10/01/2026
Makatapos ang La Mirata, inilagak na sa loob ng Visita ang trono na ginamit sa pagsulyap ng Birhen at kasalukuyang nakalagak rito ang Vicariang matanda ng Nuestra Señora del Rosario. Maaaring mag alay ng panalangin ang mga nagnanais na dumalaw. Matatagpuan ang trono sa kaliwang bahagi ng puerta mayor ng visita.
Naging makabuluhan ang pagsasagawa ng 𝐋𝐚 𝐌𝐢𝐫𝐚𝐭𝐚 sa tulong ng mga taong nasa likod ng gawaing ito, kung kaya’t aming ipinaaabot ang aming taos pusong pasasalamat sa mga taong naglaan ng kanilang oras at talento.
Kina 𝑳𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑮𝒂𝒓𝒄𝒊𝒂 𝒂𝒕 𝒃𝒖𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂, para imahen ng Nuestro Padre Jesus Nazareno del Cautivo na siyang inilagak sa puerta mayor ng visita. Kina 𝑱𝒂𝒚𝒓𝒐𝒏 𝑴𝒂𝒈𝒂𝒕, 𝑹𝒖𝒔𝒄𝒆𝒍 𝑷𝒊𝒛𝒛𝒂𝒓𝒐 𝒂𝒕 𝑬𝒍𝒊𝒆 𝑳𝒂𝒓𝒊𝒏 para sa mga telang ginamit, at sa pag-aayos nito maging sa bulaklak na iginayak sa imahen ng Poong Señor. Kay 𝑮𝒂𝒃𝒓𝒊𝒆𝒍 𝑷𝒆𝒏𝒔𝒐𝒕𝒆𝒔 sa ginamit na tela sa trono ng Birhen. Kina 𝑱𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆 𝑹𝒂𝒊𝒏 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒐𝒔, 𝑳𝒂𝒖𝒓𝒆𝒏𝒄𝒆 𝑺𝒆𝒗𝒊𝒍𝒍𝒂, 𝑱𝒐𝒉𝒏 𝑫𝒂𝒗𝒊𝒅 𝑫𝒆𝒄𝒆𝒏𝒂 para sa bulaklak na iginayak sa trono ng Birhen. Kay 𝑯𝒐𝒏. 𝑨𝒅𝒐𝒍𝒇𝒐 𝑨𝒄𝒂𝒊𝒏 𝑱𝒓. sa pagpapahiram ng soundsystem na ginamit sa pagdiriwang, at kay 𝑨𝒃𝒊𝒋𝒂𝒉 𝑹𝒆𝒎𝒊𝒈𝒊𝒐 sa pag-awit ng mga himno, pagdarasal, at pagsasaayos ng pagdaan ng Traslacion. Gayundin sa mga 𝑯𝒊𝒋𝒐𝒔 𝒅𝒆𝒍 𝑵𝒂𝒛𝒂𝒓𝒆𝒏𝒐 𝒂𝒕 𝒎𝒈𝒂 𝑩𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 na nakatulong ng Visita sa mismong araw ng kapistahan ng Poong Hesus Nazareno. Ipinapaabot din namin ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong sa mga deboto na maipunas ang kanilang mga panyo sa mga imahen ng Poong Señor at Birhen del Rosario, at sa lahat ng mga nakibahagi sa pagdiriwang na ito. Kung mayroon mang hindi nabanggit, Diyos na po ang bahalang magbalik sa inyo ng inyong kabutihang loob. Ipanalangin nawa tayong lahat ng Virgen del Rosario sa kaniyang anak, ang Poong Jesus Nazareno.
𝔙𝔦𝔳𝔞 𝔢𝔩 𝔖𝔢ñ𝔬𝔯!
𝔙𝔦𝔳𝔞 𝔩𝔞 𝔙𝔦𝔯𝔤𝔢𝔫!