Sword of Saint Michael, Catholic Defense

Sword of Saint Michael, Catholic Defense Our mission is one with the Holy Catholic Church, that is to proclaim the Good News which is the Truth. Follow, like and share to be with us in this mission!

We post Gospel reflections daily. Visit https://sanctemichaeldefense.wordpress.com

21/06/2026

SUFFICIENT FAITH: 06/21/26 (Twelfth Sunday in Ordinary Time)

Gospel
Matthew 10:26-33
Jesus said to the Twelve:
"Fear no one.
Nothing is concealed that will not be revealed,
nor secret that will not be known.
What I say to you in the darkness, speak in the light;
what you hear whispered, proclaim on the housetops.
And do not be afraid of those who kill the body but cannot kill the soul;
rather, be afraid of the one who can destroy
both soul and body in Gehenna.
Are not two sparrows sold for a small coin?
Yet not one of them falls to the ground without your Father's knowledge.
Even all the hairs of your head are counted.
So do not be afraid; you are worth more than many sparrows.
Everyone who acknowledges me before others
I will acknowledge before my heavenly Father.
But whoever denies me before others,
I will deny before my heavenly Father."

Reflection

"Even all the hairs of your head are counted. So do not be afraid; you are worth more than many sparrows." In today's world where there seem to be so many worries and life is difficult, it is easy to forget the goodness of God. But it never changes. Every day, there is a new blessing. May we make it a habit to count these graces with the help of the Holy Spirit. As soon as we wake up, let us immediately give thanks that we are alive and have a place to sleep. Before and after eating, let us thank God. Whether we like the food or not, everything is a blessing and should be appreciated. This gratitude will remind our minds and hearts that God never abandons us. We will get to know Him more as God our Father who is generous and faithful. Our faith in Him will grow even deeper. That is why, as Jesus said, “do not be afraid.” What is it that we are worrying about? What are our anxieties? Have we tried telling them all to God and believing that He will help us? This is what faith is—even if all our problems do not disappear, God is with us in every struggle. He is our Father who never abandons us. He is the Father who is always ready to come to our aid. While earthly fathers may make mistakes and fall short because they are only human, our Father in Heaven always provides for anyone who trusts in Him with a clean heart and pure intentions. Amen. + Happy Father’s Day to all the fathers!

May we believe in and continuously ponder this. Amen. +

May our Loving and Almighty God bless us, and may He defend us against temptations and evil now and forever. Amen. +

Reflection by: FMMJ

Translation by: CJTH

Source:
https://bible.usccb.org/daily-bible-reading

Examination of Conscience and Guide to Sacrament of Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website on how to raise and guard children in their Catholic faith:
https://howtokeepyourkidscatholic.com/

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

21/06/2026

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: "Sapat na Pananalig"

Hunyo 21, 2026.

Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

MABUTING BALITA
Mateo 10, 26-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Huwag kayong matakot sa mga tao. Walang natatago na di malalantad o nalilihim na di mabubunyag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinulong sa inyo ay inyong ipagsigawan. Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan, sa impiyerno. Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.

“Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

“Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.” Sa mundo ngayon na tila napakaraming alalahanin at mahirap ang buhay, madaling makalimutan ang kabutihan ng Diyos. Subalit hindi ito nagbabago. Araw-araw, may bagong biyaya. Ugaliin nawa nating bilangin ang mga grasya na ito sa tulong ng Espiritu Santo. Pagkagising natin ay magpasalamat agad tayo na tayo ay may buhay at may natulugan. Bago at matapos kumain ay magpasalamat tayo sa Diyos. Gusto man natin ang pagkain o hindi, ang lahat ay biyaya at dapat ipagpasalamat. Ang pagpapasalamat na ito ang maglalagay sa ating isip at puso na hindi tayo pinababayaan ng Diyos. Mas makikilala natin Siya bilang Diyos na ating Ama na mapagbigay at matapat. Lalong lalago ang ating pananalig sa Kanya. Kaya naman, sabi nga ni Hesus, “huwag kayong matakot”. Ano ba ang ating inaalala? Ano ang ating mga ikinababahala? Nasubukan na ba nating sabihin itong lahat sa Diyos at maniwala na tutulungan Niya tayo? Ganito ang pananalig, hindi man mawala ang lahat ng problema, ngunit sa lahat ng suliranin ay kasama naman natin ang Diyos. Siya ang ating Ama na hindi tayo pinababayaan. Siya ang Ama na laging handang sumaklolo sa atin. Kung ang ibang ama ay maaaring magkamali at magkulang dahil siya ay tao lamang, ang ating Ama sa Langit ay palaging nagbibigay sa sinumang nananalig sa Kanya nang may malinis na hangarin at puso. Amen. + Happy Father’s Day po sa lahat ng mga ama!

