Ministry of Altar Servers - Archdiocesan Shrine of Espiritu Santo

Ministry of Altar Servers - Archdiocesan Shrine of Espiritu Santo The Official page of the Ministry of Altar Servers of the Archdiocesan Shrine of Espiritu Santo

Tanghaliang-Tapat ๐Ÿ•› | MonDEI ๐Ÿ‘‘Latin ang opisyal na wika ng ating Simbahang Katolika. Kaya naman ngayong ๐Œ๐จ๐ง๐ƒ๐ž๐ข, oras na ...
07/09/2026

Tanghaliang-Tapat ๐Ÿ•› | MonDEI ๐Ÿ‘‘

Latin ang opisyal na wika ng ating Simbahang Katolika. Kaya naman ngayong ๐Œ๐จ๐ง๐ƒ๐ž๐ข, oras na para matuto tayo ng mga salitang humuhubog at nagbubuklod sa ating pananampalataya. Tara! Ating alamin!

+ + + + +

๐€๐•๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€, ๐†๐‘๐€๐“๐ˆ๐€ ๐๐‹๐„๐๐€

๐Ÿ—ฃ๏ธ ๐๐ข๐ ๐ค๐š๐ฌ:
/AH-veh mah-REE-ah GRAH-tsee-ah PLEH-nah/

๐ˆ๐ง๐ ๐ฅ๐ž๐ฌ:
"Hail Mary, full of grace"

๐“๐š๐ ๐š๐ฅ๐จ๐ :
"Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya"

Ang mga salitang ito ay nagmula sa bati ng Anghel Gabriel kay Maria noong ipahayag sa kaniya na siya ang magiging Ina ng ating Tagapagligtas. Ito ang panimulang linya ng ating kilalang dasal na "Aba Ginoong Maria" na nagpapaalala sa atin sa natatanging biyaya at kalinisan na ipinagkaloob ng Diyos kay Maria.

Sa tuwing binibigkas natin ang katagang ito, ipinagdiriwang natin ang dakilang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Nagbibigay rin ito sa atin ng inspirasyon na maging bukas at buong-pusong magsabi ng "oo" sa kalooban ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay.

Mas nagiging espesyal din ang katagang ito dahil bukas, Setyembre 8, ipinagdiriwang natin ang Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria. Isang magandang pagkakataon ito upang iparamdam natin ang ating pagmamahal, paggalang, at pasasalamat sa ating Ina sa langit.

Friend-tecost, drop ka naman ng "Happy Birthday Mama Mary" sa comment section!

Pubmat and Description by: Bro. James Tucay









Then and now! ๐ŸซถAfter moving to Canada in 2023, Dredd and Cast are back in the Philippines for a quick vacation and got t...
06/09/2026

Then and now! ๐Ÿซถ

After moving to Canada in 2023, Dredd and Cast are back in the Philippines for a quick vacation and got to serve with us again.

Some things may change (Cast's height and hairstyle for example), but it's great to have the Chavez brothers back at the altar, even just for a bit!

Tanghaliang-Tapat ๐Ÿ•› | Notes from the Sanctuary โ›ชNarito na naman tayo para isang pagninilay mula sa Santuario, isang pagb...
06/09/2026

Tanghaliang-Tapat ๐Ÿ•› | Notes from the Sanctuary โ›ช

Narito na naman tayo para isang pagninilay mula sa Santuario, isang pagbabahaging makabago, ang ๐๐จ๐ญ๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐ซ๐จ๐ฆ ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ง๐œ๐ญ๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ! Sa bawat Misang ipinagdiwang natin ngayong araw, may mga mensahe sa homilya na patuloy na nangungusap sa atin. Ang mga katagang ito ay magsilbi nawang espirituwal na baon at gabay ng bawat isa sa atin sa pagharap sa panibagong linggo.

โ€œDiyos ang may lalang ng lahat upang maging tapat tayo sa pangangalaga sa daigdig na Kanyang ipinagkatiwala sa atin. Dapat panumbalikin natin ang kaayusan ng mundo.โ€

Rev. Msgr. Nestor Cerbo
Attached Priest, PASES
Misa sa ika-9:00 ng umaga

Ipinapaalala sa atin ng pagninilay ngayong araw na ang sangnilikha ay hindi lamang para ating gamitin, kundi isang biyayang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Bilang Kanyang mga nilikha, tinatawag din tayong maging mabuting katiwalaโ€”hindi lamang para sa ating sarili, kundi para sa mga susunod na salinlahi na makikinabang din sa mundong ipinagkaloob sa atin.

