12/07/2026
Isa sa pinakamahirap na desisyon sa buhay ay ang pagbukas at pagbasa ng Banal na Aklat , sapagkat dito nakasaad ang mga salita ng Diyos na dapat nating isa buhay sa araw araw , although talagang mahirap dahil araw araw , oras oras may naglalaban sa pagitan ng laman , utak , isip at gawa ng iyong sariling katawan , andyan yung pagkakaroon padin ng kasalanan na kahit minsa'y hindi naman sinasadya at pati nadin ang pagka-dapa , andyan din yung dpt maging perpekto ka sa paningin ng ibang tao , dahil sa pagbabasa , pag sunod , paghahanap at pagsusubok na gawin kung anong gusto ng Panginoon para sayo . Hindi naman din sinabi sa Biblia na dpt maging perpekto ka , dahil walang ibang perpekto kundi ang Ama at si Jesus lamang , wag nating ikahiya na sinusubukan nating sumunod na ayon sa salita ng Diyos , Siya ay laging nandyan lang para tayo ay i guide , kung nagkakasala at nadadapa , Siya ay Diyos na maawain , tumawag ka lang Sakanya at ikaw ay masusumpungan , mahal na mahal tayo ng Diyos at hinding hindi Niya tayo pababayaan . ❤️