Jesus Nazareno Aming Mahal

Directions Contact the place of worship

Jesus Nazareno Aming Mahal Pagpupuri at pasasalamat sa lahat ng biyayang ipinagkaloob ni Jesus Nazarenong Mahal.

05/10/2026

Pangako ng P**n nati’y
lagi nating gunitain.

Prayer of St. Francis of AssisiLord, make me an instrument of Your peace;Where there is hatred, let me sow love;Where th...
04/10/2026

Prayer of St. Francis of Assisi

Lord, make me an instrument of Your peace;
Where there is hatred, let me sow love;
Where there is injury, pardon;
Where there is doubt, faith;
Where there is despair, hope;
Where there is darkness, light;
And where there is sadness, joy.

O Divine Master, grant that I may not so much seek
To be consoled as to console;
To be understood as to understand;
To be loved as to love.
For it is in giving that we receive;
It is in pardoning that we are pardoned;
And it is in dying that we

PRAYER TO OUR LADY OF MANAOAGAs we turn our hearts in devotion and filial trust, we come before Our Lady of Manaoag, our...
04/10/2026

PRAYER TO OUR LADY OF MANAOAG

As we turn our hearts in devotion and filial trust, we come before Our Lady of Manaoag, our loving Mother and gentle refuge. In moments of need, uncertainty, and hope, we entrust ourselves to her maternal care, confident that she listens to the prayers of her children and leads us ever closer to her Son, Jesus Christ. With humility and faith, let us now pray:

Virgin Mother of God, Queen of the Most Holy Rosary, you have chosen to raise your throne of mercy in Manaoag, to be the beloved protectress and patron of the Province of Pangasinan, and therefrom to bestow your graces on us, your children, banished in this valley of tears.

Look down with your eyes of mercy upon me, who am beset with so many dangers of body and soul. Despise not my petition, O dearest Mother, but intercede for me before your Divine Son, now and at the hour of my death. Amen. +

Virgin of Manaoag, pray for us!

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon.  UNANG PAGBASAIsaias 5, 1-7Pagbasa mula sa aklat ni propeta IsaiasAko ay aawit sa s...
03/10/2026

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon. UNANG PAGBASA
Isaias 5, 1-7

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ako ay aawit sa sinta kong mahal
tungkol sa nangyari sa kanyang ubasan:
mayroong ubasan ang sinta kong mutya sa libis ng bundok na lupa’y mataba;
hinukayan niya’t inalisan ng bato at saka tinamnan ang nasabing dako;
mga piling puno ng mabuting ubas itinanim niya sa nasabing lugar;
sa gitna’y nagtayo ng isang bantayan at nagpahukay pa ng sadyang pisaan.
Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsimpamunga.
Ngunit ano ito? Pagdating ng araw ang kanyang napitas ay ubas na ligaw.
Kaya’t kayo ngayon, taga-Jerusalem, at gayun din kayo, mga taga-Juda,
kayo ang humatol sa aming dalawa:
Ako, at ang aking ubasan.
Ano pa ang aking nakaligtaang gawin sa aking ubasan?
Bakit nang ako’y mamitas, sa itinanim kong mabubuting ubas, ang nakuha ko ay ubas na ligaw?
Kaya’t ito ngayon ang gagawin ko sa aking ubasan:
Papatayin ko ang mga halamang nakapaligid dito.
Wawasakin ko ang bakod nito.
Hahayaan kong ito’y mapasok at sirain ng mga ilap na hayop.
Pababayaan ko itong lumubog sa sukal, mabalot ng tinik at dawag;
di ko babawasin ang sanga’t dahong labis, di ko pagyayamanin ang mga puno nito;
at pati ang ulap ay uutusan ko na huwag magbigay ng ulan.
Ang ubasang ito’y ang bayang Israel, at ang Panginoon naman ang siyang nagtanim; ang mga Judiong kanyang inaruga ang mga puno ng ubas.
At kanyang hinintay na ito’y gumawa ng mabuti ngunit naging mamamatay-tao,
inaasahang magpapairal ng katarungan ngunit panay pang-aapi ang ginawa.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 79, 9 at 12. 13-14. 15-16. 19-20

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Mula sa Egipto,
ikaw ang naglabas ng puno ng ubas, saka itinanim
sa lupang dayuhan, matapos ang tao mo’y palayasin.
Hanggang sa ibayo,
sa ibayong dagat, ang sangang
malabay nito’y nakaabot,
pati mga ugat humabang mabuti’t umabot sa ilog.

