Parish Youth Ministry - Archdiocesan Shrine of Santo Niño

Parish Youth Ministry - Archdiocesan Shrine of Santo Niño Kabataan, Tanglaw ng Simbahan. The official page of the Youth Ministry of the Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of Santo Niño de Tondo.
(2)

𝗣𝗬𝗠 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗦𝗛𝗢𝗣 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗠𝗘𝗘𝗧 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦Sa pagsisimula ng PYM Summer Workshop bukas, kilalanin natin ang mga faci...
22/05/2026

𝗣𝗬𝗠 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗦𝗛𝗢𝗣 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗠𝗘𝗘𝗧 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦

Sa pagsisimula ng PYM Summer Workshop bukas, kilalanin natin ang mga facilitators ng bawat workshop. Sila ang magbabahagi ng kanilang talento at malikhaing galing upang maging makabuluhan at masaya ang gawaing ito.

Pwede pa rin magregister ang mga interisadong makilahok sa isa o higit pang mga workshops. 𝙇𝙞𝙢𝙞𝙩𝙚𝙙 𝙨𝙡𝙤𝙩𝙨 𝙤𝙣𝙡𝙮 𝙖𝙩 𝙛𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙘𝙤𝙢𝙚, 𝙛𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙨𝙚𝙧𝙫𝙚𝙙 𝙗𝙖𝙨𝙞𝙨! Kaya tara na at mag-register gamit ang Google Forms link sa ibaba. 👇

Kita-kits bukas, mga kapatid!





Sa darating na Biyernes, sama-sama tayong magtipon upang magpasalamat sa Diyos para sa matagumpay at makabuluhang pagdir...
21/05/2026

Sa darating na Biyernes, sama-sama tayong magtipon upang magpasalamat sa Diyos para sa matagumpay at makabuluhang pagdiriwang ng Solemneng Deklarasyon ng ating simbahan bilang Basilika Minore.

Maraming salamat sa bawat isa na nakiisa at naglingkod para maisakatuparan ang okasyong ito. Ang inyong pagmamahal, sakripisyo, at pagtutulungan ay tunay na naging biyaya at patunay ng buhay na pananampalataya.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ating Misa ng Pasasalamat sa Biyernes, ika-6 ng gabi, sa Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of Santo Niño de Tondo.

𝐏𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐁𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐈𝐌𝐀𝐇𝐄𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐓𝐄𝐑𝐄𝐒𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐒𝐔𝐒 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐍𝐃𝐎Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-101 a...
21/05/2026

𝐏𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐁𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐈𝐌𝐀𝐇𝐄𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐓𝐄𝐑𝐄𝐒𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐒𝐔𝐒 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐍𝐃𝐎

Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-101 anibersaryo ng Kanonisasyon ni Santa Teresita ng Niño Hesus, ang kanyang naglalakbay na imahen mula sa National Shrine and Parish of St. Therese of the Child Jesus sa Diyosesis ng Antipolo ay dadalaw sa ating Parokya mula ika-24 hanggang ika-31 ng Mayo, 2026.

Ang peregrinasyong ito ay isang natatanging pagkakataon para sa ating pamayanan upang higit na mapalalim ang ating debosyon kay Santa Teresita ng Niño Hesus, kilala sa kanyang “Munting Daan” (Little Way) ng kababaang-loob, ganap na pagtitiwala sa Diyos, at pagmamahal na naipapakita sa maliliit ngunit tapat na gawain sa araw-araw. Sa pamamagitan ng kanyang halimbawa at pamamagitan, nawa’y higit tayong maakay sa masiglang buhay-panalangin, mas malalim na pakikiisa kay Kristo, paglilingkod sa Simbahan.

Kaugnay nito, narito ang mga gawain kaugnay ng kanyang pagdalaw sa ating Parokya.

𝙎𝙖𝙣𝙩𝙖 𝙏𝙚𝙧𝙚𝙨𝙞𝙩𝙖 𝙣𝙜 𝙉𝙞ñ𝙤 𝙃𝙚𝙨𝙪𝙨, 𝙞𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙠𝙖𝙢𝙞.

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆, 𝗦𝗵𝗮𝗻𝗮𝗶𝗮! 🥳Your life is a radiant testimony of joy and dedication in serving the youth ministry. May noth...
20/05/2026

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆, 𝗦𝗵𝗮𝗻𝗮𝗶𝗮! 🥳

Your life is a radiant testimony of joy and dedication in serving the youth ministry. May nothing ever hinder your heart from your service in glorifying God, and may this day overflow with His blessings as you continue to inspire others with your unwavering service.

Never forget to share the joy of service with the youth and may the Lord, together with the Blessed Virgin Mary, hear your prayers and guide you with light and strength, blessing your journey with grace and unwavering faith.