Ang panunumbalik ng kaayusan ng mundo ay nagsisimula sa ating mga sariling pagkilos. Hindi man natin kayang baguhin agad ang buong mundo, maaari tayong magsimula sa mga simpleng hakbang: pag-iwas sa pag-aaksaya, wastong pagtatapon ng basura, pangangalaga sa kalikasan, at higit sa lahat, pagkilala na ang bawat bahagi ng sangnilikha ay may halaga sapagkat ito ay nagmula sa Diyos.

Friend-tecost, bilang tagapangalaga ng sangnilikha, ano ang isang simpleng bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa panunumbalik ng kaayusan ng ating mundo?๐ŸŒฑ๐ŸŒ

Ibahagi ang iyong pagninilay sa ibaba o mag-comment ng โ€œAalagaan ko ang nilikha ng Diyos!โ€

Pubmat and Description by: Bro. Angelo Manait






Tanghaliang-Tapat ๐Ÿ•› | Notes from the Sanctuary โ›ชNarito na naman tayo para isang pagninilay mula sa Santuario, isang pagb...
06/09/2026

Tanghaliang-Tapat ๐Ÿ•› | Notes from the Sanctuary โ›ช

Narito na naman tayo para isang pagninilay mula sa Santuario, isang pagbabahaging makabago, ang ๐๐จ๐ญ๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐ซ๐จ๐ฆ ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐š๐ง๐œ๐ญ๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ! Sa bawat Misang ipinagdiwang natin ngayong araw, may mga mensahe sa homilya na patuloy na nangungusap sa atin. Ang mga katagang ito ay magsilbi nawang espirituwal na baon at gabay ng bawat isa sa atin sa pagharap sa panibagong linggo.

โ€œDiyos ang may lalang ng lahat upang maging tapat tayo sa pangangalaga sa daigdig na Kanyang ipinagkatiwala sa atin. Dapat panumbalikin natin ang kaayusan ng mundo.โ€

Rev. Msgr. Nestor Cerbo
Attached Priest, PASES
Misa sa ika-9:00 ng umaga

Ipinapaalala sa atin ng pagninilay ngayong araw na ang sangnilikha ay hindi lamang para ating gamitin, kundi isang biyayang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Bilang Kanyang mga nilikha, tinatawag din tayong maging mabuting katiwalaโ€”hindi lamang para sa ating sarili, kundi para sa mga susunod na salinlahi na makikinabang din sa mundong ipinagkaloob sa atin.

Ang panunumbalik ng kaayusan ng mundo ay nagsisimula sa ating mga sariling pagkilos. Hindi man natin kayang baguhin agad ang buong mundo, maaari tayong magsimula sa mga simpleng hakbang: pag-iwas sa pag-aaksaya, wastong pagtatapon ng basura, pangangalaga sa kalikasan, at higit sa lahat, pagkilala na ang bawat bahagi ng sangnilikha ay may halaga sapagkat ito ay nagmula sa Diyos.

Friend-tecost, bilang tagapangalaga ng sangnilikha, ano ang isang simpleng bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa panunumbalik ng kaayusan ng ating mundo?๐ŸŒฑ๐ŸŒ

Ibahagi ang iyong pagninilay sa ibaba o mag-comment ng โ€œAalagaan ko ang nilikha ng Diyos!โ€

Pubmat and Description by: Bro. Angelo Manait






Join Batch 2027 of our Aspirant Altar Servers!We are welcoming young men aged 10 to 15 who are eager to grow in faith an...
06/09/2026

Join Batch 2027 of our Aspirant Altar Servers!

We are welcoming young men aged 10 to 15 who are eager to grow in faith and serve our parish community.

Visit tinyurl.com/PASESAltarServers2027 or scan the QR code to fill out the form. A ministry officer will reach out to you shortly with more details.

If you have any questions, feel free to send a message to our page!