Pagninilay ni: FMMJ

Pagbasa: Awit at Papuri Communications

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Examination of Conscience and Guide to Sacrament of Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website on how to raise and guard children in their Catholic faith:
https://howtokeepyourkidscatholic.com/

14/06/2026

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: "Tayo ang mga Apostol"

Hunyo 14, 2026.

Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon

MABUTING BALITA
Mateo 9, 36 – 10, 8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang nakita ni Hesus ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.”

Tinipon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; sina Felipe at Bartolome; si Tomas, at si Mateo na publikano; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong makabayan at si Judas Iscariote, ang nagkanulo kay Hesus.

Ang labindalawang ito’y sinugo ni Hesus at kanyang pinagbilinan: “Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad magbigay naman kayo nang walang bayad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

“Ang labindalawang ito’y sinugo ni Hesus at kanyang pinagbilinan.” Ito ang tagpo sa Ebanghelyo ngayong Linggo. Ipinadala ang mga alagad sa iba’t ibang pook upang magpahayag ng Mabuting Balita, subalit hindi lang sila ang mga apostol. Tayo rin. Tayo ay isinugo rin ng Diyos upang magpahayag ng Mabuting Balita, gumawa ng mabuti at makiisa sa mga gawaing para sa Diyos. Hindi rin inaabangan ng Diyos na tayo ay perpekto na; tanggap Niya tayo kahit na tayo ay maraming kahinaan at nagkakasala. Kaya nga, kahit si Hudas Iskariote ay kasama sa Kanyang mga alagad. Hindi siya sumusuko sa pagpatawad at pagtulong sa tao. Ang tao ang sumusuko sa kanyang sarili.

Bilin pa Niya sa mga alagad, “Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo.” Marahil sasabihin ng iba na para lang ito sa mga pari o relihiyoso, ngunit hindi lang sila ang anak ng Diyos; tayo rin. Bilang mga anak, may tawag tayong maglingkod sa Ama na pinanggagalingan ng lahat ng ating biyaya at grasya.

Ang Diyos ay madarama at makikita sa pamamagitan natin kung mabait tayo sa iba at mapagbigay nang walang kapalit. Ito ang pagpapahayag ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga buhay at sarili. Ngunit kung mas inuuna pa natin ang tsismis at kasiraan ng iba kaysa sa kabutihan sa salita at sa gawa, tayo ay lubhang nagkukulang sa Diyos at kapwa bilang mga Kristiyano. Hindi man tayo makakapagpagaling ng mga maysakit, maaari nating silang tulungan at ipagdasal. Maaari tayong dumalaw sa mga maysakit sa pamamagitan ng iba’t ibang grupo sa simbahan na gumagawa nito. Mapapalayas din ang demonyo na nanunukso at nais maghari sa mga pamilya sa pamamagitan ng taimtim at masugid na pagdarasal araw-araw kasama ang hangaring magbago. Maraming paraan upang maging tunay na alagad ng Diyos. Kung gugustuhin natin at kung alam natin na ito ang daan natin papuntang Langit, magagawa nating magsakripisyo at iwan ang dapat upang makapaglingkod sa Diyos. Amen. +

Pagninilay ni: FMMJ

Pagbasa: Awit at Papuri Communications

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Examination of Conscience and Guide to Sacrament of Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website on how to raise and guard children in their Catholic faith:
https://howtokeepyourkidscatholic.com/

14/06/2026

WE ARE THE APOSTLES: 06/14/26 (Eleventh Sunday in Ordinary Time)

Gospel
Matthew 9:36—10:8
At the sight of the crowds, Jesus’ heart was moved with pity for them
because they were troubled and abandoned,
like sheep without a shepherd.
Then he said to his disciples,
“The harvest is abundant but the laborers are few;
so ask the master of the harvest
to send out laborers for his harvest.”