Again, from your PYM Family, we wish you a blessed birthday, Shanaia!




Ang Parish Youth Ministry ay buong pusong nag-aanyaya sa lahat ng kabataan na makiisa sa ating Youth Mass sa darating na...
19/05/2026

Ang Parish Youth Ministry ay buong pusong nag-aanyaya sa lahat ng kabataan na makiisa sa ating Youth Mass sa darating na ika-23 ng Mayo, ganap na ika-6 ng gabi, sa Basilika Menor at Arkidiyosesanong Dambana Parokya ng Santo Niño de Tondo.

Sama-sama tayong makinig at magnilay sa Salita ng Diyos, patatagin ang ating pananampalataya, at pagyamanin ang ating pagkakaisa bilang kabataang lingkod ng Simbahan. Bilang tanda ng ating pag-ibig at debosyon, inaanyayahan din ang bawat isa na magdala ng bulaklak para sa pag-aalay kay Maria.

Inaasahan namin ang inyong masiglang pakikiisa, mga kabataan! 🩵





𝗣𝗬𝗠 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗲𝗿 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗙𝗔𝗤𝘀Bilang paghahanda sa nalalapit na PYM Summer Workshop 2026 ngayong Sabado at sa mga susunod...
19/05/2026

𝗣𝗬𝗠 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗲𝗿 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗙𝗔𝗤𝘀

Bilang paghahanda sa nalalapit na PYM Summer Workshop 2026 ngayong Sabado at sa mga susunod pang weekends, narito ang ilang munting paglilinaw at kasagutan sa inyong mga katanungan.

(𝘘) 𝘗𝘳𝘰𝘧𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭𝘴 𝘱𝘰 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘧𝘢𝘤𝘪𝘭𝘪𝘵𝘢𝘵𝘰𝘳𝘴 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘸𝘰𝘳𝘬𝘴𝘩𝘰𝘱𝘴?

(𝗔) Ang aming workshop facilitators ay mga kabataang may iba’t ibang karanasan, skills, at passion sa kani-kanilang larangan. Ang ilan ay may background at actual experience sa field, habang ang iba naman ay aktibong ginagawa ito bilang negosyo, passion project, o hobby. Layunin nilang magbahagi ng malikhain, relatable, at hands-on learning experience para sa kapwa kabataan.

(𝘘) 𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘱𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘦𝘮𝘦𝘳𝘨𝘦𝘯𝘤𝘺 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘢𝘤𝘵 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘳𝘦𝘨𝘪𝘴𝘵𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯?

(𝗔) Ang paglalagay ng emergency contact ay required para sa mga kalahok edad 17 pababa bilang bahagi ng aming standard safety and coordination measures. Ito ay para may madaling makontak na magulang o guardian sakaling magkaroon ng agarang pangangailangan o importanteng concern habang isinasagawa ang workshop. Para sa mga edad 18 pataas, ito ay optional lamang.

Pwede pa rin magregister ang mga interisadong makilahok sa isa o higit pang mga workshops. 𝙇𝙞𝙢𝙞𝙩𝙚𝙙 𝙨𝙡𝙤𝙩𝙨 𝙤𝙣𝙡𝙮 𝙖𝙩 𝙛𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙘𝙤𝙢𝙚, 𝙛𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙨𝙚𝙧𝙫𝙚𝙙 𝙗𝙖𝙨𝙞𝙨! Kaya tara na at mag-register gamit ang Google Forms link sa ibaba. 👇

Aabangan namin ang inyong pagdalo sa pagkakataong mahasa ang inyong mga kakayahan at talento, mga kapatid!





18/05/2026

𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗥𝗜 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗨𝗦𝗜𝗖 𝗩𝗜𝗗𝗘𝗢

Panoorin ang official music video ng Batang Hari na sinayaw ng mga kabataang lingkod ng Parokya ng Tondo.

𝘚𝘢 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘬𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘴𝘢𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺,
𝘚𝘢 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘪𝘯𝘥𝘢𝘬 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘺 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺

𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤 𝙉𝙞ñ𝙤, 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙃𝙖𝙧𝙞 𝙣𝙜 𝙏𝙪𝙣𝙙𝙤!
_______

'Batang Hari' written by A. A. L.,
Music by RM Studios
© 2026 Minor Basilica and Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo Youth Ministry.
All rights reserved.




𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐤𝐲𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧Sa Mabuting Balita, naramdaman ko na kahit minsan...
17/05/2026

𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐤𝐲𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧

Sa Mabuting Balita, naramdaman ko na kahit minsan nagdududa o natatakot tayo, hindi tayo pinapabayaan ni Hesus. Pinapaalala Niya na lagi Siyang nasa tabi natin sa bawat problema at pagsubok. Bilang isang tao at kabataan, natutunan kong mas magtiwala sa Diyos at maging mabuti sa kapwa araw-araw. Nakaka-comfort isipin na may Diyos na laging gumagabay at nagmamahal sa atin.

