San Lorenzo Ruiz Choir

San Lorenzo Ruiz Choir To guide young people to serve the Church and God through singing.

๐‘ฐ๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’Š๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’‘๐’‚๐’•๐’๐’‚๐’‘๐’–๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’“๐’‚๐’˜ ๐’๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’‰๐’‚๐’‰๐’‚๐’๐’…๐’‚ (๐‘จ) | ๐‘บ๐’–๐’๐’…๐’‚๐’š ๐‘บ๐’†๐’“๐’—๐’Š๐’„๐’† | 3PM๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€Juan 11, 1-45๐—”๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น...
23/03/2026

๐‘ฐ๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’Š๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’‘๐’‚๐’•๐’๐’‚๐’‘๐’–๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’“๐’‚๐’˜ ๐’๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’‰๐’‚๐’‰๐’‚๐’๐’…๐’‚ (๐‘จ) | ๐‘บ๐’–๐’๐’…๐’‚๐’š ๐‘บ๐’†๐’“๐’—๐’Š๐’„๐’† | 3PM

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
Juan 11, 1-45

๐—”๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐˜‚๐—ฎ๐—ป

Noong panahong iyon, nagpasabi kay Hesus ang mga kapatid na babae ni Lazaro, โ€œPanginoon, ang kaibigan mong minamahal ay may sakit.โ€ Ngunit nang marinig ito ni Hesus ay sinabi niya, โ€œHindi magwawakas sa kamatayan ang sakit na ito. Nangyari ito upang maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nitoโ€™y maparangalan ang Anak ng Diyos.โ€

Mahal ni Hesus ang magkakapatid na Marta, Maria at Lazaro. Gayunmaโ€™y pinaraan pa niya ang dalawang araw matapos mabalitaang may sakit si Lazaro bago sinabi sa kanyang mga alagad, โ€œMagbalik tayo sa Judea.โ€ Pagdating ni Hesus, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro. Nang marinig ni Marta na dumarating si Hesus, sinalubong niya ito; ngunit si Mariaโ€™y naiwan sa bahay. Sinabi ni Marta, โ€œPanginoon, kung kayo poโ€™y narito, hindi sana namatay ang aking kapatid. Ngunit nalalaman kong kahit ngayoโ€™y ibibigay sa inyo ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya.โ€ โ€œMuling mabubuhay ang iyong kapatid,โ€ wika ni Hesus. Sumagot si Marta, โ€œNalalaman ko pong siyaโ€™y mabubuhay uli sa huling araw, sa muling pagkabuhay.โ€ Sinabi naman ni Hesus, โ€œAko ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang nananalig sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay, at sinumang nabubuhay at nananalig sa akin, ay hindi mamamatay kailanman. Pinaniniwalaan mo ba ito?โ€ โ€œOpo, Panginoon!โ€ sagot niya. โ€œNananalig ako sa inyo. Kayo po ang Anak ng Diyos, ang Mesiyas na inaasahang paparito sa sanlibutan.โ€

Si Hesus ay napahimutok. โ€œSaan ninyo siya inilibing?โ€ tanong niya. Sumagot sila, โ€œPanginoon, halikayo at tingnan ninyo.โ€ Tumangis si Hesus; kayaโ€™t sinabi ng mga Judio, โ€œTalagang mahal na mahal niya si Lazaro!โ€ Ngunit sinabi ng ilan, โ€œNakapagpadilat ng bulag ang taong ito. Bakit hindi niya nahadlangan ang pagkamatay ni Lazaro?โ€

Muling napahimutok si Hesus pagdating sa libingan. Itoโ€™y yungib na natatakpan ng isang bato โ€œAlisin ninyo ang bato,โ€ sabi ni Hesus. Sumagot si Marta, โ€œPanginoon, nangangamoy na po siya ngayon; apat na araw na siyang patay. Sinabi ni Hesus, โ€œHindi ba sinabi ko sa inyo na kung mananalig ka sa akin ay makikita mo kung gaano kadakila ang Diyos?โ€ At inalis nila ang bato. Tumingala si Hesus at ang wika, โ€œAma, nagpapasalamat ako sa iyo, sapagkat dininig mo ako. Alam kong lagi mo akong dinirinig. Ngunit sinabi ko ito dahil sa mga taong nasa paligid ko, upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin.โ€ Pagkasabi nito, sumigaw siya, โ€œLazaro, lumabas ka!โ€ Lumabas nga si Lazaro; napupuluputan ng kayong panlibing ang kanyang mga kamay at paa, at nababalot ng panyo ang kanyang mukha. Sinabi ni Hesus sa kanila, โ€œKalagan ninyo siya, at nang makalaya.โ€

Marami sa mga Judiong dumalaw kay Maria ang nakakita sa ginawa ni Hesus at nanalig sa kanya.

