25/11/2023
Ang Mangyayaring Matinding P.A.L.O sa Israel sa Pagtalikod kay Yahweh
Intro: Sinabi ng tagapagsalita ng kalaban ng Israel dapat lipulin ang Israel. Kinakailangan ang Islamic State ang papalit sa bansang Israel. Mangyayari kaya ang sinabi niya, lalung-lalo na kung ang itinuturo ng ilang modernong Christian theologian na inabandona ng Diyos na si Yahweh ang pangako kay Abraham, Isaac, at Jacob sa modernong lahi ng mga Israelita? Mainam na basahin natin ang Deuteronomio 29:22-29 kung papaano nagbigay ng babala ang Diyos sa P.A.L.O. na igagawad niya sa Israel sa darating na panahon.
Deuteronomio 29:22-29
I. P-lanong pupuksain ng Diyos ang Israel.
22 “Makikita ng salinlahing susunod sa atin, at ng mga dayuhang mula sa malalayong bansa ang mabigat na parusa ni Yahweh. 23 Makikita nila ang lupaing tinupok sa pamamagitan ng asupre at tinabunan ng asin. Kaya't kahit damo ay hindi tutubo roon, gaya ng nangyari sa Sodoma at Gomorra, Adma at Zeboim nang ibagsak niya rito ang kanyang matinding galit.
II. A-ng kadahilan sa pinaplanong pagpuksa ng Diyos sa Israel.
24 At sasabihin ng lahat ng nakakita nito, ‘Bakit pinuksa ni Yahweh ang bansang ito? Bakit matindi ang naging galit niya sa kanila?’ 25 Ang isasagot ay, ‘Sapagkat tinalikuran nila ang kanilang kasunduan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno na siyang naglabas sa kanila sa Egipto. 26 Sila'y naglingkod at sumamba sa mga diyus-diyosang hindi nila kilala at ipinagbabawal ni Yahweh sa kanila. 27 Iyan ang dahilan kaya nagalit sa kanila si Yahweh at ibinagsak sa kanila ang mga sumpang nakasulat sa aklat na ito.
III. L-abis-labis ang parusang matatanggap ng Israel sa Diyos.
28 At dahil sa matindi niyang galit, sila'y pinaalis ni Yahweh sa kanilang lupain at itinapon sa ibang lugar. Naroon sila ngayon.’
IV. O-rdinansa ng pagsunod sa pagpigil sa planong pagpaparusa ng Diyos sa Israel.
29 “May mga bagay na sadyang inilihim ng Diyos nating si Yahweh. Ngunit ipinahayag ang kautusang ito upang sundin natin at ng ating mga anak magpakailanman.