Kalayaan Christian Mission

Kalayaan Christian Mission Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kalayaan Christian Mission, Religious organisation, Manila.

The preaching of the Gospel.
11/06/2025

The preaching of the Gospel.

If God has given you an anxiety for the SOULS of others, with FAITH get to work in all your feebleness. -Charles Spurgeo...
09/06/2025

If God has given you an anxiety for the SOULS of others, with FAITH get to work in all your feebleness. -Charles Spurgeon

06/06/2025

2 Pedro 3:17-18

17 Ngayong ito'y alam na ninyo, mga kapatid, dapat kayong MAG-INGAT upang huwag kayong mailigaw ng mga taong walang sinusunod na batas. Sa gayon, hindi kayo MATITINAG sa inyong mabuting kalagayan.

18 Sa halip, patuloy kayong LUMAGO sa kagandahang-loob ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, at sa pagkakilala sa kanya. Sa kanya ang kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman! Amen.

Magandang paalala sa ating lahat. Hindi tayo iiwasan ng mga temptasyon, hamon at pag subok, kaya dapat lagi tayong mag ingat sa mga taong walang sinusunod na batas. Check natin lagi guard natin para di tayo matinag. ☝🏼

Young Adult Fellowship: A Night of Transformation and BlessingNgayong gabi sa aming Young Adult Fellowship, sobrang nabl...
05/11/2024

Young Adult Fellowship: A Night of Transformation and Blessing

Ngayong gabi sa aming Young Adult Fellowship, sobrang nabless kami sa testimony ni John, ang aming bisita. Ibinahagi niya kung paano siya binago ng Diyos mula sa isang buhay na puno ng addiction at pagkakabasag, patungo sa buhay ng kalayaan at bagong pag-asa.

Ang kwento ni John ay isang matinding patunay ng pag-ibig at kapangyarihan ng Diyos na hindi Niya tayo iiwan, gaano man kalalim ang ating pinagdadaanan. Mula sa mga madilim na bahagi ng kanyang buhay, natutunan niyang magtiwala sa Diyos at maranasan ang Kanyang pagbabagong-anyo.

Kami ay puno ng pasasalamat at inspirasyon ngayong gabi. Tunay ngang walang imposible sa Diyos, at sa bawat kwento ng pagbabago, patuloy Niyang ipinapakita ang Kanyang pag-ibig at biyaya.

Salamat, Lord, sa bawat buhay na binabago Mo! πŸ™

πŸ“šβœ¨ Napakaganda ng ating Back to School event noong nakaraang Biyernes kasama ang Sinag! βœ¨πŸ“šSalamat sa lahat ng lumahok at...
02/09/2024

πŸ“šβœ¨ Napakaganda ng ating Back to School event noong nakaraang Biyernes kasama ang Sinag! βœ¨πŸ“š

Salamat sa lahat ng lumahok at nagbigay ng suporta. Ang ating pagkakaisa sa pananampalataya kay Kristo ay nagbigay inspirasyon sa ating lahat. Nawa'y magtagumpay tayo sa bagong taon ng pag-aaral, na puno ng biyaya at pag-ibig ni Kristo!

Natapos na ang aming 24-oras na fire prayer and worship event, at tunay na pinagpala tayo ng Diyos sa bawat sandali. Sa ...
25/08/2024

Natapos na ang aming 24-oras na fire prayer and worship event, at tunay na pinagpala tayo ng Diyos sa bawat sandali. Sa lahat ng oras ng panalangin at pagsamba, naramdaman natin ang makapangyarihang presensya ng ating Panginoon, si Jesus Cristo. Ang kaganapang ito ay isang pagkakataon upang magkaisa sa pagdiriwang ng Kanyang kabutihan at pagmamahal. Salamat sa bawat isa na tumulong at nagbigay ng kanilang oras para sa Diyos. Nawa'y magpatuloy ang apoy ng ating pananampalataya at maging inspirasyon sa lahat ng ating gawain. Sa pamamagitan ni Cristo, patuloy tayong maging liwanag sa mundo. Hanggang sa susunod na pagkakataon. πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈβ€οΈ

πŸ”₯ 24 Hour Fire & Prayer Worship πŸ”₯Join us sa isang buong araw ng fire and prayer worship from August 23 to 24, 12 PM to 1...
20/08/2024

πŸ”₯ 24 Hour Fire & Prayer Worship πŸ”₯

Join us sa isang buong araw ng fire and prayer worship from August 23 to 24, 12 PM to 12 PM! πŸ™ŒπŸ»

Isang araw na puno ng pagdadasal, pagsamba, at pag-aalay ng ating mga sarili kay Lord. This is your chance to be part of a powerful move of God. Sama-sama nating maranasan ang kanyang presensya at kapangyarihan!

πŸ“… Date: August 23 - 24
⏰ Time: 12 PM (August 23) - 12 PM (August 24)
β›ͺπŸ“Œ: Church

Magsama-sama tayo sa pananampalataya at pagkakaisa habang itinataas natin ang ating mga papuri at panalangin sa langit. Huwag palampasin ang kamangha-manghang espiritwal na karanasang ito. See you there!

Ang saya ng video shoot na β€˜to at nakaka hingal. Ang sarap mag sayaw at magpuri sa Panginoon kasama ang aming friends Gl...
18/08/2024

Ang saya ng video shoot na β€˜to at nakaka hingal. Ang sarap mag sayaw at magpuri sa Panginoon kasama ang aming friends Gloryfall. Watch mo na β€œLuwalhatiin Ka” MV, mapapatalon ka sa saya!

Streaming links: http://gloryfall.tunelink.to/luwalhatiin-kaLuwalhatiin Ka is a song about praising the Lord at all times of the day. We always have a choice...

11/08/2024

Isang matagumpay na programa ang dinaos ng ating Kidslight Ministry noong July 8,2024 hanggang July 14,2024(Lunes-Sabado).
Itong programa ay Daily Vacation Bible School "Kingdom Quest Theme". Kung saan masayang nagkaroon nang mga masasayang aktibidad
ang ating mga kids gaya ng sama-samang pag-awit ng papuri sa ating Diyos, maglaro, at matuto patungkol sa kaharian ng Diyos.

Amin ding pinapasalamatan ang mga tao na naging parte ng DVBS program ngayong taon.
mula sa naghanda, mga teachers and assistants, kitchen staff, coordinators, at sa mga nagprovide ng finance. Purihin ang Panginoon!

Patuloy niyo pong suportahan ang aming Kids Program sa panalangin
Maraming salamat po!

To God be all the glory!

10/08/2024

Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin. Aking pupurihin kanyang mga gawa, kayong naaapi, makinig, matuwa! Ang kadakilaan niya ay ihayag, at ang ngalan niya'y purihin ng lahat! -Psalm 34:1-3

Maligayang araw ng Linggo,
purihin natin si Kristo.

09/08/2024

Si Yahweh'y napakabuti, mahal niya ang katuwiran, Diyos siyang mahabagin, sa AWA ay mayaman. -Awit 116:5

08/08/2024

Nang makita niya ang napakaraming tao, NAHABAG siya sa kanila sapagkat sila'y litung-lito at hindi alam ang gagawin, parang mga tupang walang pastol. -Mateo 9:36

Address

Manila
1013

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalayaan Christian Mission posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Kalayaan Christian Mission:

Share