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Bakit mo sinira?
Sinira ang pader, kung kaya napasok nitong dumaraan,
pinipitas tuloy yaong bunga nitong tanim na naturan.
Mga baboy damong
nagmula sa gubat, niluluray itong walang pakundangan,
kinakain ito ng lahat ng hayop pawang nasa parang.

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Ika’y manumbalik,
O Diyos na Dakila! Pagmasdan mo kami mula sa itaas,
at ang punong ito’y muling pagyamanin, at iyong iligtas.
Lumapit ka sana,
ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,
yaong punong iyon na pinalago mo’t iyong pinalakas!

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

At kung magkagayon,
magbabalik kami’t di na magtataksil sa ‘yo kailanman,
kami’y pasiglahi’t aming pupurihin ang iyong pangalan.
Kami ay ibalik,
Panginoong Diyos, at ipadama mo ang ‘yong pagmamahal,
iligtas mo kami at sa iyong sinag kami ay tanglawan.

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

IKALAWANG PAGBASA
Filipos 4, 6-9

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga kapatid, huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang di-malirip na kapayapaan ng Diyos ang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Kristo Hesus.

Sa wakas, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig, at nakita sa akin. Kung magkagayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 21, 33-43

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: “Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito’y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayun din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha’y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila’y nag-usap-usap: ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin nang mapasaatin ang kanyang mamanahin. Kaya’t siya’y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.

“Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamang iyon?” Sumagot sila, “Lilipunin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.” Tinanong sila ni Hesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?

‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
at ito’y kahanga-hanga!’

Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

03/10/2026

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Hail MaryHail Mary, full of grace, the Lord is with you. Blessed are you among women, and blessed is the fruit of your w...
02/10/2026

Hail Mary
Hail Mary, full of grace, the Lord is with you. Blessed are you among women, and blessed is the fruit of your womb, Jesus.

Holy Mary, Mother of God. Pray for us sinners, now and at the hour of our death, Amen. Hail Holy Queen (Salve Regina)
Hail, Holy Queen, Mother of Mercy,
our life, our sweetness and our hope.
To you do we cry,
poor banished children of Eve.
To you do we send up our sighs,
mourning and weeping in this valley of tears
Turn then, most gracious advocate,
your eyes of mercy toward us,
and after this exile
show unto us the blessed fruit of thy womb,Jesus.
O clement, O loving,
O sweet Virgin Mary.

Lead: Pray for us, O holy Mother of God.
Amen

02/10/2026

Tumanglaw ka sa lingkod mo
at pagpalain mo ako

APO MACALULUPanalangin sa Panginoong MaawainLumalapit ako sa lyo, O Panginoong maawain, Sampu ng mabibigat na dalahin ng...
02/10/2026

