06/06/2026
Unang Sabado ng Hunyo, Alay sa Virgen De Los Remedios
Indu ning Capaldanan | Tula ning Capampangan
Madre Y Alegria de Barangay 621
PAGTATALAGA
O kalinis-linisang Ina ng Diyos at Ina naming lahat.
Reyna ng langit at lupa,
Virgen de los Remedios na kahanga-hanga,
bilang nagmamahal mong mga anak, na nakapaligid sa iyong trono
at nakaluhod sa iyong karangalan
pagiging Ina ng Diyos,
sa araw na ito na totoong maligaya sa iyo
at malaking tuwa naman para sa amin.
inihahandog namin sa iyo ang aming pagkatao,
ang aming tahanan, ang lahat ng aming pag-aari,
alang-alang sa walang hanggang awa ng Diyos,
ang aming bayan at ang buo naming lalawigan,
upang ang lahat ay iyong ampunin,
at bilang tunay na iyo ay lingapin.
Buhat sa langit na iyong tahanan,
kung saan ikaw ay naging Reyna, katabi ng anak mong si Hesus,
ilingon mo sa amin ang iyong mga matang maka-ina
at maka-reyna.
Ikaw na sana ang maging tagapaglingap
sa kawalang kamalayan ng aming mga anak,
sa kahinahunan at pagkamasunurin ng mga kabataan,
sa ikauunlad ng aming bayan,
sa kapayapaan ng aming lalawigan, na aming sinilangan
alang-alang sa kalooban ng Diyos.
Pinutungan ka ng korona
bilang Reyna at Ina ng aming lalawigan,
ngayon ipinagsisigawan ka naming Patrona ng Pampanga,
sa malaki naming kapasalamatan
sa maraming biyayang ipinagkaloob mo sa amin,
inihahandog namin ang aming buong pagkatao
at ang lahat ng aming mararating sa buhay
na ipinagkakaloob ng Diyos para sa aming kabutihan
habang dito sa bayang kahapis-hapis kami ay naglalakbay.
Ang matibay naming paniniwala ay kung
darating na ang oras ng pagpanaw namin sa mundong ito,
bilang gantimpala sa tapat naming pamimintuho
at pagmamahal sa iyo,
kami sana sa langit na iyong tahanan
ay tanggapin mo.
O ipinagdarangal naming Birhen de los Remedios,
Ina ng kagalingan, katuwaan ng mga Kapampangan,
bendisiyunan mo kami at huwag mong kaliligtaan
na ikaw ang Ina at Patrona ng aming lalawigan.
Amen.