๐—”๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป.

๐ˆ๐ค๐š๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐€๐ฉ๐š๐ญ๐ง๐š๐ฉ๐ฎ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐๐š๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๏ฟฝ๐‰๐ฎ๐š๐ง 9, 1-41๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ...
15/03/2026

๐ˆ๐ค๐š๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐€๐ฉ๐š๐ญ๐ง๐š๐ฉ๐ฎ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐๐š

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๏ฟฝ๐‰๐ฎ๐š๐ง 9, 1-41

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐ฃ๐ฎ๐š๐ง.

Noong panahong iyon: Sa paglalakad ni Hesus ay may nakita siyang isang lalaking ipinanganak na bulag. Tinanong siya ng kanyang mga alagad, โ€œRabi, sino po ang nagkasala at ipinanganak na bulag ang lalaking ito, siya o ang kanyang mga magulang?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œIpinanganak na bulag ang lalaking ito, hindi dahil sa nagkasala siya o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos. Dapat nating gawin ang mga ipinagagawa ng nagsugo sa akin samantalang araw pa; dumarating ang gabi at wala nang makagagawa. Habang akoโ€™y nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.โ€ Pagkasabi nito, si Hesus ay lumura sa lupa at gumawa ng putik. Ipinahid niya ito sa mata ng bulag. Sinabi sa kanya ni Hesus, โ€œPumunta ka sa deposito ng tubig sa Siloe.โ€ (Ang kahulugan nitoโ€™y Sinugo.) โ€œMaghilamos ka roon.โ€ Gayon nga ang ginawa ng bulag at nang magbalik ay nakakita na.

Sinabi ng mga kapitbahay niya at ng mga nakakita sa kanya noong siyaโ€™y namamalimos pa, โ€œHindi ba iyan ang lalaking dating nagpapalimos?โ€ Sumagot ang ilan, โ€œIyan nga!โ€ โ€œHindi! Kamukha lang,โ€ wika naman ng iba. At sumagot ang lalaki, โ€œAko nga po iyon.โ€ โ€œPaano kang nakakita?โ€ tanong nila. Sumagot siya, โ€œAng lalaking tinatawag na Hesus ay gumawa ng putik at ipinahid sa aking mga mata. Pagkatapos, sinabi sa akin, โ€˜Pumunta ka sa Siloe at maghilamos.โ€™ Kayaโ€™t pumaroon ako at naghilamos, at nakakita na ako.โ€ โ€œNasaan siya?โ€ tanong nila sa kanya. โ€œEwan ko po,โ€ sagot niya.

Dinala nila sa mga Pariseo ang dating bulag. Araw ng Pamamahinga nang gumawa si Hesus ng putik at padilatin ang bulag. Tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. Sinabi niya sa kanila, โ€œPinahiran niya ng putik ang aking mga mata, naghilamos ako pagkatapos, at ngayoโ€™y nakakikita na ako.โ€ Ang sabi ng ilan sa mga Pariseo, โ€œHindi mula sa Diyos ang taong iyan, sapagkat hindi niya ipinangingilin ang Araw ng Pamamahinga.โ€ Ngunit sinabi naman ng iba, โ€œPaanong makagagawa ng ganitong kababalaghan ang isang makasalanan?โ€ At hindi sila magkaisa ng palagay.

