salaping ginto. 29 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa at mananagana; ngunit ang wala kahit kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 30 Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan! Dooý mananangis siya at mangngangalit ang kanyang mga ngipin.
Isang pagkakatiwala ang buong buhay. All of life is a stewardship -- we do not own anything. GOD owns everything.
Ang buhay natin mismo ay hindi natin pag-aari. Ipinahiram lamang ito ng DIYOS kung kaya't kailangang gamitin natin ito ayon sa KANYANG kagustuhan. Sinasabi sa 2 Corinto 1:21-22, "Ang DIYOS ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay CRISTO, at siya rin ang humirang sa amin. Nilagyan niya kami ng kanyang tatak at pinagkalooban ng kanyang Espiritu bilang patunay na tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako."
Nagkaroon tayo ng halaga hindi dahil sa tayo'y mamahalin. Nagkaroon tayo ng halaga sapagkat inari tayo ng DIYOS na KANYA. A piece of property can become valuable not because of it’s inherit value but because an important person owns it. Minsan ay nabasa ko ang isang balitang ang pares na salamin ni John Lennon ng bantog na bandang Beatles ay nabili nang $1.5 million dollar. Ordinaryong salamin lamang iyon pero nabili sa gayon kalaking halaga, sapagkat iyon ay minsang pag-aari ni John Lennon. Sapagkat tayo'y inari ng DIYOS sa pamamagitan ni CRISTO, wala nang kapantay ang ating halaga.
Ito ang malungkot -- bagamat tunay tayong pinahahalagahan ng DIYOS, sa maraming pagkakataon, hindi natin SIYA pinahahalagahan bilang DIYOS at PANGINOON ng lahat ng nilikha. Ipinagkatiwala sa atin ang kapamahalaan sa lahat ng nilikha subalit hindi tayo nakaabot sa inaasahan NIYA sa atin, maging sa sarili nating buhay. Kaya nga kailangan pang isugo ang Bugtong na ANAK upang mailigtas ang buhay na ito sa tiyak na kapahamakan.
Ayon sa 1 Tesalonica 2:4, "Sapagkat minarapat ng DIYOS na ipagkatiwala sa amin ang Magandang Balita, nangangaral kami sa inyo, hindi upang bigyang-kasiyahan tao, kundi ang DIYOS na, nakakasiyasat ng ating puso." Sapagkat tayong lahat ay mga katiwala, kailangang unawain natin at ipamuhay ang mga prinsipyo ng mabuting pagkakatiwala tulad ng mga sumusunod:
STEWARDSHIP IS NOT EQUALITY OF GIFTS BUT ABOVE EQUALITY OF OPPORTUNITIES. Ang isang tauhan ay pinagkalooban ng limanlibong salaping ginto. Ang isa nama'y dalawang libong salaping ginto. At ang isa pa'y isanlibong salaping ginto. Hindi pare-pareho ang ipinagkaloob ngunit sila'y pinagkalooban ayon sa kanilang kakayahan. Ang mahalaga rito, lahat ay binigyan ng oportunidad -- walang pinagkaitan. Huwag ipagdaramdam kung mas maraming talento ang ipagkaloob sa iba. Ang mahalaga, tiyak na may talentong ipagkakaloob sa iyo. At kung ano iyon, ipagpasalamat mo at gamiting mabuti.
STEWARDSHIP IS NOT ABOUT CONTROL BUT ABOUT TRUST. Pagkatapos na maipagkaloob ang mga salaping ginto, umalis kaagad ang amo. Hindi niya binantayan ang kanyang mga tauhan. Bilang mga mabuting katiwala, kailangang ginagawa nating mabuti ang ating trabaho kahit walang nakakakita; kahit wala ang boss. Hindi mangyari sa atin iyong kasabihan, "When the cat is away, the mice will play." Kailangang lagi tayong may strong sense of responsibility. Maraming Pilipino ang sumusunod lang sa batas kapag may nanghuhuli. Sa traffic, halimbawa, marami ang hindi hihinto kahit na red light na kung walang nanghuhuli. Bago natin gawin ang isang bagay, itanong muna natin, "Makapagbibigay-lugod ba ito sa DIYOS?"
STEWARDSHIP IS NOT ABOUT SAVING BUT ABOUT INVESTING. Ang dalawang tauhan ay pinuri ng amo sapagkat ipinangalakal nila ang mga salaping ginto. Iyong huli'y pinagalitan at pinalayas dahil ang tangi niyang ginawa ay itinago ang mga salaping ginto. Bilang mabuting katiwala, kailangang maparami natin ang mga bagay na ipinagkatiwala sa atin. GOD is not interested about our savings. GOD is interested about our investments. Ang itatanong NIYA'Y kung paano natin sinikap palaguin ang mga bagay na ipinagkatiwala NIYA sa atin.
