15/11/2025
INC RALLY SA NOVEMBER 16, BIBLICAL BA?
Walang direktang utos ang Panginoong Jesucristo na ang iglesia ay magsagawa ng kilos-protesta laban sa Pamahalaan na itinatag ng Dios.
sa utos ni Pablo sa sulat sa mga taga Corinto ay ganito ang sinasabi,
2 Corinto 6:14-17
14 HUWAG KAYONG MAKIPAMATOK NG KABILAN SA MGA DI NAGSISISAMPALATAYA: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
15 AT ANONG PAKIKIPAGKASUNDO MAYROON SI CRISTO KAY BELIAL? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?
16 AT ANONG PAKIKIPAGKAISA MAYROON ANG TEMPLO NG DIOS SA MGA DIOSDIOSAN? sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.
17 KAYA NGA, MAGSIALIS KAYO SA KANILA, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin,
---- Walang sinuman sa Cristiano na makipamatok sa anumang bagay na panlaman kagaya ng politika na di naman iniutos ni Cristo na tayo ay makisama sa mga bagay na nasa mundo.
Ang iglesia lumalakad sa pampananampalataya hindi sa mga bagay na pangtemporal. -----
2 Corinto 5:7
"Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin);"
Katunayan na bawal sa Iglesia ang lumaban sa gobyerno;
Roma 13:1-7 MBB05
"Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinakda ng Diyos; at sila'y paparusahan. Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo.
Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo maparusahan, kundi alang-alang na rin sa inyong budhi. Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga pinuno ng pamahalaan ay mga lingkod ng Diyos at ito ang kanilang tungkulin. Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat parangalan."