24/05/2026
๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ค๐จ๐ฌ๐ญ๐๐ฌ ๐๏ธ๐ฅ
Ang Pentekostes ay ipinagdiriwang ๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ง๐ (๐๐) araw matapos ang Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus. Sa araw na ito, binibigyang-halaga natin ang pag-panaog ng Banal na Espiritu sa mga Apostol at kay Maria na Ina ng Diyos.
Gaya ng nakasulat sa mga Gawa ng mga Apostol, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa anyo ng mga dila ng apoy na nagbigay sa kanila ng lakas ng loob, karunungan, at kakayahang magpahayag ng Mabuting Balita sa iba't ibang wika. Dahil dito, ang Pentekostes ay kinikilala rin bilang "๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ฆ๐๐๐ก๐๐ง" (๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ฒ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ก๐ฎ๐ซ๐๐ก), dahil ito ang naging hudyat ng opisyal na pagsisimula ng misyon ng Simbahan na ipalaganap ang salita ng Diyos sa buong mundo.
Nawaโy ang apoy ng Banal na Espiritu ay muling mag-alab sa puso ng bawat isa sa atin. Nawa ay gabayan Niya tayo upang maging mga buhay na saksi ng pag-ibig, kapayapaan, at katotohanan ng Diyos sa ating sariling mga pamilya at pamayanan!