Then he summoned his twelve disciples
and gave them authority over unclean spirits
to drive them out and to cure every disease and every illness.
The names of the twelve apostles are these:
first, Simon called Peter, and his brother Andrew;
James, the son of Zebedee, and his brother John;
Philip and Bartholomew, Thomas and Matthew the tax collector;
James, the son of Alphaeus, and Thaddeus;
Simon from Cana, and Judas Iscariot who betrayed him.

Jesus sent out these twelve after instructing them thus,
“Do not go into pagan territory or enter a Samaritan town.
Go rather to the lost sheep of the house of Israel.
As you go, make this proclamation: ‘The kingdom of heaven is at hand.’
Cure the sick, raise the dead, cleanse lepers, drive out demons.
Without cost you have received; without cost you are to give.”

Reflection

“Jesus sent out these twelve after instructing them thus.” This is the scene in this Sunday’s Gospel. The disciples were sent to various places to proclaim the Good News, but they are not the only apostles. We are, too. We are also sent by God to proclaim the Good News, to do good, and to participate in works for God. Furthermore, God does not expect us to be perfect; He accepts us even though we have many weaknesses and we sin. That is why even Judas Iscariot was included among His disciples. He never gives up on forgiving and helping humanity. It is humans who give up on themselves.

He further instructed the disciples, “Go and preach that the Kingdom of God is near. Heal the sick and raise the dead. Cleanse the lepers and drive out demons.” Others might say this is only for priests or the religious, but they are not the only children of God; we are, too. As His children, we have a calling to serve the Father, from whom all our blessings and graces flow.

God can be felt and seen through us if we are kind to others and generous without expecting anything in return. This is the proclamation of the Kingdom of God through our lives and ourselves. But if we prioritize gossip and tearing others down instead of doing good in word and deed, we fall deeply short before God and our neighbors as Christians. Even if we cannot physically heal the sick, we can help them and pray for them. We can visit the sick through various church groups that do this. The demon that tempts and wishes to reign over families can also be driven out through sincere and earnest daily prayer, coupled with the desire to change. There are many ways to be a true disciple of God. If we truly want to, and if we know that this is our path to Heaven, we can make sacrifices and leave behind what is necessary in order to serve God. Amen. +

May we believe in and continuously ponder this. Amen. +

May our Loving and Almighty God bless us, and may He defend us against temptations and evil now and forever. Amen. +

Reflection by: FMMJ

Translation by: CJTH

Source:
https://bible.usccb.org/daily-bible-reading

Examination of Conscience and Guide to Sacrament of Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website on how to raise and guard children in their Catholic faith:
https://howtokeepyourkidscatholic.com/

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

13/06/2026

ATENEO,

Let this be a wake-up call for you. This is not a time to be busy with PRIDE month as you always do every year. As a university that is not only Catholic but also Jesuit, you must actually promote the SACRED HEART OF JESUS during this time. As a Catholic, you, of all the top private universities in the Philippines and a CATHOLIC at that, must have known that the month of June in the Holy Church is dedicated to the MOST SACRED HEART OF JESUS, not to PRIDE MONTH. Remember this! Remember who you are. The Sacred Heart of Jesus is a devotion that the Jesuits established. It was promulgated by Saint Claude Jean de la Colombiere, SJ, because of the visions of Saint Margaret Mary Alacoque. This is what you SHOULD promote, period.

Let this be a warning and a wake-up call for you. Do not waste your time in useless pursuits that turn you into a cold, heartless, un-Catholic institution that people are perceiving you to be right now. Go back to who you are. You are Catholic. You are a Jesuit institution. Promote the Sacred Heart NOW, instead of promoting ideologies that are against the Catholic teachings; do not be like other Catholic institutions that have turned from their faithful ways. Panindigan mo sarili mo na ikaw talaga ay isang Catholic at Jesuit university who must proclaim and form men and women for the greater glory of God and not for evil. Most importantly, from this authentic faith, dapat alam mo na taking accountability for your mistakes is part of it. Aminin mo ang mga pagkakamali mo at magbago ka ngayon na.

