07/10/2024
Ikaw ay Pinagpala
Mateo 5:3
Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos,sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.
Are you blessed? Madalas natin itong naririnig before or after ng service natin sa church o kaya naman nababasa natin sa social media na "feeling blessed " o kaya "hashtag blessed ".
Ano nga ba ang blessed? Ito ba yung mga blessings na na natatangap natin katulad ng masarap na pagkain,career,karangyaan, in relation status at iba pa,ngunit hindi ito yung totoong meaning ng blessed,isa lamang ito sa mababaw na pagka alam natin sa salitang blessed.
Sabi sa ating passage:
PINAGPALA ANG MGA TAONG WALANG INAASAHAN KUNDI ANG DYOS
Ang blessed o pinagpala daw ay yung mga taong kay Lord lang umaasa dahil sila ang mga taong "mapag pakumbaba"
o taong " may pagpapahalaga sa Panginoon.
♥️ Sila ang mga taong lumalakad sa pamamalakad sa Kaharian ng Diyos, sila ang mga taong sumusunod sa gusto ng Panginoon.
♥️ Sila ang mga taong sa Panginoon lamang nag titiwala kahit ano man ang maging estado ng buhay.
♥️ Sila ang mga taong naniniwala na ang lahat lahat ay mula sa Panginoon at hindi mula sa sarili.
♥️ Sila ang mga taong masaya sa buhay dahil all they need in their lives is God.
Now ask yourselves are you blessed?
Are you blessed dahil isa ka sa mga taong nakakaranas ng mga nabanggit?
Wala ng higit na blessed pa sa mga taong ang Panginoon ang kanilang kayamanan sa buhay dahil sabi nga sa passage,ang mga taong ito ay kabilang sa Kaharian ng langit.
Buksan mo ang pinto ng iyong puso upang makapasok sa buhay mo ang simula ng blessings sa iyong buhay si Jesus.
Learn this simple ABC 😇
A- Admit to God you are sinner. Repent.
B- Believe that Jesus Christ is God's Son
C- Confess your faith that Jesus is your Lord and your Savior
Remember ikaw ay pinagpala dahil may Diyos ka sa buhay mo.
Have a blessed day♥️♥️♥️