04/04/2026
LYRIC VIDEO
Song Title: Anong Dakilang Pag-ibig
(How Deep the Father’s Love for us)
Date: March 22, 2026
Evangelical Covenant Church Manila
Soli Deo Gloria!
- - -
LYRICS:
ANONG DAKILANG PAG-IBIG
(How Deep the Father’s Love for Us)
Verse 1
Anong dakilang pag-ibig
N’yaring Ama sa langit
Na ang Anak ay ‘binigay
Ang Yaman N’ya’y inalay
Chorus 1
Anong dakilang pasakit!
Tinalikdan ng langit
Nang sa Kanyang mga sugat
Tayo’y di mapahamak
Verse 2
Hayun sa krus S’ya’y pagmasdan
Pasan ang kasalanan
Tila aking naririnig
Nangungutya kong tinig
Chorus 2
Ang sala ko ang nagpako
'Pagkat Kanyang inako
Sa pagpanaw N’ya’y nabuhay
Sala na’y nabayaran
Verse 3
Walang ipagmamalaki
Dunong, yaman o buti
Kay Kristo lamang kat’wiran
Ang pinanghahawakan
Chorus 3
Bakit ako iniligtas?
Sagot di masiyasat
Tanging alam ng puso ko
Katubusa’y si Kristo
Bakit ako iniligtas?
Sagot di masiyasat
Tanging alam ng puso ko
Katubusa’y si Kristo