Kayaโ€™t tinanong nila uli ang dating bulag, โ€œIkaw naman, yamang pinadilat ni Hesus ang iyong mga mata, ano naman ang masasabi mo tungkol sa kanya?โ€ โ€œSiyaโ€™y isang propeta!โ€ sagot niya. Ayaw maniwala ang mga Judio na siyaโ€™y dating bulag, kayaโ€™t ipinatawag nila ang mga magulang ng taong iyon. At tinanong sila, โ€œAnak ba ninyo ito? Talaga bang siyaโ€™y ipinanganak na bulag? Bakit nakakikita na siya ngayon?โ€ Sumagot ang kanyang mga magulang, โ€œAlam po naming siya ang aming anak, at siyaโ€™y ipinanganak na bulag. Ngunit hindi namin alam kung bakit nakakikita na siya ngayon, o kung sino ang nagpadilat sa kanya. Siya na po ang tanungin ninyo. Siyaโ€™y may sapat na gulang na at makapagsasabi ng tungkol sa kanyang sarili!โ€ Ganito ang sabi ng kanyang mga magulang dahil sa takot sa mga Judio, sapagkat pinagkaisahan ng mga Judio na itiwalag sa sinagoga ang sinumang magpahayag na si Hesus ang Mesiyas. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng kanyang mga magulang, โ€œSiyaโ€™y may sapat na gulang na; siya po ang tanungin ninyo.โ€

Kayaโ€™t muli nilang ipinatawag ang dating bulag at sinabi sa kanya, โ€œSabihin mo ang totoo! Alam naming makasalanan ang taong iyon.โ€ Hindi ko po alam kung siyaโ€™y makasalanan o hindi,โ€ tugon niya. โ€œIsang bagay ang alam ko: dati akong bulag ngunit ngayoโ€™y nakakikita na.โ€ โ€œAno ang ginawa niya sa iyo?โ€ tanong nila. โ€œPaano niya pinadilat ang iyong mga mata?โ€ Sumagot siya, โ€œSinabi ko na po sa inyo, at ayaw ninyong pakinggan. Anoโ€™t ibig ninyong marinig uli? Ibig din ba ninyong maging alagad niya?โ€ At siyaโ€™y inalipusta nila. โ€œIkaw ang alagad niya,โ€ sabi nila. โ€œNgunit kamiโ€™y mga alagad ni Moises. Nalalaman naming nagpakita ang Diyos kay Moises; ngunit ang taong iyon โ€“ ni hindi namin alam kung saan nanggaling!โ€ Sumagot ang lalaki, โ€œIyan nga po ang kataka-taka! Hindi ninyo alam kung saan siya nanggaling, gayung pinadilat niya ang mga mata ko. Alam nating hindi pinakikinggan ng Diyos ang mga makasalanan, ngunit pinakikinggan niya ang mga tunay na sumasamba sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban. Buhat sa pasimula ng sanlibutan ay wala pang nakapagpapadilat ng mata ng taong ipinanganak na bulag. Wala pong magagawa ang taong iyon kung siyaโ€™y hindi mula sa Diyos!โ€ Sumagot sila, โ€œIpinanganak kang makasalanan at ikaw pa ang magtuturo sa amin?โ€ At siyaโ€™y itiniwalag nila.

Nabalitaan ni Hesus na ang lalaking pinagaling niya ay itiniwalag ng mga Pariseo. Kayaโ€™t tinanong niya ang lalaki nang matagpuan niya ito, โ€œSumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?โ€ Sumagot ang lalaki, โ€œSino po ba siya, Ginoo? Sabihin ninyo sa akin, upang akoโ€™y manampalataya sa kanya.โ€ โ€œSiyaโ€™y nakita mo na. Siya ang nakikipag-usap sa iyo,โ€ ani Hesus. โ€œSumasampalataya po ako, Panginoon!โ€ sabi ng lalaki. At sinamba niya si Hesus.

Sinabi pa ni Hesus, โ€œIsang kahatulan sa sanlibutan ang pagparito ko, upang makakita ang mga bulag at mabulag ang mga nakakikita.โ€ Narinig ito ng ilang Pariseong malapit sa kanya at siyaโ€™y tinanong, โ€œIbig mo bang sabihiโ€™y bulag din kami?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œKung kayoโ€™y bulag, wala sana kayong kasalanan. Ngunit sinasabi ninyong nakakikita kayo, kayaโ€™t nananatili ang inyong mga kasalanan.

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง.

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ, ๐™๐ฒ๐ณ๐š!๐Ÿ’œA decade and eight! Today, as you enter the chapter of legality, may your life be filled with bles...
10/03/2026

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ, ๐™๐ฒ๐ณ๐š!๐Ÿ’œ

A decade and eight! Today, as you enter the chapter of legality, may your life be filled with blessings, guidance, and joy. You are a friend to all, a loving daughter, and a true servant of God, and we are grateful for the light you bring to everyone. May this new journey open doors of opportunities while keeping your heart rooted in faith and kindness.

