03/04/2026
Naalala lang mag dasal kapag nahihirapan
pero kapag nasa ginhawa nakakalimot na
Napansin mo ba?
Kapag nahihirapan ka,
ang bilis mong lumapit sa Diyos.
Biglang naaalala mag dasal.
Biglang mas malapit ang loob mo sa Kanya.
Pero kapag okay na lahat…
unti unti kang lumalayo.
Hindi mo naman sinasadya.
Pero nangyayari.
Kasi kapag may problema,
ramdam mo na kailangan mo Siya.
Pero kapag maayos na,
feeling mo kaya mo na ulit mag isa.
Dito nagiging delikado.
Kasi ang relasyon sa Diyos
hindi lang dapat ginagamit kapag may kailangan.
Hindi Siya emergency contact.
Siya dapat ang kasama mo
kahit wala kang problema.
Kasi kung sa hirap mo lang Siya kilala,
mahihirapan kang makita Siya sa ginhawa.
At kung sa problema ka lang lumalapit,
hindi lalalim ang relasyon mo sa Kanya.
Ang tunay na connection,
consistent.
Hindi lang kapag kailangan.
Hindi lang kapag down ka.
Kundi araw araw, kahit okay ang buhay.
“Draw near to God and He will draw near to you.” – James 4:8
Kung lalapit ka sa Kanya hindi lang sa problema,
mas mararamdaman mo ang presensya Niya sa buong buhay mo.