26/06/2026
MALIGAYANG KAPISTAHAN, MAHAL NA BIRHEN NG LAGING SAKLOLO, IPANALANGIN MO KAMI!
Our Lady of Perpetual Help o Mahal na Birhen ng Laging Saklolo ay isang titulo ng Mahal na Birheng Maria na kilala sa buong Simbahang Katolika bilang mapagkalingang ina na laging handang tumulong sa kanyang mga anak sa oras ng pangangailangan. Ang debosyon sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo ay nakabatay sa isang sinaunang ikono na nagpapakita kay Maria na karga ang Batang Hesus.
Ang kapistahan ng Our Lady of Perpetual Help ay ipinagdiriwang tuwing Hunyo 27. Sa araw na ito, maraming simbahan at mga deboto ang nagdaraos ng Banal na Misa, nobena, at iba pang gawaing panrelihiyon bilang pagpaparangal at pasasalamat sa Mahal na Ina.
"Sa ilalim ng mapagmahal na pagkalinga ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo, tayo ay inaanyayahang magtiwala sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok at patuloy na manalig sa Kanyang walang hanggang pagmamahal at awa." 🙏💙
Happy Fiesta Pamayanan ng Hapag ng Orcunoma 🎉