Wishing you a blessed birthday, filled with love, laughter, and Godโ€™s endless grace!

- ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ณ๐’๐’“๐’†๐’๐’›๐’ ๐‘น๐’–๐’Š๐’› ๐‘ช๐’‰๐’๐’Š๐’“ ๐‘ญ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’š

๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐€๐ฉ๐š๐ญ๐ง๐š๐ฉ๐ฎ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐๐š๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๏ฟฝ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ 17, 1-9๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ...
01/03/2026

๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐€๐ฉ๐š๐ญ๐ง๐š๐ฉ๐ฎ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐๐š

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๏ฟฝ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ 17, 1-9

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ

Noong panahong iyon, isinama ni Hesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at silaโ€™y umakyat sa isang mataas na bundok. Samantalang silaโ€™y naroon, nakita nilang nagbagong anyo si Hesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Hesus. Kayaโ€™t sinabi ni Pedro kay Hesus, โ€œPanginoon, mabuti paโ€™y dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.โ€ Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng isang maningning na ulap. At mula ritoโ€™y may tinig na nagsabi, โ€œIto ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!โ€ Ang mga alagad ay natakot nang gayun na lamang nang marinig nila ang tinig, at silaโ€™y napasubasob. Nguniโ€™t nilapitan sila ni Hesus at hinipo. โ€œTumindig kayo,โ€ sabi niya, โ€œhuwag kayong matakot.โ€ At nang tumingin sila ay wala silang nakita kundi si Hesus.
At habang bumababa sila sa bundok, iniutos ni Hesus sa kanila, โ€œHuwag ninyong sasabihin kaninuman ang pangitain hanggaโ€™t hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.โ€

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง.

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ ๐ญ๐จ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ญ.๐‚๐จ๐จ๐ซ, ๐’๐ข๐ฌ.๐‘๐จ๐ฌ๐ž ๐‹๐š๐ซ๐ข๐›๐š!๐Ÿฅณ On your special day, we give thanks for the beautiful gift of your vo...
26/02/2026

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ ๐ญ๐จ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ญ.๐‚๐จ๐จ๐ซ, ๐’๐ข๐ฌ.๐‘๐จ๐ฌ๐ž ๐‹๐š๐ซ๐ข๐›๐š!๐Ÿฅณ

On your special day, we give thanks for the beautiful gift of your voice and your faithful heart. As we lift our songs in praise together, you bring life to our choirโ€™s mission of honoring God and celebrating the legacy of San Lorenzo Ruiz whose courage and devotion continue to inspire us all.

May the Lord fill your year ahead with abundant blessings, joy that resonates like harmonious melody, and strength to keep serving through music. Your dedication enriches our choir family and touches the hearts of all who listen.

Wishing you a blessed birthday, filled with love, laughter, and Godโ€™s endless grace!

- ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ณ๐’๐’“๐’†๐’๐’›๐’ ๐‘น๐’–๐’Š๐’› ๐‘ช๐’‰๐’๐’Š๐’“ ๐‘ญ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’š.

๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€ | ๐๐€๐“๐€๐๐† ๐‡๐„๐‘๐”๐’๐€๐‹๐„๐Œ๐™ƒ๐™ค๐™จ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™– ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ค ๐˜ฟ๐™–๐™ซ๐™ž๐™™ ๐˜ฝ๐™š๐™ฃ๐™š๐™™๐™ž๐™˜๐™ฉ๐™ช๐™จ ๐™Œ๐™ช๐™ž ๐™‘๐™š๐™ฃ๐™ž๐™ฉInaanyayahan ang mga bata edad 7-10 taon gulang upang...
24/02/2026

๐๐€๐€๐๐˜๐€๐˜๐€ | ๐๐€๐“๐€๐๐† ๐‡๐„๐‘๐”๐’๐€๐‹๐„๐Œ

๐™ƒ๐™ค๐™จ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™– ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ค ๐˜ฟ๐™–๐™ซ๐™ž๐™™ ๐˜ฝ๐™š๐™ฃ๐™š๐™™๐™ž๐™˜๐™ฉ๐™ช๐™จ ๐™Œ๐™ช๐™ž ๐™‘๐™š๐™ฃ๐™ž๐™ฉ

Inaanyayahan ang mga bata edad 7-10 taon gulang upang lumahok bilang mga Batang Herusalem para sa Prusisyon sa Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon.

