Pamilya LDCC

Directions Contact the place of worship

Pamilya LDCC Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pamilya LDCC, Christian church, 748 Raxabago Street , Tondo, Manila.

LDCC TONDO - 748 Raxabago St., Tondo, Manila
*Sunday Worship — 9:30AM
*Life Youth Service | Saturdays | 3:30PM
*Prayer Meeting | Wednesdays | 7:00PM

LDCC PANDI - Lot 47 Blk 73 Padre Pio Pandi, Bulacan
*Sunday Worship — 10:00AM

A Gracious and Powerful first Sunday of the month! Thank You for blessing us with Your presence, Lord!
04/10/2026

A Gracious and Powerful first Sunday of the month! Thank You for blessing us with Your presence, Lord!




At habang lumalaki ang church, hindi natin nakalimutan ang maliliit.Noong 2023, nagsimulang dumalo ang mga bata mula sa ...
04/10/2026

At habang lumalaki ang church, hindi natin nakalimutan ang maliliit.
Noong 2023, nagsimulang dumalo ang mga bata mula sa Arqueros, Endaya, Prudencia, at mga kalapit na lugar.

Doon nagsimula ang lingguhang Kids Fellowship.

Para sa iba, maaaring simpleng activity lang ito— may games, pagkain, kwentuhan, at lessons.

Pero para sa isang bata, maaaring dito niya unang marinig na mahal siya ng Diyos.
Maaaring dito siya unang matutong manalangin.

Maaaring dito magsimula ang faith na dadalhin niya hanggang paglaki.
And that’s why reaching the next generation matters.

Dahil ang church na iniwan sa atin ng mga nauna ay siya ring church na ihahanda natin para sa mga susunod.

The story continues with them.

03/10/2026

Maraming salamat, Panginoon, sa panibagong buwan na Iyong ipinagkaloob. Salamat sa isa na namang pagkakataon upang Ikaw ay purihin. Naging mabuti Ka sa mga nakaraang buwan, at naniniwala akong patuloy Kang magiging mabuti sa buwang ito.

Kasama ng aking buong pamilya, sasambahin Ka namin. 🥹

See you, kapamilya! ❤️

LDCC TONDO — 9:30AM
LDCC PANDI — 10:00AM

03/10/2026

Mula sa pagiging kabataan… hanggang sa pagiging gabay ng susunod na henerasyon.

Nagsimula sa simpleng pag-attend ng Kids at Youth Fellowship. Naranasan ang ma-train, ma-guide, at maalagaan ng mga naunang leaders.

And now, look how far God has brought them.

Naging parte ng leadership team. Naging katuwang sa paglilingkod. At ngayon, sila na ang nag-aalaga at nagpapatuloy sa pag-disciple ng panibagong henerasyon ng mga kabataan.

Kasi ang paglilingkod sa LDCC, hindi lang basta programa o ginagawang tungkulin.

It’s about life-to-life transformation.

Mula sa mga natutunan mula sa atin ding elders at pastors, ipinapasa ang parehong pagmamahal, kalinga, at gabay sa mga susunod na mamumuno.

Because leadership in the church is a story of continuous pass-the-baton.

Sila ang patunay na ang puso ng paglilingkod ay hindi tumitigil, ito ay umaagos mula sa isang henerasyon tungo sa isa pa.

21 years of grace, growth, and passing the torch to the next generation.



Bago nagkaroon ng Youth Service, may simpleng fellowship muna sa bahay.Noong 2011, nagsimulang mabuo ang samahan ng mga ...
02/10/2026

Bago nagkaroon ng Youth Service, may simpleng fellowship muna sa bahay.

Noong 2011, nagsimulang mabuo ang samahan ng mga kabataan ng LDCC.

Walang malaking venue. Walang bonggang setup.

Just young people gathering, building friendships, and growing together in faith.

Hanggang noong 2013, nagkaroon ng kauna-unahang Youth Service sa garahe tuwing Biyernes.

From a house, to a garage, to what came after.

At maraming kabataan ang lumaki kasama ng ministry na ito—may ilan na naglilingkod pa rin, may ilan na may sarili nang pamilya, at may bagong generation namang nagpapatuloy.

Because youth ministry was never just about being young.

It was about raising a generation that would know God and eventually help the next generation know Him too.

01/10/2026

Different generations. Different stories. But somehow, we all found a home here.

May mga pamilya na matagal nang part ng LDCC.

Dito sila lumaki.
Dito sila nag-grow sa faith.
Dito nila naranasan ang ups and downs ng buhay at ministry.

And through all those years, one thing remained:

God’s grace and faithfulness.

Pero may mga bagong pamilya rin na ngayon pa lang nagsisimula ng journey nila with LDCC.

Maybe they came for a different reason.
Maybe someone invited them.
Maybe they were looking for a church.
Maybe they simply found a place where they felt they belonged.

But eventually, they made a choice:

“Dito kami.”

And I think that’s what makes a church family beautiful.

Hindi kailangan pare-pareho ang story natin.

Hindi kailangan pare-pareho ang tagal natin dito.

Some were here from the beginning.
Some came along the way.
Some are just starting their journey.