Disclaimer: We are not discriminating against persons with same-s*x attraction; that is a whole different topic. What is clear here is bakit kailangan yun ang i-promote? Between Jesus and tao, tao talaga ang pipiliin, na confusing pa ang teachings? Read about what the Catholic Church truly teaches about homos*xuality here [1]. No discrimination, just pure facts.

To cut the long story short, hindi automatically kasalanan ang may same s*x attraction if not acting on it, and if the person is striving to be chaste and pure in words, thoughts, and deeds, but if more than that, it could be a sin, especially since the s*xual acts are a mortal sin. Is this teaching clear sa pag promote ng PRIDE? NO. Instead, celebrate and encourage niyo pa sa events na yan instead of teaching them the truth with love. The Lord loves everyone but not sin. We can accept people but not sin. This teaching must be very clear, or else you are leading people to danger, and it’s no way to be a Catholic.

If you cannot accept these teachings, then you are not a real Catholic. You only believe what you want, or what you think is right, and not the full truth. The Catholic Church has already established the truth, and it is there, whether you like it or not. Do not confuse people or mistakenly lead them to possible sin. This is your warning.

~ En Maria

10/05/2026

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: "Pananatili ng Diyos"

Mayo 10, 2026.

Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

MABUTING BALITA
Juan 14, 15-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. Dadalangin ako sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng isa pang patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito’y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y sumasainyo at nananahan sa inyo.

“Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo. Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan. Ngunit ako’y makikita ninyo; sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo. Malalaman ninyo sa araw na yaon na ako’y sumasa-Ama, kayo’y sumasaakin, at ako’y sumasainyo.

“Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Sa susunod na Linggo ay gugunitain na natin ang pag-akyat ni Hesus sa Langit. Kaya naman ngayong araw ang ebanghelyo ay tila paghahabilin. Mahalagang tandaan natin ang sinabi ni Hesus, “Hindi ko kayo iiwang nangungulila”. Walang sinumang makakapagsabi na simula noong umakyat si Hesus sa Langit ay wala nang Diyos. Sa katunayan, lalo natin Siyang naging kasama. Nasa puso natin Siya. Nasa Eukaristiya at maari natin doong tanggapin sa Banal na Misa araw-araw sa anyo ng puting ostiya. Maari natin Siyang makausap nang harapan sa pagpunta sa mga Tabernakulo kung nasaan ang Kanyang katawan. Hindi kailanman lumisan ang Diyos. Tayo ang lumilisan sa Kanya. Sa tuwing hindi natin nakukuha ang ating kagustuhan, sa tuwing nadadala tayo ng kawalang pasensiya at kawalang tiwala sa Diyos, napakadali para sa atin ang iwan Siya. Ngunit ang Diyos ay hindi kailanman umaalis. Palagi pa rin Siyang naghihintay na bumalik tayo sa Kanya. Palagi rin Siyang nanunuyo sa pamamagitan ng mga sitwasyon at bagay na hindi natin agad nakikita ngunit kung bubuksan natin ang puso natin at magpapatulong para makita at maunawaan natin ang Diyos at ang Kanyang mensahe para sa atin, dito magsisimulang magbago ang ating buhay. Sabi pa ni Hesus, “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. Dadalangin ako sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng isa pang patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman.” Inaanayayahan Niya tayong, sa kabila ng kaguluhan ng mundo, ay ibigin at sundan natin Siya at ang Kanyang bilin sa pamamagitan ng Salita ng Diyos at ang ating konsensiya. Kung tayo ay nagmamahal sa Diyos, natural lamang na gusto natin Siyang sundin. Ang Patnubay ay ang Espiritu Santo na tutulong sa atin matanggap ang karunungan ng Diyos kung magpapatulong tayo sa Kanya. Alalahanin natin tuwing umaga pagkagising kung paanong tayo ay mismong templo ng Espiritu Santo at humingin ng Kanyang tulong. Sa gabi ay ugaliin naman nating magpasalamat dahil natanggap natin ang tulong at mga biyaya na Kanyang bigay kahit pa tayo ay mga makasalanan. Amen. +

