05/04/2023
🥹🥹🥹 Gaano karaming tao ang gustong maunawaan ang mabuting hangarin ng Panginoong Jesus sa pagkakatawang-tao upang gumawa at ang Kanyang tapat na pagmamahal sa sangkatauhan?
🍀🍀👉🌹Kung isa ka, paki-click ang “Mag-message” na button sa ibaba ng larawan at pagkatapos ay ang “Magsimula” button para makasali sa aming Bible study group.
📕Sabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).
📖📖📖Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang tindi ng pagdurusang tiniis ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, mula sa simula ng Kanyang gawain hanggang noong ipinako Siya sa krus, ay isang bagay na maaaring hindi nakita mismo ng mga tao sa panahong ito, ngunit hindi ba kayo magkakaroon ng kahit kaunting ideya nito sa pamamagitan ng mga kuwento sa Bibliya? Gaano man karami ang mga detalyeng kasama sa mga naitalang ito, sa lahat-lahat, ang gawain ng Diyos sa panahong ito ay punung-puno ng paghihirap at pagdurusa. Para sa isang tiwali na tao, hindi matagal ang panahon na tatlumpu’t tatlo at kalahating taon; ang kaunting pagdurusa ay balewala lang. Ngunit para sa banal at walang-dungis na Diyos, na kinailangang magpasan sa lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, at kumain, matulog, at mabuhay kasama ang mga makasalanan, masyadong malubha ang pasakit na ito. Siya ang Lumikha, ang Pinakamakapangyarihan sa lahat ng bagay at ang Pinuno ng lahat, ngunit noong pumarito Siya sa mundo, kinailangan Niyang tiisin ang pang-aapi at kalupitan ng mga tiwaling tao. Upang matapos Niya ang Kanyang gawain at mailigtas ang sangkatauhan mula karagatan ng paghihirap, kinailangan Siyang kondenahin ng tao, at pasanin ang mga kasalanan ng buong sangkatauhan. Ang hangganan ng pagdurusang pinagdaanan Niya ay hindi posibleng maarok ni sapat na mapahalagahan ng mga pangkaraniwang tao. Ano ang kinakatawan ng pagdurusang ito? Kinakatawan nito ang katapatan ng Diyos sa sangkatauhan. Kinakatawan nito ang kahihiyang pinagdusahan Niya at ang halagang binayaran Niya para sa kaligtasan ng tao, upang tubusin ang kanilang mga kasalanan, at upang tapusin ang bahaging ito ng Kanyang gawain. Nangangahulugan din ito na ang tao ay matutubos ng Diyos mula sa krus. Ito ay halagang binayaran gamit ang dugo, gamit ang buhay, at isang halagang di-kayang bayaran ng sinumang nilikha. Iyon ay dahil mayroon Siyang diwa ng Diyos at nasa Kanya ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos kaya nakayanan Niya ang ganitong uri ng pagdurusa at naisakatuparan ang ganitong uri ng gawain. Hindi makahahalili sa Kanya sa paggawa ng bagay na ito ang sinumang nilikha Niya. Ito ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at isang pagbubunyag ng Kanyang disposisyon.”