06/09/2026

MISA PARA SA PANGAMGALAGA SA SANGNILIKHA
Misa sa ika-9 ng umaga
Punong Tagapagdiwang: Msgr. Nestor Cerbo
-----------------------------------------------
For love offerings or donations, you may visit or contact our shrine office:
8-711-1332
For bank transfer, please deposit to:
Bank: China Bank Savings
Account Name: RCAM-ASES
Account Number: 6114-0000-1293
Help to restore our shrine.
Thank you for your support and generosity!
-----------------------------------------------
You may also visit our other social media accounts:
[Facebook] https://www.facebook.com/espiritusantoshrinemanila
[YouTube] https://www.youtube.com/

Tanghaliang-Tapat ๐Ÿ•› | SAINTurday ๐Ÿ˜‡May aral, may gabay, at may naratibong tunay. ๐’๐€๐ˆ๐๐“๐ฎ๐ซ๐๐š๐ฒ na; pakinggan ang bulong ng m...
05/09/2026

Tanghaliang-Tapat ๐Ÿ•› | SAINTurday ๐Ÿ˜‡

May aral, may gabay, at may naratibong tunay. ๐’๐€๐ˆ๐๐“๐ฎ๐ซ๐๐š๐ฒ na; pakinggan ang bulong ng mga santong may paalala.

Ang ating SAINTurday ngayong araw ay si ๐’๐ญ. ๐๐ž๐ซ๐ง๐š๐ซ๐ ๐จ๐Ÿ ๐‚๐ฅ๐š๐ข๐ซ๐ฏ๐š๐ฎ๐ฑ, isang pisang monghe, teologo, abbot, preacher, at Doctor of the Church noong ika-12 siglo. Tinaguriang "man of the twelfth century" sa Kanlurang Europa. Minsan sa kanyang buhay, binanggit niya ang mga katagang:

"๐‹๐จ๐ฏ๐ž ๐ฌ๐ž๐ž๐ค๐ฌ ๐ง๐จ ๐œ๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐›๐ž๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐ฌ๐ž๐ฅ๐Ÿ ๐š๐ง๐ ๐ง๐จ ๐Ÿ๐ซ๐ฎ๐ข๐ญ; ๐ข๐ญ ๐ข๐ฌ ๐ข๐ญ๐ฌ ๐จ๐ฐ๐ง ๐Ÿ๐ซ๐ฎ๐ข๐ญ, ๐ข๐ญ๐ฌ ๐จ๐ฐ๐ง ๐ž๐ง๐ฃ๐จ๐ฒ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ. ๐ˆ ๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž ๐›๐ž๐œ๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐ˆ ๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž; ๐ˆ ๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž ๐ข๐ง ๐จ๐ซ๐๐ž๐ซ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ˆ ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž."

โ€œAng pag-ibig ay hindi naghahanap ng dahilan sa labas ng sarili nito, ni hindi ito naghahangad ng anumang kapalit; sapagkat ang pag-ibig mismo ang bunga nito, at ang pag-ibig mismo ang kagalakan nito. Akoโ€™y umiibig sapagkat akoโ€™y umiibig; akoโ€™y umiibig upang patuloy akong umibig.โ€

Sa mundong sanay tayong magtanong kung โ€œAno ang makukuha ko?โ€ bago tayo magmahal, ibang landas ang ipinapaalala sa atin ni San Bernardo ng Clairvaux. ๐€๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ -๐ข๐›๐ข๐  ๐š๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ๐š๐ง, ๐ ๐š๐ง๐ญ๐ข๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š, ๐จ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐ข๐ญ. ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ข๐›๐ข๐  ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ข๐›๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ข๐›๐š; ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ข๐›๐ข๐  ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ -๐ข๐›๐ข๐  ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š.

Madalas, nagiging kondisyonal ang ating pagmamahal. Nagmamahal tayo kapag minamahal din tayo, tumutulong kapag napapansin tayo, at nagbibigay kapag may posibilidad na tayo rin ay makatanggap. Ngunit ang pag-ibig na tunay ay marunong magbigay kahit walang kasiguraduhan na may babalik. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ay hindi na lamang isang damdamin, kundi isang desisyong paulit-ulit nating pinipili.

Friendte-cost, hinihikayat tayo ni St. Bernard of Clairvaux na mamuhay nang ganito: umibig nang hindi palaging naghihintay ng kapalit. Matutong magmahal sa maliliit na bagayโ€”magpatawad kahit mahirap, tumulong kahit walang makakapansin, makinig kahit wala tayong mapapala, at maging mabuti kahit walang palakpak. Sapagkat kapag natutuhan nating magmahal nang hindi nakabatay sa ating matatanggap, mas nagiging malaya ang ating puso.