Ito ay isang Tradisyon sa Bayan ng Tundo tuwing Domingo de Ramos (Linggo ng Palaspas) kung saan nakikiisa ang mga bata na umawit ng Hossana sa mga Veranda tangan ang mga palaspas. Maaga nawa nating imulat ang mga bata sa katolikong pananampalataya at debosyon.

Para sa mga detalye makipag-ugnayan lamang sa mga numerong nakatala. Manatiling nakasubaybay sa ating Official page para sa mga detalye ng gawain sa Panahon ng Kwaresma, Mahal na Araw at Pasko ng Muling Pagkabuhay.

๐™„๐™ฃ ๐™‰๐™ค๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™š ๐˜ฟ๐™ค๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™ž ๐™๐™š๐™ญ ๐™„๐™จ๐™ง๐™–๐™š๐™ก ๐™ƒ๐™ค๐™จ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™–

ฬƒodeTondo

๐๐€๐‘๐ˆ๐’๐‡ ๐‹๐„๐๐“๐„๐ ๐‘๐„๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐Upang tayoโ€™y higit na magabayan at mahubog sa ating buhay espiritwal sa pagdiriwang ng Apatnap...
21/02/2026

๐๐€๐‘๐ˆ๐’๐‡ ๐‹๐„๐๐“๐„๐ ๐‘๐„๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐

Upang tayoโ€™y higit na magabayan at mahubog sa ating buhay espiritwal sa pagdiriwang ng Apatnapung Araw ng Paghahanda sa Pasko ng Pagkabuhay ng Panginoon, binibigyan natin ng mahalagang puwang ang patuloy na paghuhubog espiritwal ng pamayanan.

Inaanyayahan ang lahat sa Parish Lenten Recollection na gaganapin sa ika-26 ng Pebrero (Huwebes), ganap na ika-7:00 ng gabi. Ang ating tagapaghubog ay si Reb. P. EJ San Diego, Parochial Vicar ng San Juan Nepomuceno Parish, Malibay, Pasay.

Nawaโ€™y maging pagkakataon ito ng mas malalim na pagninilay, pagbabalik-loob, at paghahanda ng ating mga puso sa dakilang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.

๐๐€๐‘๐ˆ๐’๐‡ ๐‹๐„๐๐“๐„๐ ๐‘๐„๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐

Upang tayoโ€™y higit na magabayan at mahubog sa ating buhay espiritwal sa pagdiriwang ng Apatnapung Araw ng Paghahanda sa Pasko ng Pagkabuhay ng Panginoon, binibigyan natin ng mahalagang puwang ang patuloy na paghuhubog espiritwal ng pamayanan.

Inaanyayahan ang lahat sa Parish Lenten Recollection na gaganapin sa ika-26 ng Pebrero (Huwebes), ganap na ika-7:00 ng gabi. Ang ating tagapaghubog ay si Reb. P. EJ San Diego, Parochial Vicar ng San Juan Nepomuceno Parish, Malibay, Pasay.

Nawaโ€™y maging pagkakataon ito ng mas malalim na pagninilay, pagbabalik-loob, at paghahanda ng ating mga puso sa dakilang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.

๐’๐‹๐‘๐‚ ๐†๐‘๐Ž๐”๐ ๐ƒ๐˜๐๐€๐Œ๐ˆ๐‚๐’February 20, 2026Ang ๐’๐š๐ง ๐‹๐จ๐ซ๐ž๐ง๐ณ๐จ ๐‘๐ฎ๐ข๐ณ ๐‚๐ก๐จ๐ข๐ซ (๐–ฒ๐–ซ๐–ฑ๐–ข) ay nagkaroon ng ๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐ƒ๐ฒ๐ง๐š๐ฆ๐ข๐œ๐ฌ sa Pangunguna ng As...
20/02/2026

