21/04/2021
https://www.facebook.com/166383426805218/posts/3619649411478585/
"Name it and claim it." Popular yan ngayon na itinuturo ng ibang mga preachers. Pangalanan mo daw kung ano ang gusto mo—bahay, kotse, pati kung anong klase, gaano kalaki, anong brand, at kapag strong ang faith mo sa Diyos, ibibigay niya garantisado. Kapag hindi niya ibinigay, kulang kasi ang faith mo. Ha? That is unbiblical! Abraham claimed the land as his possession (although matagal pa bago marealize yun!) hindi dahil he named it, kundi dahil ang Diyos ang nagpangalan nun para sa kanya, at inilipat ang pag-aari sa pangalan niya! You don’t have any right to claim something na hindi ipinangakong ibigay sa ‘yo ng Diyos. That is presumption. Inaakala mong sa ‘yo ang hindi naman sa ‘yo, kahambugan yun, at ginagawa mo pang sinungaling ang Diyos.
Ibinigay ni Cristo ang kanyang buhay para maibigay sa atin ang pagpapalang ipinangako kay Abraham. Hindi isang lupain. Hindi ipinangako ng Diyos na magkakaroon ka ng sariling lupa, at sariling bahay para hindi ka na mangupahan. He doesn’t promise that. You can pray for that, sure. But you cannot claim what he has not promised. Pero ang ginarantiya ni Cristo sa krus ay yung ilagay tayo sa isang lugar – sa kanyang kaharian – kung saan makakasama natin ang Diyos, kasama ang iba pang mga anak ng Diyos sa kanyang pamilya (the church, local and universal), para mamuhay sa ilalim ng kanyang pamamahala, yakap-yakap ang kanyang mga salita, at sama-samang sumasamba sa kanya, ngayon as we gather to worship the Lord, and one day with all nations, tribes and languages worshipping the Lord forever. Yun ang pwede nating angkinin—“All authority in heaven and on earth has been given to me,” sabi ng Panginoon, “Go and make disciples of all nations!”—yun ang dapat nating angkinin, dahil yun ang ipinangalan niya para sa atin.
And the riches, the possession, the inheritance we have in Christ—ang lahat ng ‘yan ay higit pa sa anumang lupa, yaman, o business success na maeenjoy mo sa mundong ito. Kaya kung ikaw ay nakay Cristo, your identity secured in Christ, hindi ka na dapat mahumaling sa mga bagay sa mundong ito.