15/01/2023
Ang sarap mabuhay ng walang kaaway at iniiwasang tao kahit saan tayo pumunta. Masikip kasi ang mundo kapag marami tayong hindi kabati lalo na sa isang maliit na kumunidad na kinabibilangan natin. At para maging mapayapa ang mundo natin, tiyakin nating gagawa tayo ng paraan na makipagbati at makipagkasundo sa ating kapwa. Hindi ito madaling gawin, pero ito ay nararapat sapagkat ito ang iniuutos mismo ng salita ng Dios. Sa katunayan, tinawag tayong asin at ilaw sa. mundo na ibig sabihin, gaano man kasimple ang ating buhay, meron tayong silbi at pakinabang sa mundo.