๐’๐‹๐‘๐‚ ๐†๐‘๐Ž๐”๐ ๐ƒ๐˜๐๐€๐Œ๐ˆ๐‚๐’
February 20, 2026

Ang ๐’๐š๐ง ๐‹๐จ๐ซ๐ž๐ง๐ณ๐จ ๐‘๐ฎ๐ข๐ณ ๐‚๐ก๐จ๐ข๐ซ (๐–ฒ๐–ซ๐–ฑ๐–ข) ay nagkaroon ng ๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐ƒ๐ฒ๐ง๐š๐ฆ๐ข๐œ๐ฌ sa Pangunguna ng Assistant Coordinator ng ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ na si ๐’๐ข๐ฌ. ๐‘๐ข๐š๐ง๐ง๐ž ๐‰๐š๐ฒ๐ง๐ž ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ข (๐–ธ๐—‡๐–บ ๐–ข๐—ˆ๐—‡๐—๐—‚) sa Temang, ๐๐”๐‹๐’๐Ž (๐–ช๐–พ๐–พ๐—‰ ๐—๐—๐–พ ๐—๐–พ๐–บ๐—‹๐— ๐—ˆ๐–ฟ ๐—Œ๐–พ๐—‹๐—๐—‚๐–ผ๐–พ ๐–ป๐–พ๐–บ๐—๐—‚๐—‡๐—€!)


๐Œ๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐€๐›๐จFebruary 18, 2026 | (Wednesday)๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ 6, 1-6. 16-18๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ...
18/02/2026

๐Œ๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐€๐›๐จ
February 18, 2026 | (Wednesday)

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ 6, 1-6. 16-18

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: โ€œPag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit.

โ€œKaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong paglilimos. At gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.

โ€œAt kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.

โ€œKapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagpaimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na silaโ€™y nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang nakaaalam nito. Siya, na nakakikita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim, ang gaganti sa iyo.โ€

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง.

๐Œ๐€๐ˆ๐Š๐‹๐ˆ๐๐† ๐†๐€๐๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐†-๐€๐€๐˜๐”๐๐Ž ๐€๐“ ๐๐€๐†-๐€๐€๐๐’๐“๐ˆ๐๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐ ๐๐† ๐Š๐”๐–๐€๐‘๐„๐’๐Œ๐€Narito ang isang maikling paalala tungkol sa pag...
18/02/2026

๐Œ๐€๐ˆ๐Š๐‹๐ˆ๐๐† ๐†๐€๐๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐†-๐€๐€๐˜๐”๐๐Ž ๐€๐“ ๐๐€๐†-๐€๐€๐๐’๐“๐ˆ๐๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐ ๐๐† ๐Š๐”๐–๐€๐‘๐„๐’๐Œ๐€

Narito ang isang maikling paalala tungkol sa pag-aayuno at pag-aabstinensya ngayong banal na panahon ng Kuwaresma.

Nawaโ€™y maging daan ito upang lalo tayong mapalapit sa Diyos at mapabanal ang ating buhay.

15/02/2026

๐’๐€๐€๐ ๐๐€๐†๐Œ๐”๐Œ๐”๐‹๐€ ๐€๐๐† ๐€๐๐Ž ๐๐€ ๐†๐ˆ๐๐€๐†๐€๐Œ๐ˆ๐“ ๐“๐”๐–๐ˆ๐๐† ๐Œ๐ˆ๐˜๐„๐‘๐Š๐”๐‹๐„๐’ ๐๐† ๐€๐๐Ž?

Ang abong ipinapahid sa noo tuwing Miyerkules ng Abo ay nagmumula sa mga palaspas na ginamit noong Linggo ng Palaspas ng nakaraang taon, na sinusunog bilang bahagi ng paghahanda sa panahon ng Kuwaresma.

Isa itong paalala ng pagsisisi, pagpapakumbaba, at pagbabalik-loob sa Diyos.

ฬƒodeTondo

15/02/2026

๐‘๐ˆ๐“๐” ๐๐† ๐๐€๐†๐’๐”๐’๐”๐๐Ž๐† ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐‹๐”๐Œ๐€๐๐† ๐๐€๐‹๐€๐’๐๐€๐’

Isasagawa ang ritu pagsusunog ng mga lumang palaspas sa ika-17 ng Pebrero, ganap na ika-5:30 ng hapon, sa Garden of the Saints.

Inaanyayahan ang mga mananampalataya na iwan ang kanilang mga tuyong palaspas sa likurang bahagi ng ating simbahan bilang paghahanda sa nasabing gawain.

Maraming Salamat po.

Address

600 Lorenzo Chacon Street, Philippines
Manila
1012

Telephone

+639918431293

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Lorenzo Ruiz Choir posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share