At higit sa lahat, matuto tayong umibig sa Diyos hindi lamang dahil sa mga biyayang hinihingi natin sa Kanya, kundi dahil Siya ay Diyos at Siya mismo ang ating minamahal. Nawa'y dumating tayo sa puntong masasabi natin: โ€œPanginoon, minamahal Kita hindi lamang dahil sa Iyong ibinibigay sa akin, kundi dahil Ikaw ay Ikaw.โ€

Sapagkat sa huli, ang pag-ibig na tunay ay hindi nagtatanong, โ€œAno ang kapalit?โ€ kundi buong pusong nagsasabing, โ€œAkoโ€™y umiibig sapagkat akoโ€™y umiibig.โ€

San Bernardo ng Clairvaux, ipanalangin mo kami, upang matuto kaming umibig ayon sa pagmamahal ng Diyosโ€”nang walang hinihintay na kapalit, nang may pusong marunong magbigay, magpatawad, at magmahal hanggang sa wakas. Amen.

Description by: Dexter M. Ocampo
Pubmat by: Dexter M. Ocampo









Tanghaliang-Tapat ๐Ÿ•› | MAS-Thur-Piece โœ’๏ธWelcome muli sa MAS-Thur-Piece o Ministry of Altar Servers Thursday Piece, kung s...
03/09/2026

Tanghaliang-Tapat ๐Ÿ•› | MAS-Thur-Piece โœ’๏ธ

Welcome muli sa MAS-Thur-Piece o Ministry of Altar Servers Thursday Piece, kung saan ating tinitignan ang mga simpleng bagay sa loob ng simbahan na may malalim palang kahulugan, hatid ng panulat at pagninilay ng mga kapwa natin sakristan.

+ + + + +

๐†๐š๐ฅ๐š, ๐†๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ? ๐’๐ข๐ฆ๐›๐š, ๐€๐ฒ๐š๐ฐ?
MAS-Thur-Piece by: Dexter M. Ocampo

Sa tuwing mayroong gala, lakad, alis, o bakasyon, bakit parang laging side quest lang ang pagsisimba? ๐๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ญ๐ข๐ฅ๐š ๐จ๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ข๐ญ๐จ, ๐š๐ญ ๐ค๐š๐๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ง ๐š๐ฒ ๐ข๐ฌ๐š ๐ฉ๐š ๐ง๐ ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฎ๐ง๐š๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฅ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐  ๐ค๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐จ๐ซ๐š๐ฌ?

May oras tayong magplano ng itinerary. May oras para bumiyahe, kumain, mamasyal, mag-picture, at gumawa ng mga alaala. Ngunit kapag ang oras ng Misa ay sumingit sa ating iskedyul, bakit parang ang unang tanong ay, โ€œPwede bang hindi na lang?โ€

๐Œ๐ข๐ง๐ฌ๐š๐ง, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐จ๐ซ๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ค๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ โ€”๐ฉ๐ซ๐ข๐ฒ๐จ๐ซ๐ข๐๐š๐.

Sinabi ni St. Leonard of Port Maurice: โ€œ๐™„ ๐™—๐™š๐™ก๐™ž๐™š๐™ซ๐™š ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฌ๐™š๐™ง๐™š ๐™ž๐™ฉ ๐™ฃ๐™ค๐™ฉ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ƒ๐™ค๐™ก๐™ฎ ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™จ, ๐™–๐™จ ๐™ค๐™› ๐™ฉ๐™๐™ž๐™จ ๐™ข๐™ค๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ฌ๐™ค๐™ง๐™ก๐™™ ๐™ฌ๐™ค๐™ช๐™ก๐™™ ๐™—๐™š ๐™ž๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™–๐™—๐™ฎ๐™จ๐™จ.โ€ Sa buhay Katoliko, ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐š๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐จ๐›๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ค๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง. ๐ˆ๐ญ๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐ฌ๐š๐ค๐ซ๐ข๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ง๐ข ๐Š๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ, ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š, ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข ๐ญ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฉ๐ข๐ญ ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ง๐š๐ ๐›๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ง๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐ข ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง.

Kung gayon, paano natin nagagawang ipagpaliban ang Misa para sa isang gala, isang lakad, isang bakasyon, o ilang oras ng kasiyahan?

Maganda na sa tuwing may mga hinaing at mabibigat na danas tayo sa buhay, Diyos ang una nating tinatawag at sinusumpungan. Kapag may problema, humihingi tayo ng tulong. Kapag may sakit, nananalangin tayo. Kapag nasasaktan, kumakapit tayo sa Kanya.

๐๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ค๐ฎ๐ง๐  ๐’๐ข๐ฒ๐š ๐ซ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฎ๐ง๐š ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ญ๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฎ๐ซ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐จ๐ซ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ก๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ฒ๐š๐ก๐š๐ง, ๐š๐ง๐จ๐ง๐  ๐ค๐ฅ๐š๐ฌ๐ž ๐ญ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ?

