Pang-araw-araw na Salita ng Diyos

Pang-araw-araw na Salita ng Diyos Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pang-araw-araw na Salita ng Diyos, Religious organisation, Manila.

Darating ang panahon na ang iyong luha ay babagsak, hindi dahil sa mga problema, ngunit dahil sinagot ng Diyos ang iyong...
29/07/2021

Darating ang panahon na ang iyong luha ay babagsak, hindi dahil sa mga problema, ngunit dahil sinagot ng Diyos ang iyong mga panalangin 🙏🙏🙏
¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ 🌸*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ 🌸*¨*•.¸¸✿ .•*
Sinabi ng Diyos:”Ano ang unang bagay na dapat gawin ng mga tao tuwing may nakakaharap silang isyu? Dapat silang magdasal; nauuna ang pagdarasal. Ipinamamalas ng pagdarasal na ikaw ay madasalin, na nagsimula ka nang magkaroon ng pusong may takot sa Diyos, na marunong kang maghanap sa Diyos, na nabigyan mo Siya ng puwang sa puso mo, na ikaw ay isang madasaling Kristiyano. Maraming mas matatandang mananampalataya ang lumuluhod upang sabay-sabay na magdasal bawat araw, na napakatagal kung minsan kaya hindi na sila muling makatindig. Huwag na nating sabihin pa kung ito ay ritwal, o kung may mapapala sila mula rito; sabihin na lamang natin na ang matatandang kapatid na ito ay sadyang madasalin, mas mabubuti at mas masisigasig kaysa sa inyong mga kabataan. Ang unang dapat gawin kapag nakaharap ang isang isyu ay magdasal. Ang pagdarasal ay hindi lamang tuloy-tuloy na pagsasalita nang hindi taos; hindi niyan malulutas ang anumang mga problema. Maaari kang magdasal nang walo o sampung beses nang wala kang napapala, ngunit huwag panghinaan ng loob—dapat ka pa ring magdasal. Kapag may nangyari sa iyo, magdasal ka muna, sabihin mo muna sa Diyos, ipabahala mo iyon sa Diyos, hayaang tulungan ka ng Diyos, hayaang akayin ka Niya, at ipakita sa iyo ang daan. Pinatutunayan nito na inuna mo na ang Diyos, na Siya ay nasa puso mo. Kapag nakaharap mo ang isang isyu, kung ang una mong ginagawa ay lumaban, magalit, at magwala—kung, una sa lahat, nagiging negatibo ka—ito ay isang pagpapakita na wala ang Diyos sa puso mo. Sa tunay na buhay, dapat kang magdasal tuwing may nangyayari sa iyo. Sa pinakaunang pangyayari, dapat kang lumuhod at magdasal—ito ay mahalaga. Ipinamamalas ng pagdarasal ang iyong saloobin sa Diyos sa Kanyang presensya. Hindi mo ito gagawin kung wala ang Diyos sa puso mo. Sinasabi ng ilang tao, “Nagdarasal ako ngunit hindi pa rin ako nililiwanagan ng Diyos!” Hindi mo dapat sabihin iyan. Tingnan mo muna kung tama ang mga motibasyon mo sa pagdarasal; kung totoong hinahanap mo ang katotohanan at madalas kang magdasal sa Diyos, liliwanagan ka Niya nang maayos sa ilang bagay upang maunawaan mo—sa madaling salita, tutulungan ka ng Diyos na makaunawa. Kung wala ang kaliwanagan ng Diyos, hindi ka makauunawang mag-isa: Kulang ka ng talas ng isip, wala kang talino para dito, at hindi ito kayang tamuhin ng katalinuhan ng tao. Kapag nakauunawa ka, nagmumula ba ang pag-unawang iyan sa sarili mong isipan? Kung hindi ka liniwanagan ng Banal na Espiritu, hindi malalaman ng sinumang tinatanong mo kung ano ang kahulugan ng gawain ng Diyos o kung ano ang ibig sabihin ng Diyos; kapag sinabi sa iyo ng Diyos Mismo ang kahulugan, saka mo lamang iyon malalaman. Kaya nga, ang unang dapat gawin kapag may nangyayari sa iyo ay magdasal. Ang pagdarasal ay nangangailangan ng pagsisiyasat taglay ang isang saloobing naghahanap, at pagpapahayag ng iyong mga iniisip, palagay, at saloobin—ito ang dapat nitong ipaloob. Mawawalan ng bisa ang matamlay na paggawa ng mga bagay-bagay, kaya huwag mong sisihin ang Banal na Espiritu kapag hindi ka Niya liniwanagan. Nalaman Ko na sa pananampalataya sa Diyos ng ilang tao, patuloy silang naniniwala, ngunit hanggang sa mga labi lamang nila ang Diyos. Wala ang Diyos sa kanilang mga puso, itinatatwa nila ang gawain ng Espiritu, at itinatatwa rin nila ang pagdarasal; binabasa lamang nila ang mga salita ng Diyos, at wala nang iba. Matatawag ba itong pananampalataya sa Diyos? Tuloy-tuloy lamang silang naniniwala hanggang sa tuluyang mawala ang Diyos sa kanilang pananampalataya. Sa partikular, may mga tao na kadalasan ay namamahala sa mga pangkalahatang pangyayari, at nadarama nila na abalang-abala sila at wala silang napapala sa lahat ng kanilang pagsisikap. Ito ay isang usapin ng mga taong hindi tumatahak sa tamang landas sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Hindi ba’t mahirap na gawain ang tumahak sa tamang daan? Bigo silang tumahak sa daang ito kahit matapos nilang maunawaan ang maraming doktrina, at may ugaling tumahak sa landas na pababa. Kaya kapag may nangyayari sa inyo, dapat kayong gumugol ng mas maraming oras sa pagdarasal at paghahanap—ito ang pinakapayak na dapat ninyong gawin. Ang pagkatuto kung paano hangarin ang kalooban ng Diyos at ang mga layon ng Banal na Espiritu ang mahalaga. Kung walang kakayahan ang mga taong naniniwala sa Diyos na maranasan at maisagawa iyon, wala silang mapapala, at mawawalan ng saysay ang kanilang pananampalataya. “

Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang k...
28/07/2021

Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman alam na alam ng mga tao ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawain, kung gayon hindi sila angkop para gamitin ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanais ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon, makakatupad sa ninanais ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Nawala na sa mga taong naniniwala sa Diyos sa ganitong paraan ang kahulugan ng maniwala sa Diyos, at bagama’t maaari silang patuloy na maniwala hanggang sa kahuli-hulihan, hindi nila kailanman matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos, sapagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa mga titik, sa mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang substansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari kayang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Diyos ngunit tinututulan Siya, ay tunay na makakatupad sa ninanasa ng Diyos?”

May mga bagay na hindi kayang abutin ng kamay mo,pero kayang ibigay sayo ng Diyos at kayang abutin ng panalangin mo🙏💜
04/07/2021

May mga bagay na hindi kayang abutin ng kamay mo,
pero kayang ibigay sayo ng Diyos at kayang abutin ng panalangin mo🙏💜

Sabi ng mga salita ng Diyos na, "Tanging ang Lumikha ang naaawa sa sangkatauhang ito. Tanging ang Lumikha ang nagpapakit...
29/06/2021

Sabi ng mga salita ng Diyos na, "Tanging ang Lumikha ang naaawa sa sangkatauhang ito. Tanging ang Lumikha ang nagpapakita ng lambing at pagmamahal sa sangkatauhang ito. Tanging ang Lumikha ang may tunay at hindi napapatid na pagmamahal para sa sangkatauhan. Gayundin, tanging ang Lumikha ang makakapagkaloob ng kaawaan sa sangkatauhang ito at umiibig sa Kanyang buong sangnilikha. Lumulundag at sumasakit ang Kanyang puso sa bawat kilos ng tao: Siya ay nagagalit, nababalisa, at nagdadalamhati sa kasamaan at katiwalian ng tao. Siya ay nalulugod, nagagalak, nagpapatawad at nagsasaya sa pagsisisi at paniniwala ng tao; ang bawat isa sa Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay umiiral at umiikot para sa sangkatauhan; kung ano at kung anong mayroon Siya ay lubos na ipinahahayag para sa kapakanan ng sangkatauhan; ang kabuuan ng Kanyang mga damdamin ay nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan. Para sa kapakanan ng sangkatauhan, naglalakbay Siya at nagmamadali; tahimik Niyang ibinibigay ang bawat himaymay ng Kanyang buhay; iniaalay Niya ang bawat minuto at segundo ng Kanyang buhay"

25/06/2021
Bago magtrabaho, huwag kalimutan na makinig sa sipi ng mga salita ng Diyos. Ilang minuto lang ang itatagal nito. Nawa ay...
22/06/2021

Bago magtrabaho, huwag kalimutan na makinig sa sipi ng mga salita ng Diyos. Ilang minuto lang ang itatagal nito. Nawa ay magabayan kayo ng Diyos sa inyong pang araw-araw na trabaho.

Kahit busy ka,Handa ka bang maglaan NG oras para magbasa Ng Salita NG Diyos??
22/06/2021

Kahit busy ka,Handa ka bang maglaan NG oras para magbasa Ng Salita NG Diyos??

Sa iyong abalang buhay, huwag kalimutang magpanatili ng isang normal na relasyon sa Diyos. Itahimik ang iyong sarili at ...
21/06/2021

Sa iyong abalang buhay, huwag kalimutang magpanatili ng isang normal na relasyon sa Diyos. Itahimik ang iyong sarili at makinig sa Araw-araw na mga Salita ng Diyos, at mapapalapit ka sa Diyos.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pang-araw-araw na Salita ng Diyos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share