Pagninilay ni: FMMJ

Pagbasa: Awit at Papuri Communications

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

10/05/2026

PROPER DRESS CODE ATTIRE FOR MASS

Modern culture has done a lot to erode away many of our traditions as well as decency and reverence. Although the Catholic Church has no real dress code for proper attire when attending Mass, there is an unwritten dress code that demands we are properly dressed out of Respect, Honor, and Reverence for the Real Presence of Our Lord.

There are TWO main reasons one should dress modestly and decently for Mass:
1. Out of respect for God.
2. In Order not to be a distraction or stumbling block to our fellow parishioners.

It is also a wonderful way to teach our children respect, honor and reverence.
Here is what the Catechism of the Catholic Church has to say about dressing properly for Mass:
“To prepare for worthy reception of this sacrament, the faithful should observe the fast required in their Church. Bodily demeanor (gestures, clothing) ought to convey the respect, solemnity, and joy of this moment when Christ becomes our guest.” – CCC 1387

Generally, we should be guided by a combination of virtue, common sense, and piety when deciding what to wear to Mass.
Ministers including cantors, instrumentalists, choristers, lectors, extraordinary ministers and hospitality should be particularly mindful of how they dress for Mass. They should be examples for our Parish. It is highly disrespectful to administer Holy Communion to the faithful while dressed in something like shorts or spaghetti strap tops.
Men/boys should be mindful to remove all headwear before entering the Church.

© saintluketheevangelist.org

This is not mean to say a discrimination for those who are poor and are not really able. But for those who can wear clean clothes everyday and can also eat everyday, this is our responsibility to give to God what is due to Him which is our utmost respect and reverence to Him and in His presence in His Sanctuary where He is most present.

PS:
Kung nagagawa nga nating mag-effort sa maraming bagay iyon pa kayang sa Diyos pa? At hindi naman ito mahirap gawin. Minsan ayaw lang talaga natin.
Uulitin ko, hindi ito para sa mga tao sa lansangan na wala nang maisuot. Huwag ninyo silang gawing basehan dahil sila ay wala nang choice sa buhay. Pero tayo na mayroon pa, sana piliin natin ang tama.
Kaawaan nawa tayo ng Diyos at bigyan ng lakas na makasunod sa Kanyang kalooban. Amen.

03/05/2026

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: "Daan, Katotohanan, at Buhay"

Mayo 03, 2026.

Ika-5 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

MABUTING BALITA
Juan 14, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” Sumagot si Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung ako’y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.”

Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan na kami.” Sumagot si Hesus, “Matagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyata’t hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: ako’y sumasa-Ama at ang Ama ay sumasaakin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Malapit nang bumalik si Hesus sa Ama sa pag-akyat sa Langit kaya ang nababasa natin sa ebanghelyo ngayon ay ang Kanyang huling habilin o pamamaalam. Sa mundo ngayon na napakaraming “distraction” o umaagaw ng pansin at atensyon natin, ang wika ni Hesus ay “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.” Maraming sikat ang nagtuturo ng daan na tila mabuti ngunit iisa lang ang daan - si Hesus. Siya rin ang magtuturo ng tunay na daan patungo sa Kanya, tungo sa kabutihan, katapatan, kasaganaan at lahat ng hinahanap natin. Kaya naman isa rin itong paanyaya sa atin na Diyos ang laging hanapin sa lahat ng bagay. Siguraduhin natin na ang mga sinusundan at pinapakinggan ay walang taliwas sa tinuturo Niya at ng Simbahan. Kung may hinahanap tayo, bakit hindi natin unang hanapin sa Diyos?