Madali kasing hanapin ang Diyos kapag wala na tayong ibang malapitan. Mas mahirap Siyang piliin kapag maayos ang lahat. Madaling magsabi ng โ€œLord, tulungan Mo akoโ€ kapag may problema. Ngunit kaya ba nating sabihin ang โ€œLord, salamatโ€ at ialay sa Kanya ang ating oras kahit wala tayong hinihingi?

Sapagkat ang Diyos ay hindi lamang para sa mga araw na tayo ay lugmok. ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐’๐ข๐ฒ๐š ๐ƒ๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฅ๐ฎ๐ก๐š. Siya rin ang Diyos ng ating mga ngiti, tagumpay, bakasyon, selebrasyon, at bawat magandang bagay na ating tinatanggap.

Hindi dapat umikot ang ating buhay sa mga makamundong bagay. Hindi masama ang maglakbay. Hindi masama ang magsaya. Hindi masama ang magbakasyon. Ngunit sa lahat ng ating pinupuntahan, huwag nating kalimutang bumalik sa kung saan tunay na nagmumula ang lahat ng mayroon tayo.

Dahil ang Misa ay hindi sagabal sa ating buhay.

Ang Misa ang paalala kung kanino talaga nakasentro ang ating mundo.

Kaya sa susunod na magplano tayo ng gala, lakad, alis, o bakasyon, huwag nating itanong lamang, โ€œAno ang gusto nating gawin?โ€

Tanungin din natin:

โ€œMay lugar ba ang Diyos sa ating plano?โ€

Dahil kung kaya nating maglaan ng oras para sa lahat ng bagay na mahalaga sa atin, bakit natin ipagkakait ang isang oras sa Diyos na naglaan ng Kanyang buong sarili para sa atin?

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ง๐š๐ค๐š๐›๐š๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š, ๐ง๐š๐ค๐š๐›๐š๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐š ๐ซ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐ฆ๐จ.

+++++++

Friend-tecost, baka pwede mo naman i-comment sa baba ang picture ng isa sa mga simbahang pinagsimbahan mo habang nasa bakasyon ka?

+++++++

Pubmat by: Bro. Jacob Granadoz

02/09/2026

Medyo busy lang ang team sa schoolworks kaya balikan muna nating muli ang WWW ni Bro. Gelo! Stay focused and blessed, everyone!

Tanghaliang-Tapat ๐Ÿ•› | Faith Bytes ๐Ÿ’กFriend-tecost, alam mo bang there's so much more to discover and explore sa Catholic ...
01/09/2026

Tanghaliang-Tapat ๐Ÿ•› | Faith Bytes ๐Ÿ’ก

Friend-tecost, alam mo bang there's so much more to discover and explore sa Catholic faith? Let's g at mag-unlock ng bagong kaalaman dito sa ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐๐ฒ๐ญ๐ž๐ฌ!

Alam mo ba na katulad ni Maria, tinatawag din tayo ng Diyos upang gamitin ang ating buhay, talento, at kakayahan sa paglilingkod. Hindi kailangang maging perpekto para makapagsimulaโ€”ang mahalaga ay magkaroon tayo ng pusong handang magsabi ng โ€œOoโ€ sa Diyos.

Friend-tecost, ang kapistahang ito ay paalala sa atin na ang bawat buhay ay may magandang layunin sa plano ng Diyos.

Kaya sa papalapit na kapistahan ng kapanganakan ni Maria, sama-sama tayong magpasalamat sa Diyos sa kanyang buhay at hilingin ang kanyang paggabay upang maging mas tapat tayo sa ating sariling bokasyon at paglilingkod.

I-comment โ€œMahal na Birheng Maria, Gabayan at ipanalangin mo kami!โ€

'Yun na for today's Faith Bytes! โœจโ›ช Kita-kits sa next dropโ€”stay curious, stay faithful.

Pubmat: Bro. Noa Turalba
Caption: Bro. Andrei Agojo

Sanggunian:
โ€ข https://stpaulcenter.com/posts/what-marys-yes-means-for-us
โ€ข https://www.loyolapress.com/catholic-resources/liturgical-year/advent/inspiration/saying-yes-to-god-marys-yes/









Address

1912 Rizal Avenue Corner Tayuman Street, Santa Cruz
Manila
1014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers - Archdiocesan Shrine of Espiritu Santo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share