24/05/2026
𝐏𝐄𝐍𝐓𝐄𝐊𝐎𝐒𝐓𝐄𝐒 | 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐈𝐆𝐋𝐄𝐒𝐈𝐀 🇻🇦
Sa dakilang araw ng Pentekostes, isinilang ang Iglesia Catolica sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na bumaba sa anyo ng mga dilang apoy. Siyang nagpaalab sa puso ng mga apostol upang maging matatag sa pananampalataya, at siya ring tumupok sa kanilang takot at pag-aalinlangan. Sa sandaling iyon, ang Simbahan ay nahubog bilang buhay na tanda ng presensya ng Diyos sa sanlibutan. Ang mga dating nagtatago ay naging matapang na saksi ng Ebanghelyo, tagapagdala ng liwanag sa mundong uhaw sa katotohanan.
Nawa sa gitna ng mga hamon ng modernong panahon, hayaan nating ang Espiritu ring ito ang humipo, gumabay, at patuloy na magpanibago sa ating kalooban. Habang isinasabuhay natin ang bawat araw, nawa’y masalamin natin ang Kanyang presensya, sa simpleng gawain at sa tapat na paglingap sa kapwa.
𝑽𝒆𝒏𝒊 𝑪𝒓𝒆𝒂𝒕𝒐𝒓 𝑺𝒑𝒊𝒓𝒊𝒕𝒖𝒔 🕊❤️🔥