Kung may nais tayong makamit, bakit hindi natin unahing komunsulta sa Diyos? Ang mga pighati sa ating buhay ay sanhi ng dahil tayo ang nauuna at nakakalimutan nating maghintay sa Kanya. Minsan ito ay dahil naiisip natin na tayo ang daan o ang may alam ng daan. Ngunit kung iisipin nating Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat at ang tanging makakapaggabay sa atin, magiging mas maayos ang ating buhay sapagkat Diyos mismo ang mamamayani sa ating desisyon. Kung magpapatulong tayo sa Kanya ay tutulungan Niya tayo. Dahil nais Niyang hanapin natin Siya at hingiin ang Kanyang tulong, makakatagpo tayo ng napakaraming grasya na hindi natin matatagpuan kung tayo lang mag-isa at hindi dumudulog sa Kanya. Ang Diyos ay mapagbigay at lubos na mapagmahal sa sinumang umaasa sa Kanya at kung kulang ang ating pananalig ay humingi pa tayo at daragdagan Niya ito. Amen. +

Pagninilay ni: FMMJ

Pagbasa: Awit at Papuri Communications

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

19/04/2026

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: "Daan sa Emaus"

Abril 19, 2026.

Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

MABUTING BALITA
Lucas 24, 13-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang Linggo ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Hesus at nakisabay sa kanila. Siya’y nakita nila, ngunit hindi nakilala agad. Tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?” At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na ang ngala’y Cleopas, “Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon.” “Anong mga bagay?” tanong niya. At sumagot sila, “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siya ay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito; nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw silang nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabi’y nakakita raw sila ng isang pangitain – mga anghel na nagsabing buhay si Hesus. Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Hesus.”

Sinabi sa kanila ni Hesus, “Kay hahangal ninyo! Ano’t hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan?” At ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta.

Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Hesus ay waring magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siya’y pinakapigil-pigil nila, “Tumuloy na po kayo rito sa amin,” anila, “sapagkat palubog na ang araw at dumidilim na.” Kaya’t sumama nga siya sa kanila. Nang siya’y kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus, subalit ito’y biglang nawala. At nawika nila, “Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!”

Noon di’y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na nag-uusap-usap, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!” At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang paghati-hatiin niya ang tinapay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Ang dalawang alagad na naglalakad patungong Emmaus ay tumatakas. Nais nilang lisanin ang Jerusalem kung saan namatay si Hesus na kanilang inaasahan, tinitingala at sinusundan. Wala na silang pag-asa at hindi nila pinaniniwalaan na muling nabuhay si Hesus. Kaya naman, lumitaw sa gitna nila si Hesus habang naglalakbay nang hindi nila namamalayan. Hindi nila nakilala si Hesus. Isa pa, ang Banal na Misa ang nakapagbukas ng kanilang mga mata na si Hesus din mismo ang namuno. Ang puso nila ay tila nag-aapoy habang kausap si Hesus at kahit hindi nila Siya nakilala, ang puso naman nila ang nakakaalam. Pinaliliwanag ni Hesus ang dahilan ng paghihirap ng Mesiyas at kung bakit kailangang mangyari ito lahat. Maaring ganito rin tayo at hanggang ngayon ay nakatuon sa ating sariling problema sa buhay. Sa sobrang sakit ay hindi rin natin kaagad makita ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Subalit ang Panginoon ay muling nabuhay. Ibig sabihin ay magtatagumpay din tayo sa lahat ng mga suliranin kung hahayaan nating samahan tayo ni Hesus. Bibigyan Niya tayo ng lakas. Ang pangunahing lakas natin ay ang Eukaristiya - ang mismong pagtanggap sa katawan at dugo ni Hesus nang may malinis na puso at pagkatao. Anu-ano ang mga bagay na tila mabigat sa atin at tila hindi natin mabitawan? Ibigay natin ito ngayon kay Hesus. IpagpasaDiyos natin ang mga ito sa panalangin at lalo sa Banal na Misa. Tulad ng mga alagad ay bubuksan Niya ang ating mga mata upang makita ang hindi natin nakikita. Makikita natin at mararamdamang Siya ang kasama natin sa paglalakbay at sa misyong ating kinatatakutan at magiging puno ito ng biyaya at grasya Niya. Amen. +

Pagninilay ni: FMMJ

Pagbasa: Awit at Papuri Communications

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

Address

Manila
1008

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sword of Saint Michael, Catholic Defense posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share