Pero lahat tayo may place sa story na ginagawa ng Diyos.

Because being part of a church isn’t just about attending every Sunday.

It’s about finding people you can grow with, serve with, pray with, and call family.

And now, as we celebrate 21 years, we’re not just looking back at the families who stayed.

We’re also welcoming the families who will help carry the story forward.

From one generation to another.

Same God. Same family. New chapters.




May mga alaala talagang isang picture lang, parang bumabalik ka na agad.Noong May 16–17, 2012, ginanap ang kauna-unahang...
30/09/2026

May mga alaala talagang isang picture lang, parang bumabalik ka na agad.

Noong May 16–17, 2012, ginanap ang kauna-unahang Family Camp ng ating church sa Rizal Recreation Center, Laguna.

Pero higit sa lugar at activities, ang Family Camp ay tungkol sa isang bagay na naging malaking parte ng LDCC:

Pamilya.

Kainan. Tawanan. Kwentuhan. Fellowship. At pagkakataong mas makilala ang isa’t isa outside our usual church setting.

Because church was never meant to be just a place we attend every week.
It is a family we grow with.

At pagkatapos ng maraming taon, maaaring marami nang nagbago—pero dala pa rin natin ang parehong desire:

Sabay-sabay lumago. Sabay-sabay maglingkod. Sabay-sabay lumakad kasama ang Diyos.

29/09/2026

May mga testimony na hindi nabubuo sa isang araw. Inaabot sila ng maraming taon.

Sa loob ng 21 years, maraming kuwento ang naging bahagi ng LDCC.

May mga nagsimulang maglingkod noon at patuloy na naglilingkod hanggang ngayon. May mga pamilyang sabay-sabay lumago sa pananampalataya. May mga anak na lumaki sa church at kalaunan, sila naman ang naging bahagi ng ministry.

At sa likod ng lahat ng iyon, may kanya-kanyang pinagdaanan.

May ups and downs.
May pagsubok.
May mga panahong hindi naging madali.

Pero kapag tinanong mo ang mga taong ilang taon nang kasama sa journey na ito, paulit-ulit mong maririnig ang isang bagay:

Naging tapat ang Diyos.

Hindi dahil naging perfect ang 21 years.

Kundi dahil sa bawat season, may dahilan para magpatuloy. May kapayapaan. May blessing. May paglago. At may Diyos na hindi nang-iwan.

These are more than memories.

These are testimonies of lives and families changed through the years.

At ngayon, hindi lang natin ipinagdiriwang kung gaano na katagal ang LDCC.

Ipinagdiriwang natin ang Diyos na naging tapat sa bawat taong naging bahagi nito.

21 years of stories. 21 years of service. 21 years of God’s faithfulness.

Ang gawain ng Diyos ay hindi ginawa para manatili lang sa isang lugar.Sa paglipas ng mga taon, nagbukas ang Diyos ng pag...
28/09/2026

Ang gawain ng Diyos ay hindi ginawa para manatili lang sa isang lugar.

Sa paglipas ng mga taon, nagbukas ang Diyos ng pagkakataon para maabot pa ang ibang lugar at ibang pamilya.

At isa sa mga kuwentong iyon ang LDCC Pandi.

Sa loob ng siyam na taon, nakita natin kung paano nanatiling matatag at patuloy na lumalago ang iglesya sa Pandi, Bulacan.

Hindi lang ito tungkol sa pagkakaroon ng panibagong lugar.

It’s about reaching people.

Mga pamilyang nakasama. Mga buhay na naabot. Mga panalanging pinagsaluhan. At mga taong patuloy na naglilingkod.

Dahil kapag ang Diyos ang nagpapalago, ang dating maliit na simula ay maaaring umabot sa lugar na hindi mo inaasahan.

One church. Different places. Same God. Same mission.

27/09/2026

Dati, sila yung mga batang isinasama lang magsimba. Ngayon, sila na rin ang naglilingkod.

May mga batang pumapasok sa church na hindi pa lubos naiintindihan kung bakit sila nandoon.

Sumasama lang kay Mama at Papa.
Nakikinig sa Bible stories.
Nakikipaglaro sa Kids Ministry.
Pero habang lumilipas ang panahon, may unti-unting itinatanim ang Diyos sa puso nila.

Hanggang isang araw, hindi na lang sila yung tinuturuan.

Sila na rin ang nagtuturo.

Hindi na lang sila yung pinaglilingkuran.

Sila na rin ang naglilingkod.

From Kids Ministry to Youth Ministry. From being guided to helping guide others. From simply attending church to becoming part of its mission.

At siguro, isa ito sa pinakamagandang bagay na makikita natin after 21 years:
Ang pananampalatayang itinanim sa isang generation, naipapasa sa susunod.

Because the real legacy of a church isn't only what we build today.

It’s who we are raising for tomorrow.

At habang nakikita nating tumatayo at naglilingkod ang susunod na generation, nakikita rin natin na ang kuwento ng LDCC ay hindi nagtatapos sa 21 years.

May susunod. At sila naman ang magpapatuloy.


Address

748 Raxabago Street , Tondo
Manila
1012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamilya LDCC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Pamilya LDCC:

Shortcuts

Share