Kapatiran ng mga Deboto ni San Antonio de Padua- Singalong, Maynila

Kapatiran ng mga Deboto ni San Antonio de Padua- Singalong, Maynila Official Fanpage of the KAPATIRAN NG MGA DEBOTO NI SAN ANTONIO DE PADUA of San Antonio de Padua Parish Singalong, Manila. Established on June 03, 2014

PAMASKONG HANDOG Kasama ng mga Kapatiran ng mga Deboto ni San Antonio de Padua, atin pong na-repack ang mga inalay na mg...
27/12/2025

PAMASKONG HANDOG

Kasama ng mga Kapatiran ng mga Deboto ni San Antonio de Padua, atin pong na-repack ang mga inalay na mga handog noong mga Araw nh Simbang Gabi upang ipamahagi sa ating mga Ka-Parokya na nangangailangan.

Maraming Salamat sa mga tumugon sa panawagan ng ating Parokya na magbahagi ng mga Grocery items na ating ipapamahagi.

Pagpalain nawa kayo ng Diyos at gabayan lagi ng ating Mahal na Patron na si San Antonio de Padua.

KRUS NG ATING KALIGTASANNakatampok sa ating Simbahan ngayon ang Mahal na P**n ng Krus na Patron ng Barangay 735 Zone 80 ...
14/09/2025

KRUS NG ATING KALIGTASAN

Nakatampok sa ating Simbahan ngayon ang Mahal na P**n ng Krus na Patron ng Barangay 735 Zone 80 bilang pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus ngayong ika-14 Setyembre, 2025.

Maligayang Kapistahan po!

GANDANG SINAUNA AT SARIWA Tampok ngayon sa Santwaryo ng ating Simbahan ang mga Imahen ni Santa Monica at San Agustin. An...
27/08/2025

GANDANG SINAUNA AT SARIWA

Tampok ngayon sa Santwaryo ng ating Simbahan ang mga Imahen ni Santa Monica at San Agustin. Ang mag-inang mga Banal na ipinagpipista natin ngayong Ika-27 at 28 ng Agosto.

Pasasalamat sa Wesa Chapel sa kanilang pagpapaunlak na maidambana sa ating Simbahan ang mga Imahen na ito.

VIVA SANTA CLARA DE MONTEFALCO!Nakaluklok ngayon sa ating Altar ang Imahen ni Santa Clara de Montefalco, Patrona ng mga ...
16/08/2025

VIVA SANTA CLARA DE MONTEFALCO!

Nakaluklok ngayon sa ating Altar ang Imahen ni Santa Clara de Montefalco, Patrona ng mga maysakit sa puso. Si Santa Clara de Montefalco ay isang Agustina na deboto ng Santisima Trinidad.

Bago pa man maging isang ganap na Parokya ang Singalong noong 1905, tayo ay napasakop sa Parokya ng Santa Clara de Montefalco sa Pineda na ngayon ay Lungsod ng Pasay.

Pasasalamat kay John Lherry Santero ng Pasay City sa kanyang pagpapaunlak na mahiram ang kanyang Imahen.

Happy Fiesta din sa Sta Clara de Montefalco Parish Pasay City!

MALIGAYANG KAPISTAHAN, SAN ROQUE!Nakaluklok sa ating altar ngayong Araw na ito ang Imahen ni San Roque, patron laban sa ...
16/08/2025

MALIGAYANG KAPISTAHAN, SAN ROQUE!

Nakaluklok sa ating altar ngayong Araw na ito ang Imahen ni San Roque, patron laban sa anumang sakuna. Ipinagdiriwang ngayong Ika-16 ng Agosto, 2025 ang kanyang Kapistahan.

Pasasalamat kay Ruskin Matthew Tan mula sa Lungsod ng Caloocan sa kanyang pagpapaunlak na mahiram ang kanyang Imahen.

MALIGAYANG KAARAWAN Ngayong Ika-15 ng Agoisto ay ating ipinagdiriwang ang ika-830 Taong Kaarawan ng ating Mahal na Patro...
14/08/2025

MALIGAYANG KAARAWAN

Ngayong Ika-15 ng Agoisto ay ating ipinagdiriwang ang ika-830 Taong Kaarawan ng ating Mahal na Patron na si San Antonio. Siya ay ipinanganak noong Agosto 15, 1195 sa Lisbon, Portugal at binigyan ng pangalang "FERNANDO" ng kanyang mga magulang na si Martin de Bulhom at Teresa Taveira.

Mahal na Patrong San Antonio, kami ay iyong idalangin.



Saint Anthony of Padua Parish - Singalong Manila
Archdiocese of Manila

KAIBIGANG MAHAL NI HESUSNakaluklok ngayon sa Santuario ng ating Simbahan ang Imahen ni Santa Marta bilang pagdiriwang ng...
28/07/2025

KAIBIGANG MAHAL NI HESUS

Nakaluklok ngayon sa Santuario ng ating Simbahan ang Imahen ni Santa Marta bilang pagdiriwang ng kanyang Kapistahan ngayong Ika-29 ng Hulyo, 2025, kaanlisabay din ng Kapistahan ng kanyang mga Kapatid na si San Lazaro at Santa Maria ng Betania.

Si Santa Marta ay kinikilala bilang Patron ng mga Kusinera at ng mga tapat na naglilingkod sa ating Panginoon. Siya rin ay pinipintakasi sa Diocesan Shrine of St Martha - Parish of San Roque sa Bayan ng Pateros.

Pasasalamat kay Lance Garcia ng Tondo, Maynila sa kanyang pagpapaunlak para maidambana sa atin si Santa Marta.

Viva Santa Marta!




"When one is in line to go to Confession, one feels all these things, even shame, but then when one finishes Confession ...
26/07/2025

"When one is in line to go to Confession, one feels all these things, even shame, but then when one finishes Confession one leaves free, grand, beautiful, forgiven, candid, happy."

- Pope Francis

-------------------------------
Let us go to Confession!
Confessions at our Parish is available 15 minutes before each Mass.

Saint Anthony of Padua Parish
Singalong, Manila
Archdiocese of Manila


REPLICA UPDATESSisimulan na po natin ang pagpapagawa ng Replica ng ating Mapaghimalang Patron na si San Antonio de Padua...
08/06/2025

REPLICA UPDATES

Sisimulan na po natin ang pagpapagawa ng Replica ng ating Mapaghimalang Patron na si San Antonio de Padua sa superbisyon ni Maestro Ian Vicente.

Ipagdasal po natin ang proyektong ito ng ating Parokya.



Address

San Andres Street, Singalong
Manila
1004

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapatiran ng mga Deboto ni San Antonio de Padua- Singalong, Maynila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share