22/05/2026
TINGNAN: Napuno ng ngiti ang Ikaanim na araw ng Lakbay Flores de Maria: Isang Katekismong Pambata tungkol kay Maria at sa Pananampalatayang Katoliko.
Ito ay dinaluhan ng mga kabataan na handang matuto at mas mapatatag ang kanilang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng katekismo.
Maraming salamat sa ating mga volunteers mula sa iba't ibang ministry ng ating parokya.
Ang Lakbay Flores de Maria ay isasagawa sa buong Miyerkules at Biyernes sa buong buwan ng Mayo. Ang mga kabataang may edad na 6 hanggang 18 na taong gulang ay inaanyayahan na dumalo.
Magkita-kita po tayong muli mga kaparokya!