09/03/2026
Fruit of the Spirit Series
Love: The Foundation of Everything
Galatians 5:22
โBut the fruit of the Spirit is loveโฆโ
Pansinin mo yung pattern. Sa lahat ng bunga ng Espiritu, love ang unang binanggit. Hindi siya aksidente. Dahil ang pag-ibig ang pundasyon ng lahat ng iba pang bunga.
Kung walang pag-ibig:
Mahirap maging tunay na mabait.
Mahirap maging mapagpasensya.
Mahirap gumawa ng kabutihan.
Kaya nga sabi sa bible, God is love. Kapag ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa sa buhay natin, ang unang nakikita ay pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa.
Hindi ito laging madali. Minsan mahirap magmahal lalo na kung nasasaktan tayo. Pero ang tunay na pag-ibig ay hindi lang emosyon... ito ay desisyon na sumunod sa puso ng Diyos.
Kapag pinili nating magmahal tulad ni Kristo, nagiging malinaw ang liwanag ng Diyos sa buhay natin.
Kaya ngayong araw, tanungin natin ang sarili natin:
โPaano ko maipapakita ang pag-ibig ng Diyos sa ibang tao ngayon?โ
Prayer:
Lord, thank you for loving us first. Turuan mo kaming magmahal tulad ng pagmamahal mo sa amin. Nawa makita sa aming buhay ang iyong pag-ibig sa aming pamilya, kaibigan, at sa mga taong nakapaligid sa amin. In Jesus name, Amen.