May dalawang batas sa pamumuhunan o investments:
Una, kailangang mabilis ang pagkilos. Sabi sa Mateo 25:16a, "Kumilos agad ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal iyon." Bilang mabuting katiwala, hindi pwedeng pautay-utay; hindi pwedeng pakuya-kuyakoy; hindi pwedeng natutulog sa pansitan.
Ikalawa, kailangang matutong makipagsapalaran o mag take ng risk. Gusto ng DIYOS ang mga risk-takers; iyong mga taong hindi natatakot sa mga bagong gawain. Iyong mga taong pinagkalooban ng limang libo at dalawang libong salaping ginto ay nag-take ng risk, at dumoble ang kanilang puhunan. Iyong pinagkalooban ng isang libo, naniguro. Itinago niya ang salaping ginto at ibinalik niya ito sa kanyang amo nang buo -- walang labis, walang kulang. Pero sinermunan siya nang husto. Hindi lang sinermunan, ipinatapon pa.
STEWARDSHIP DEMANDS ACCOUNTABILITY. Hindi nga binantayan ng amo ang kanyang mga tauhan. Pero sabi sa Mateo 25:19, “Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga tauhang iyon at silaý pinag-ulat.” Sabi sa Roma 14:12, “Kaya, pananagutan natin sa Diyos ang mga bagay na ating ginagawa.”
STEWARDSHIP GUARANTEES REWARDS. Ang stewardship ay kumikilala at nagpapahalaga sa pagsisikap. Sabi ng amo sa verse 21, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Halika, makihati ka sa aking kagalakan. Nagiing tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala sa malaking halaga.”
Tatlong uri ng rewards ang binabanggit dito:
1. Commendation—sabi noong amo sa dalawang tauhan, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod!” kung tayoý magiging mabuting katiwala, pupurihin tayo ng Panginoon. Pararangalan tayo ng Panginoon. Kung hinahangad natin ang plaque of appreciation mula sa tao, lalong dapat nating hangarin ang plaque of appreciation mula sa Diyos. Itoý isang malaking plakeng hindi nasisira.
2. Promotion—sabi noong amo sa dalawang tauhan, “Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala ng malaking halaga.”
Sa anumang opisina, maaari lamang tayong pagkalooban ng malaking responsibilidad kung naging tapat tayo sa maliit na responsibilidad. Kung doon sa maliit ay naging pabaya tayo, paano tayo pagkakatiwalaan ng Panginoon. He won’t stop giving us bigger responsibilities if He finds us faithful.
3. Commission—sabi noong amo sa dalawang tauhan, “Halika, makihati ka sa aking kagalakan.” Ibig sabihin, hahatian sila sa pakinabang. Iyong tumubo ng limanlibo, bibigyan ng dalawang libo, bibigyan ng isang libo. Fair enough, isn’t it? Pero ang Diyos, mas galanteng magbigay sa katiwala. Anumang gawin nating paglilingkod sa Diyos, gagantihan niya ng biyayang hindi natin kayang bilangin ni isipin man.
Ang tagumpay ng anumang gawain ay nakasalalay sa pagiging mabuting katiwala. Ang pagiging mabuting katiwala ay hindi isang option. Itoý marching order. Hindi pwedeng tanggihan—kailangang gawin, hindi bukas, ni sa isang lingo, kundi ngayon na. kung hindi, humanda tayong tanggapin ang dinanas ng di-tapat na katiwala. Inutos ng kanyang panginoon, “Ang aliping walang pakinabang ay itapon sa kadiliman sa labas. Doon ay magkakaroon ng pagtangis at pangangalit ng ngipin.” Nasa atin ang pagpili.
PANALANGIN:
Aming Ama na nasa langit, gamitin nawa naming nang buong katapatan ang mga ipinagkaloob mong kakayahan upang makapag-bigay loob po sa iyo. matagpuan mo nawa kaming ginagamit ang kaloob mo nang buong husay upang handa kami sa pagsusulit sa takdang panahon, salamat po sa buhay na ito na iyong ipinagkatiwala at sa pamamahala ng lahat ng iyong nilikha. Salamat din po na handa mong ibigay kapag natagpuan mo kaming nagsisikap na palaguin ang mga ipinagkatiwala mong talent at pati ang aming tinatangkilik. Sa pangalan po ni Jesus na aming Panginoon at Tagapagligtas. Amen at Amen.