APO MACALULU

Panalangin sa Panginoong Maawain

Lumalapit ako sa lyo, O Panginoong maawain, Sampu ng mabibigat na dalahin ng aking kaluluwa, Sampu ng lahat ng aking mga alalahanin at tiisin,
Sampu ng mga pagsubok na dapat kong harapin,
Sampu ng mga pangangailangan ng mga taong mahal sa akin,
Sampu ng aking mga kahinaan at pagkakasala,
Sampu ng mabuway kong pananampalataya,
Sampu ng pananalig kong nanghihina,
Sampu ng kulang kong pag-ibig.
Lumalapit ako sa lyo kung papaanong nilapitan ka noong babaeng nagdurugo, Upang tulad niya ay mahaplos ko man lamang ang laylayan ng damit Mo
At upang kagalinga'y akin ding matamo.
Lumalapit ako sa lyong katulad baga ng ketongin Na minsa'y nanikluhod sa lyo at nagmakaawa,
Upang ako di'y lyong hipuin at pagalingin,
Upang katawan ko't kaluluwa's lyong linisin
Upang ako'y dulutan ng bagong buhay at layunin.
Iniluluhog ko rin sa lyo ang mga mahal ko sa buhay
Katulad baga niyaong mga taong bumitbit sa paralitiko at bumutas sa bubong Upang kanilang maibaba at mailapit sa lyo ang kaibigan nilang may kapansanan; Ako man, Panginoon, nais ko ring ilapit sa lyo ang aking mga kaibigan
Upang kanila ring marinig ang Salita Mong nagbibigay kaginhawaan,
At upang ang makapangyarihan Mong biyaya ay magdulot ng bagong lakas
Sa mga tuhod nilang nangangatog at kalooban nilang pinapanawan ng lakas,
Upang sa lakbayin ng buhay ay hindi na sila muling matisod o maligaw ng landas.
Lumalapit ako sa lyo, O Panginoong maawain,
Katulad baga ng paglapit sa lyo ng babaeng taga Canaan,
Na nagmakaawa alang-alang sa anak niyang maysakit
At nanalig sa kabutihan ng Iyong puso,
Sa lyong awa at malasakit sa mga wala nang mahanap na kalutasan,
Katulad niya, lumalapit akong na para bang isang asong naghihintay ng pagkaing
Nahuhulog mula sa mesa ng kanyang amo.
Lumalapit ako sa lyong katulad baga ng babaeng nagkasala
Na muntik nang batuhin ng mga taong mapanghusga,
Dahil alam kong Ikaw ay mahabagin
At tanging ikaw lang ang makakapagpuno sa aking mga pagkukulang,
Tanging Ikaw din lang ang nakakapagkubli sa aking mga kahihiyan
Tanging Ikaw lang ang magpapabangon sa akin mula sa pagkakalugmok Lumalapit ako sa lyong katulad ni San Pedro
Noong nagpakita ka sa kanya at parang ibig niyang lumubog sa kahihiyan, Noong niyaya mo siyang kumain at muling magpahayag ng kanyang pag-ibig Sa kabila ng ginawa niyang pagtatwa sa lyo.
Lumalapit akong katulad ng mga alagad ng Emmaus
Upang kagaya nila'y makasama kita sa aking paglalakbay,
Upang aking mawari ang saysay ng tanang mga pangyayari sa aking buhay
At upang sa pamamagitan ng Salita Mong banal,
Ang puso kong nanlalamig sa karimlan ay muling uminit at masikatan ng liwanag
At upang kita'y makilala kapag tayo'y nagkasalo
At nang ako'y tubuan ng lakas ng loob na muling harapin ang mga bagay na aking tinatakasan.
Isinusuko ko sa lyo, O Panginoong Maawain, ang tanang akin,
Sapagkat tanging ikaw lamang Panginoon ko at Diyos
Ikaw na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo,
Magpasawalang-hanggan.
Amen.


PRAYER TO THE SACRED HEART OF JESUSO most Holy Heart of Jesus,fountain of every blessing, Iadore You, I love You, and wi...
02/10/2026

PRAYER TO THE SACRED HEART OF JESUS
O most Holy Heart of Jesus,
fountain of every blessing, I
adore You, I love You, and with
lively sorrow for my sins, I offer
You this poor heart of mine.
Make me humble, patient, pure
and wholly obedient to Your will.
Grant, good Jesus, that I may
live in You and for You. Protect
me in the midst of danger.
Comfort me in my afflictions.
Give me health of body,
assistance in my temporal
needs, Your blessing on all that
I do, and the grace of a holy
death. Amen.
Most Sacred Heart of Jesus,
Have mercy on us!

Mahal na Jesus Nazareno, buksan Mo ang aming mga puso at  dinggin Mo ang aming panalangin.
02/10/2026

Mahal na Jesus Nazareno, buksan Mo ang aming mga puso at dinggin Mo ang aming panalangin.

Address

Manila
1001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus Nazareno Aming Mahal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Jesus Nazareno Aming Mahal:

Shortcuts

Share