- Pagninilay mula kay Bro. Jhan Cedrhick Torres, Social Actions Committee Member.

Upang mas palalimin ang repleksyon maaaring basahin ang buong Ebanghelyo mula sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 28, 16-20:

Noong panahong iyon, ang Labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa Lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”




𝗣𝗬𝗠 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗲𝗿 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽 𝟮𝟬𝟮𝟲“𝘛𝘶𝘬𝘭𝘢𝘴𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘐𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘎𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨, 𝘏𝘢𝘴𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘐𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘚𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨!”Ready ka na bang i-level up ang talents mo ...
15/05/2026

𝗣𝗬𝗠 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗲𝗿 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽 𝟮𝟬𝟮𝟲
“𝘛𝘶𝘬𝘭𝘢𝘴𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘐𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘎𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨, 𝘏𝘢𝘴𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘐𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘚𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨!”

Ready ka na bang i-level up ang talents mo this summer? Sama na sa iba’t ibang masaya at creative na workshops na inihanda ng Parish Youth Ministry para sa inyo!

𝗩𝗼𝗶𝗰𝗲 𝗟𝗲𝘀𝘀𝗼𝗻𝘀 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽
𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟭:
📅 May 23 | 3PM–5PM

𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟮:
📅 May 30 | 3PM–5PM
📅 May 31 | 10AM–12NN

𝗙𝘂𝘇𝘇𝘆 𝗪𝗶𝗿𝗲 𝗖𝗿𝗮𝗳𝘁𝘀
📅 May 23 | 3PM–5PM

𝗢𝗿𝗶𝗴𝗮𝗺𝗶 𝗖𝗿𝗮𝗳𝘁
📅 May 24 | 10AM–12NN

𝗩𝗶𝘀𝘂𝗮𝗹 𝗔𝗿𝘁𝘀 (𝗗𝗿𝗮𝘄𝗶𝗻𝗴)
📅 June 6 | 3PM–5PM
📅 June 7 | 10AM–12NN

Ang mga workshop ay 𝙗𝙪𝙠𝙖𝙨 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 — lingkod simbahan man o hindi!
• Voice Lessons & Visual Arts: 𝗘𝗱𝗮𝗱 𝟭𝟯 𝗽𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀
• Fuzzy Wire Crafts: 𝗘𝗱𝗮𝗱 𝟭𝟲 𝗽𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀
• Origami Craft: 𝗘𝗱𝗮𝗱 𝟭𝟰 𝗽𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀

Pwedeng magregister sa isa o higit pang mga workshops. 𝙇𝙞𝙢𝙞𝙩𝙚𝙙 𝙨𝙡𝙤𝙩𝙨 𝙤𝙣𝙡𝙮 𝙖𝙩 𝙛𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙘𝙤𝙢𝙚, 𝙛𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙨𝙚𝙧𝙫𝙚𝙙 𝙗𝙖𝙨𝙞𝙨! Kaya tara na at mag-register gamit ang Google Forms link sa ibaba. 👇

Huwag palampasin ang chance na matuto, mag-enjoy, at mas ma-discover pa ang talents mo this summer!





𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆, 𝗥𝗶𝗲𝗻𝗮! 🥳Your quiet service in the ministry reflects a heart that seeks only to glorify God. In every act...
13/05/2026

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆, 𝗥𝗶𝗲𝗻𝗮! 🥳

Your quiet service in the ministry reflects a heart that seeks only to glorify God. In every activity where you are present, your dedication strengthens and inspires others to walk in faith. Thank you for offering your time and talents with humility and love. May the Lord bless your journey, grant success to the plans you entrust to Him, and fill your days with grace and fulfillment.

Never forget that even the smallest acts of service carry great meaning. Continue to serve with humility, love with sincerity, and place your trust in God’s perfect plan. May you be blessed each day in your journey, and may the Lord together with the Blessed Virgin Mary hear your prayers and guide you with light and strength.

May this new year of life draw you nearer to your dreams and lead you deeper into faith.

Again, your PYM Family wishes you a blessed birthday, Riena!




Ang Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of Santo Niño de Tondo - Dambana ng Maralitang Deboto, Basilica Menor ...
11/05/2026

Ang Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of Santo Niño de Tondo - Dambana ng Maralitang Deboto, Basilica Menor ng Hari ng Tundo.

¡Viva, Sto. Niño de Tondo!
¡Mabuhay, ang Batang Hari!



Address

600 Lorenzo Chacon Street
Manila
1012

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Youth Ministry - Archdiocesan Shrine of Santo Niño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parish Youth Ministry - Archdiocesan Shrine of Santo Niño:

Share